Dark eyes
I don't know where the hell I get those advice. Hindi ko alam kung paano sila lumalabas sa bibig ko. Ang tanging alam ko lang, kapag gusto kong sabihin ay sasabihin ko. Lalo na kung alam ko naman na tama ako.
"We're going home, honey." Sabi ni daddy ng kumalas ako sa pagkayakap.
"Going home?" Takang tanong ko. Nilingon ko sina mommy, tiyo at tiya na nakatingin sa akin.
"Tama lang, Carlos. Dahil kung hindi mo pa iuwi yan, baka yan na ang isunod ng mga Vasquez." Matigas na sabi ni tiyo.
Naiirita ako. Hindi sya matigil sa pagbanggit sa mga Vasquez. Tinignan ko si tiyo at tinikom kong maigi ang bibig ko. Ayokong maging bastos.
"Ano po ba kasi talagang problema nyo sa mga Vasquez?" Mahinahon kong tanong.
Nagkatinginan silang apat. Tumikhim si daddy at nagsalita, "Stop dragging the Vasquez in my daughter's mind, Kuya."
"Hindi. Dapat nga sabihin na yan sa kanila. Para alam nila kung saan sila lulugar-"
"I said stop!" Nagulat ako sa pagsigaw ni daddy.
"Our daughter is smart, Danilo. She won't let that happen." Malamig naman na sabi ni mommy. Nilingon ko sya. She's just staring at me. Kumunot ang noo ko ngunit ngumiti sya sa akin.
"Sinasabi mo ba na hindi matalino ang anak ko, Carina?" Pagalit na sabi ni tiya.
"I'm not. Ikaw ang nagsabi nyan." My mom's bitchy side is showing.
"The hell!" Sabi ko at umirap, "pagod na po ako sa sigawan at away. Kelan ba ang uwi natin, dad?"
I want to divert the attention. Pagod na ko sa pagtatalo para sa issue na to.
"Today." Sagot ni daddy.
"Ah- wait!" Nanlaki ang mata ko ng may maalala, "bakit nga pala nandito kayo? I though, 2 months?"
Ngumiti si daddy gamit ang nakakahawa nyang ngiti. Umalis na sina tiya at tiyo kaya kami na lang ang natira sa sala. Alam kong alam na nila ang nangyari kay Mae, and I'm thankful dahil hindi nila ako dinadamay sa issue na yon, hindi tulad ni Paul.
Pinaliwanag nila na maaga nilang naclose ang deal na dapat iclose and because of that, maaga ng isang buwan ang pag-uwi nila. And they want a peaceful vacation. Dito daw sana pero ng malaman ni mommy na may issue, ayaw na nya. Hindi daw kasi peaceful.
Tumatawa pa ko sa pagiging maarte ni mommy ng biglang may sumagi sa isip ko.
"Ngayon na po ba talaga ang uwi natin, mom, dad?" Tanong ko na ipinagtaka nila.
"Why? Did you already want to live here? I wont mind, darling." Ngisi ni mommy na inirapan ko.
"Yes. Your kuya is waiting for us sa maynila. We should go home. Besides, he's been missing you." Napangiwi ako sa sinabi ni dad. Yuck.
"Uhm, can I go out bago umuwi?" Nagaalinlangan kong tanong.
"Saan ka pupunta?" Pagkunot ng noo ni dad.
Nag-iwas ako ng tingin at nagkibit balikat, "just want to visit boro for one last time."
Kinakabahan akong lumingon sa kanila, I don't know why. Nagkatinginan si mommy at daddy bago tumango.
Hinatid ako ni daddy gamit ang kotse nya sa bunganga ng gubat. Nagalinlangan pa kong ayain sya sa Boro, good thing, tumanggi sya. Tinanong nya lang ako kung kaya ko daw ba magisa at sinagot ko naman sya ng oo dahil ilang beses na din naman akong nagpabalik-balik sa Boro Falls. Sinabing mag-ingat ako at wag magtagal. Hihintayin nya ko sa bunganga pa din ng gubat.
Mabagal ang lakad ko papunta sa Falls, maybe because this is the last time na makikita ko ang lugar na ito at gusto ko yong namnamin. Bumalot ang excitement sa sistema ko ng marinig ko na ang malakas na pag-agos ng falls.
Nang makapasok ako, hindi ko alam kung bakit kung gaano kabilis pumasok ang excitement sa sistema ko, ganon din kabilis bumalot ang lungkot ng pasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Nalulungkot ako at hindi ko alam kung bakit. Pero sinong niloloko ko?
Umupo ako sa malaking bato at binabad ang paa ko sa malamig na tubig. Tumingala ako sa taas ng falls at sa mga puno. Sinong niloloko ko? May inasahan ako. Half meant na gusto kong makita ang Boro Falls sa huling pagkakataon. Pero may isa pa kong gustong masilayan. At sobra akong nadissapoint na wala ang inasahan ko.
Mahigit bente minutos na ang nakaraan mula ng umupo ako sa batong ito. Nanunuot na din ang lamig sa sistema ko. And when I'm about to stand, nanigas ako sa kinauupuan ko.
"I thought I won't see you anymore." Mahina ang boses nya ngunit malakas ang impact non sa puso ko na ngayon ay naghuhurumintado na.
Unti-unti akong lumingon kahit na nakaupo pa. When my eyes met his dark eyes, mabilis na kumapit ang kagalakan at pag-asa sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.