Chapter Fourty Five

8 0 0
                                    

Right time

"I thought you're not yet ready for that." Aniya ngunit dinig pa rin ang exctiment sa kanyang tono.

Nagkibit balikat na lang ako at muli syang hinatak.

Namataan ko ang pamilya ko na nakaupo at tahimik na nagtatawanan. Kauumpisa pa lang ng after party at mukhang di pa sila uuwi.

"Mommy, dad." Tawag ko sa kanila.

Nilingon nila ako ng nakatawa pa ang mga mata. Si mommy ay nagtaas agad ng kilay sa akin habang si dad naman ay sa likod ko agad ang titig.

"Where have you been?" Tanong ni mommy.

"Dyaan lang, my. By the way, this is Zachary." Nilahad ko si Zachary sa buong pamilya ko.

Nilingon ko sila at nakita ko ang nanlalaking mata ni Alelie at namumutla nyang mukha. Si tiya, tiyo at Paul naman ay titig na titig ang mga mata kay Zachary.

Naglahad ng kamay si Zach kay mommy. "Zachary Vasquez po."

Tinanggap ni mommy ang kamay nya. Nahagip ng tingin ko ang nanliit na mga mata ni tiyo. I wonder why.

"Vasquez?" Mula sa titig ay tumalim ang tingin ni tiyo.

Kumalabog kaagad ang puso ko!

"Opo." Binitawan ni mommy ang kamay nya kaya naglahad si Zach kay tiyo.

Hindi ito pinansin ni tiyo bagkus ay muling nagtanong. "Anong pangalan ng ama mo?" Aniya sa tono ng pagtataka.

"Alejandro Vasquez, sir." Pagkasabi ni Zach noon ay nakita ko ang namuong galit sa mga mata ni tiyo.

Why?

"Kuya." Malamig na tawag ni dad sa kanya. "Let me handle this. Don't ruin my son's wedding." Matigas na sabi nya.

Kumunot ang noo ko. "What's wrong, dad?"

Tumayo si mommy at sinenyasan ang katulong namin na ilabas na ang kapatid kong tulog na tulog na kanina pa. Lumapit si mommy sa akin sabay hawak sa aking siko.

"Ijo, nice meeting you." Malamig ngunit nakangiting sabi ni mommy. "But I think it's better if you go home now."

Nalaglag ang panga ko.

"Mom! Oh my god! What are you saying?" Iritadong sabi ko. "No! Hindi sya uuwi! What's wrong with you?"

"Charlotte. Just... Let him go." Kita ko ang hirap sa mga mata ni mommy. Hindi alam kung anong sasabihin.

"But, mom... Zachary is my boyfriend." Lakas loob na sabi ko.

Narinig ko ang pagmumura ni tiyo kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi mo ito alam, Carlos?" Halos pasigaw na sabi ni tiyo.

Lalong nagkunot ang noo ko. Nahagip ng tingin ko si Alelie na panay ang lipat ng tingin sa akin at sa cellphone nya.

"Let's not make a scene here-"

"Hindi! Paalisin nyo ang isang yan!" Kumalabog ang puso ko sa ipinakitang galit ni tiyo.

Halos magtinginan na ang mga tao sa amin.

Nilingon ko si Zachary at naabutan ko syang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.

"Ang pamilya nya ang dahilan kung bakit nawala ang ating kapatid, Carlos. Ang tatay-"

"Sinabi nang tumigil ka na!" Sigaw ni dad.

"Please..." Bulong ni mommy, hindi sa akin ngunit kay Zach. "Just go. I don't want you to ruin my son's wedding. Or even my family."

"Mom?" Patanong na sabi ko.

Hidden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon