I'm inlove with you
Sa mga sumunod na araw ay panay ang pag-aabang ni Zach sa akin kaya naman panay din ang pag-iwas ko. Mamataan ko pa lang sya ay lumiliko na ako, sya naman itong hahabol hanggang sa mainis nanaman ako. Ganon lagi ang eksena. May isang beses pa nga na kung hindi sya tinawag ni Yumi ay hindi nya ko titigilan.
I dont know whats between the two of them. And I dont wanna know. Ang alam ko lang ay halos magkapalit na sila ng mukha sa sobrang lapit nilang dalawa. Thats all!
Papasok ako sa last class ko ng bigla na lang may humablot sa akin kung saan. Sa sobrang bilis ng pagkaladkad nya sa akin ay halos hindi na ko nakareact!
"What the hell!" Sigaw ko at pumiglas.
Tindig pa lang, amoy pa lang, alam ko na kung sino. Damn!
Ilang segundo lang ay hinagis nya na ko sa frontseat ng sasakyan nya. At para lang hindi ako makalabas ay doon pa talaga sya dumaan para makaupo sa driverseat!
"Ano ba!" Sigaw ko ng halos itali nya sa akin ang seatbelt. "May klase pa ako!"
Hindi nya ko pinansin at nagpatuloy lang sya sa pagtali ng seatbelt na parang wala ng bukas. Nang matapos ay halos lumipad ang kaluluwa ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nya!
"Holy shit! Kung may balak kang magpakamatay wag kang mangdamay!" Sigaw ko.
"Damn it!" Mura ko pa. "Stop the car, asshole!"
Pagkasabi ko non ay mabilis nyang hininto ang sasakyan at masama akong tinignan.
"Stop yelling, Charlotte! Naghihirap ako dito na hindi ka patulan! Stop yelling kung ayaw mong humantong tayo sa ikinagalit mo!" Sigaw din nya.
Sandali akong natulala sa sinabi nya habang sya ay sinamantala yon para paandarin ng muli ang sasakyan. Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa pinasok nya ang sasakyan sa basement ng isang malaking building. Tingin ko ay condo.
Nauna syang bumaba bago binuksan ang pinto ko. Kinapa ko ang seatbelt at talagang napakahigpit ng pagkakakabit nito!
"Ako na." Malamig na sabi nya at kinapa na din ang seatbelt ko.
Tinitigan ko sya at naabutan kong nagtiim bagang sya at tumikhim. Ang lapit namin at may kakaiba nanaman akong nararamdaman.
"Lets go." Aniya at mabilis na akong hinigit.
Hindi nya na hinintay na makapagreklamo ako dahil dali dali nya na kong pinasok sa loob ng elevator. Mahigpit din ang hawak nya sa kamay ko na parang anytime ay kakawala ako. Pinindot nya ang numero ng floor kung nasaan siguro ang unit nya.
Tinitigan ko sya at amba sana akong magsasalita.
"We will talk, Charlotte, sa unit ko." Aniya ng hindi ako nililingon.
"B-Bakit sa unit mo pa?" Utal-utal na tanong ko.
Tumatalon ang puso ko sa kaba. Sa pwede naming pag-usapan, sa pwedeng mangyari at sa pwedeng magawa ko. God! I'm crazy!
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami. Muli nya kong hinigit at huminto kami sa kulay abong pintuan. Hindi nya binitawan ang kamay ko hanggang sa mabuksan nya ang pinto ng unit nya.
Nang makapasok ay mabilis nya kong itinulak sa pader at siniil ng halik! Nanigas ako at hindi ko alam kung tama bang maestatwa ng ganito o dapat ko ba syang sabayan. What? At bakit mo sya sasabayan? Magpapadala ka nanaman?
Buong lakas ko syang tinulak ngunit hindi sya natinag. Mas siniil nya pa ako ng maiinit nyang halik. But that was my cue to do this. I slapped him hard! Yung tipong magigising sya na hindi ko na gusto ang mga ginagawa nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.