DISISEIS

7.2K 240 9
                                    

VICIOUS LOVE

Written by: Tale teller

-DISISEIS-

Ang sakit ng mga binitwang salita ni Tristan sa kaniya. Iyak lang ang tanging ginawa niya sa unang gabi ng kanilang kasal. Hindi din naman siya nito tinabihan sa pagtulog, ang alam niya umalis ito sa kalagitnaan ng gabi. Kung saan man ito pumunta ay hindi niya alam at wala rin siyang balak tanungin kung saan ito pupunta. Minabuti na lamang niya ang manahimik kaysa sa makarinig na naman ng masasakit ng salita galing dito.

Bakit ba ang dumi at sobrang makitid ang isip ni Tristan? Na kahit anong paliwanag niya ay siya nito pinapakinggan. Hinihiling na lamang niya na sana dumating na ang dalawang taong kondisyon bago makuha na ng buo ni Tristan ang mana. Ibibigay naman niya lahat ng iyon, wala siyang balak kunin kahit piso sa mamanahin ng asawa. May sarili naman siyang kita mula sa ginagawa niyang mga sand art at ilang part time job niya noon sa photography.

"Good morning!" Si Miyang ang una niyang na bungaran nang buksan niya ang pintuan ng kanilang silid ni Trsitan. "Teka!" Kumunot ang noo nito nang mapansin ang namamaga niyang mata, "umiyak ka ba? Inaway sa ba ni Lucing?!"

"Lucing?" Hindi niya pinansin ang unang tanong. Sino naman kayang Lucing ang tinutukoy nito.

"Si Lucing, as in si Lucifer. Asawa mo mo tanga!" Palatak nito.

"Ah... Hindi..." Kaila niya, "na sobrahan lang ako sa alak kagabi kaya...nalungkot na naman kasi ako nang sumagip sa isip ko si Papa." Hindi siya sanay magsinungaling pero ngayon mukhang ito na ang simula.

"Saan na ang asawa mo?" Sumilip-silip ito sa kaniyang kwarto kaya agad niyang isinara ang pinto.

"Lumabas lang..." Kahit pa ang totoo ay hindi niya alam kung saan ito ngayon.

"Ah!" Tumango-tango si Miyang, pero bahid parin sa mukha nito na hindi ito naniniwala. "Lika ka na, nasa ibaba na ang agahan." Anyaya nito sa kaniya. "Sa amin ka na lang sumabay kumain ni Aling Pet at Aling Rosita kaysa sa demonyito mong asawa." Sinabayan pa ito ng malutong na tawa.

"Sinong demonyito?" Bungad sa likuran ni Miyang ay lumitaw si Tristan.

"Ay demonyito! Ay este! Good morning senyorito!" Hindi magkandaugaga si Miyang sa kinatatayuan nito.

"Ako ba ang demonyitong sinasabi mo?!" Nanigas ang panga nito at halos dumikit na ang mga kilay dahil sa sobrang pagkakunot ng noo. S

Saan kaya ito nanggaling? Bukas ang tatlong botones ng suot nitong puting polo at nakasabit ang itim nitong blazer sa balikat. Mukhang kulang ito ng tulog kita naman sa mga mata nito, but nonetheless it didn't make him any less handsome. He's Tristan dela Vega for pete's sake!

"Wala yun!" Agad namang depensa ni Nadia sa kaibigan, "nagkamali ka lang ng dinig." Alanganin siyang ngumiti sa asawa. "Pinirito! Tama! Sabi ni Miyang sabayan ko na raw silang kumain ng almusal dahil may piniritong itlog at daing. P-paborito ko 'yun!"

"O-opo senyorito! Totoo po 'yun. May piniritong bacon, hotdog at ang dami pang piniritong chars-chars!" Segundo naman ni Miyang.

Sana nga lang maniwala si Tristan sa kasinungalingang sinasabi nila. Pwede rin naman, sounds like naman ang pinirito sa demonyito. Haaaayyyssssttt!

"Whatever! Umalis nga kayo sa daraanan!" Irap nito sa kanilang dalawa. "I'm going to take a shower, maghanda ka na rin pagkatapos mong kumain!" Binalingan siya nito.

"S-saan tayo pupunta?" Nahihiyang tanong niya sa asawa.

"Sa Manila, may aayusin lang tayong mga papeles dun." He Nonchalantly without even looking back.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon