Zachary Vasquez
Hindi ako pamilyar sa daan na tinatahak namin nina Mae at Mark. Oh yes, kasama ko sila. Na naman.
At aaminin ko na talaga, napakaganda ng Arseia. Dito lumaki si daddy, at pakiramdam ko, napakasarap ng buhay nya noon dahil sa magagandang tanawin at maaliwalas na hangin dito. At panigurado, noon, simpleng buhay lang ang meron sila dito. Kahit naman ngayon, e, simpleng buhay pa din ang meron dito.
But in my case, in my generation, mas gusto ko na magbakasyon lang dito. Not living. Pakiramdam ko kasi, mas masarap magrelax dito lalo na kapag galing ka sa stressful living sa maynila. Alam mo yon, yung may tatakbuhan ka kapag ayaw mo na sa isang lugar. Yung may second option ka kapag sobrang pagod ka na. It feels heaven to me. Ang magkaroon ng second choice.
"Mukhang nageenjoy ka sa pagmasid, ah?" Ngiti ni Mae sa akin.
Nilingon ko sya at sinimangutan, "I wanna go home. Sa maynila."
Hindi ko din alam kung bakit ang hirap hirap sakin na aminin sa mga tao ang tunay kong nararamdaman. Except kay dad, of course. I'm so comfortable with my dad to the point na kaya kong aminin at sabihin sa kanya ang lahat. He always have a comments, questions, answers and debate.
Wait, nasabi ko na yon, ah?
Ngumisi lang si Mae at nilingon si Mark na malayo ang agwat sa amin. Syempre, hindi sila pwedeng magdikit kapag sa open and public places. Maliit lang ang Arseia at lahat ng tao dito ay mukhang magkakakilala. Kaya sa oras na makita silang magkasama, malamang ay makarating agad kina tiyo.
Pero syempre, sumagi din ito sa isip ko.
"Mae, bakit hindi kayo pwedeng magkasama ni Mark?" Biglaang tanong ko.
Tumingin sya sakin at malungkot na ngumiti, "Hindi ba obvious? Syempre malalaman nila tatay ang tungkol sa amin at magagalit sya."
She's always smiling pero kita naman na malungkot sya. Pano nya nagagawa iyon? Kasi ako, panigurado, kapag malungkot ako, wala akong gagawin kung hindi ang sumimangot lang.
"No, I mean, of course I know!" Inirapan ko sya, "What I'm saying is, agad ba silang magcoconclude na may relasyon kayo? Bawal bang friends muna?"
Pinagkunutan nya ko ng noo, "Kahit kaibigan, Shai, bawal."
Woah, that was weird. Kung ako ang magkakaron ng kaibigan na lalaki, hindi naman magagalit si daddy. Actually, wala naman akong kaibigan na lalaki. Kahit na babae, bihira lang. May isa lang akong matalik na kaibigan at isa syang gay. Kaya nga minsan ay pinagtutulakan ako ni daddy na makipagkaibigan sa mga lalaki, usually, sa mga anak ng kaibigan nya o kabusiness nila ni mommy. Baka daw kasi may gender problem na ako. Nagtataka sya dahil never pa daw akong nagbanggit ng lalaki sa kanya.
Oh well, I have no gender problem. Straight ako! May maarte at mataray bang tomboy? Hindi ko lang siguro talaga feel ang mga boys. Kaya nga sa school, lagi akong nasasabihan ng maarte at masyadong mapili sa kaibigan. Well, it's true. At wala naman akong pakealam sa opinyon nila.
"Nandito na tayo." Natauhan na lang ako ng biglang magsalita sa gilid si Mark. Malamig ang pagkakasabi nya non.
Nilingon ko sila at nakita ko na magkatabi na sila. Nakita ko na siniko sya ni Mae at umismid lang sya. Siguro ay galit pa rin ang isang to sa akin dahil sa pinagsasabi ko noong nakaraan tungkol sa relasyon nila. Well, hindi na nakakapagtaka iyon at wala naman akong pakealam. Mas nakakapagtaka pa nga si Mae na walang ginawa kung hindi ang maging mabait sa akin na parang walang nangyari. Lagi syang nakangiti sa akin kahit na wala naman akong ginawa kung hindi ang irapan sya. 'Cause she's weird.
Ang bait, kaya hindi na ko magtataka kung malaman ko na niloloko sya ng mga tao o pinagsasamantalahan ang kabaitan nya. Ganon naman kasi talaga, di ba? Kapag masyado kang mabait, aabusuhin ka. Pero kapag masungit ka naman, huhusgahan ka. World and it full of bullshits!
"Bahay ito nina Zachary, Shai." Ngiti sa akin ni Mae.
Tiningala ko ang malaking gate na nasa harapan namin maging ang malawak na hardin bago ang kanilang bahay. Bahay lang ba ito? Mansyon ang tawag dito. And wait...
"Vasquez..." Basa ko sa malaking mga letra na nakasulat sa itaas ng gate. "VASQUEZ?" Pag-ulit ko at tinuro pa ang nakasulat.
Vasquez? Ang ibig bang sabihin nito...
"Mae! Charlotte!" Biglang lumabas sa malaking gate si Zachary at ibinalandra ng walang ano-ano ang kanyang mala-anghel na ngiti.
Here comes the angel... But what the hell?
"Vasquez ka?" Bungad ko sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na.
Kumunot ang noo nya ngunit kalaunan ay tumawa, "Bakit? Hindi ba ako mukhang Vasquez? Is my face do not fit our family name?" Sabi nito ng tumatawa.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Nilingon ko si Mae na ngayon ay namumutla na. Ano?
"Hmm, do I need to introduce myself to you, princess?" Nilingon ko si Zach na ngayon ay nakayuko sa akin na para bang nag-aaya ng sayaw. He looks like a prince, "Well, I am Zachary Vasquez. Son of Alejandro and Zandra Vasquez."
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.