ONSE

9.1K 306 16
                                    

VICIOUS LOVE

Written by: Tale teller

-ONSE-

Naalimpungatan si Nadia sa ingay ng trolley mula sa labas ng kwarto ng Don, dagdag pang nasisilawan rin siya sa sinag ng araw na sumisilip sa glass window na may malalaking drapes.

Agad siyang napabangon nang marinig niya ang pagpihit ng saradura ng pintuan.

"Good morning!" Nakangiting bati ng lalakeng naka-uniporme na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast po Ma'am!" Anito.

"Good morning din po..." Nahihiyang tugon niya, habang kinukusot ang mga mata. Mahirap na at baka may muta pa siya.

Nilapag ng lalake ang tray sa bedside table ang pagkain, ang bango naman, tiyak na masarap ang pagkain nito sa loob. Kumalam tuloy ang kaniyang sikmura, tsaka pa niya napatantong hindi pa pala siya kumakain mula kagabi. Iginiya niya ang mga mata sa apat na sulok ng silid, wala si Tristan.

"Ay oo nga pala! Si Tristan! Saan na kaya iyon?" Sa isip-isip niya.

"Thank you po Ma'am enjoy your breakfast," napapitlag siya nang ulit magsalita ang lalake. Tinanguan na lamang niya ito, bago tuluyan na itong nakaalis.

Tinapunan niya ng tingin ang natutulog na ama. Hanggang nagyon hindi parin ito nagigising, pero ang sabi naman ng doctor kagabi na stable naman ang kondisyon nito.

Atsaka niya pa napagtantong, nasa couch na pala siya. "Teka, paano ako napunta rito?" Naguguluhan niyang tanong sa sarili, "hindi ba dun ako..."

"T-trish..tan..." Nanghihinang tawag ng Don sa pangalan ng anak. Agad siyang napabalikwas ng bangon at nilapitan ito.

"Papa! Gising ka na... Okay lang po ba kayo?" Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung tatawag na ba ng nurse o ano. Nakapikit parin ito, pero nakabunga naman ang mga labi, medyo nakangiwi nga lamang.

"Na...Nadia..." Nakilala nito ang kaniyang boses.

"Opo! Ako nga po Papa!" Mangiyak-ngiyak niyang tugon. Hinawakan niya ang isa nitong nanlalamig na kamay at hinagkan iyon, "Papa... Maging okay kayo ah, uuwi tayo at aalagaan kita." Hindi na niya mapigilan ang sarili na huwag umiyak.

---

Samantala...

Blangkong nakatingin si Tristan sa malayo habang humihithit ng sigarilyo. Hindi niya mabilang kung ilang stick na ba ang kaniyang na ubos. Hindi rin siya makatulog ng maayos, unlike her...

He sarcastically smiled, "Nadia... Nadia..." Patango-tango niyang bulong. Hindi niya lubos ma-isip na ganun ang epekto ng dalaga sa kaniya kagabi habang tinititigan niya itong natutulog.

Sana pinauwi na lamang niya ito, he couldn't believe that she give him a boner! The mere fact that he was just staring at her and yet he could feel his 'thing' inside his pants is getting uneasy. No one can blame him, lalake lang siya, but hell no! Ngayon lang siya nakaramdam ng ganung klaseng pagnanasa sa babaeng natutulog.

Ano yun? Necrophilia?! Fvcking No!

He aways wants his women, hot and wild! A d*mn horny one!

"Mr. Dela Vega." Tawag ng isang nurse sa kaniyang pangalan. "Yes?" He answered in a casual tone.

"Gising na po ang iyong ama. You can now check on him. Kasalukuyan siyang tsi-ne-check ng doktor."

"Okay. I'll just finish this," tukoy niya ang hawak na sigarilyo.

---

Trenta minutos nang nakaalis ang attending physician ng Don. Inutusan nito ang isang nurse para ipadala ang pagkain nito sa kwarto. Nag prisinta naman si Nadia na siya na lang ang magpapakain sa ama. Pwede naman itong kumain, pero naka-soft diet lamang ito.

Pansamantalang namaalam ang nurse at nangakong babalik din agad para painumin ng gamot si Don Lorenzo.

"Isang subo pa po Papa, last na ito," hingkayat niya sa ama para ubusin ang pagkain nito. Umiling ito at napangiwi, mukhang ayaw na talaga nitong kumain. "Sige, pero mamaya kakain po kayo ulit ha? Kahit paunti-unti lang." Malambing niyang sabi.

Nilapag niya ang pagkain nito sa katabing mesa at inayos ang kama.

"N-nadia..." Bagamat ay nahihirapan man itong magsalita ay nagawa parin nitong tawagin ang kaniyang pangalan.

"Ano po yun Pa? May kailangan po ba kayo? May sakit po ba sa katawan niyo?" Sunud-sunod niyang tanong.

Sinenyasan siya nito para makalapit. Sinunod naman niya ito at umupo sa upuang tinuturo nito.

"Pa?"

"C-could you... d-do me a f-favor Nadia?" Nagsusumaong sabi ng Don sa dalaga.

"Anything Papa... anything..." maluha'luha niyang tugon sa kinikilalang ama. "You know I would do anything for you... i owe my life and everything to you..." Na aawa kasi siya sa paraan nitong pagsasalita. Masiyahin at malakas pa ito, tapos bigla na lang naging ganito.

Ngumiti si Don Lorenzo at hinaplos ang kaniyang mukha, agad din naman niya iyon hinwakan at hinayaan niyang patuloy na haplusin ang kaniyang pisngi. "Y-you r-eally look like h-her..."

"Po?" Naguguluhan siya sa sinabi nito. Sino ang tinutukoy nitong kamukha niya?

"N-Nadia... i-if i die s-soon..."

"Pa, naman! Don't say that! H-hindi yang mangyayari..." Saway niya rito.

"N-no... L-li-listen t-to me a-nak..." Anito, "w-will y-you... Please t-ta-take care ...a-an-and love m-my son the w-way i l-loved you?" he asked her, "t-the love i-i n-ne-never got the c-ch-hance to g-give and... sh-show Tristan h-a-how much i l-love h-hi-him..." Nahihirapan nitong sabi, pero nagawa din nitong tapusin.

"Papa..." mariin siyang napakagat labi. Isa itong napakalaking pabor na hinihingi sa kaniya ng ama, but deep in her heart alam niyang gusto rin niyang alagaan ang binata. Specially nung nalaman niya ang kwento ng binata. Kung tutuusin parehas lang naman sila ng pinagdaanan...

Ang kaibahan nga lamang...

She found a home and people that loves her...

Unlike Tristan... buong buhay nitong hinahanap ang kalinga ng mga magulang... lalung-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.

"N-nadia?" Naghihintay ang Don kung ano ang isasagot niya.

"Yes Papa..." natagpuan na lamang niya ang sarili na umo-oo sa hinihinging pabor ni Don Lorenzo. Dahil lang nga ba ito sa pabor ng ama ng binata or may iba pa?

"C-can y-you pro-promise me anak...?"

"I promise..."

Marahan siyang hinila ng Don upang yakapin. Buong puso naman niyang niyakap ang ama-amain.

"T-hank y-you hija... T-thank you..." Bulong nito.

"WOW! The best drama I have ever seen in real life!" Napalingon silang parehas sa bandang pintuan. Tristan mockingly clapped his hand, he's staring at Nadia full of disgust.

"T-tristan..." Tawag ng ama.

"It's not what you think Trista!" Sinubukan ni Nadia na i-tama ang mali nitong iniisip.

"Oh no... No... It's okay!" He raised his both hands, "continue niyo lang. Sorry I suddenly bothered your moment." His voice was full of sarcasm. Kumaway pa ito at lumabas.

Napakibit balikat na lamang ang dalaga, this is a very hard thing for her.

"N-nadia..." Lumingon siya sa ama, malamlam ang mga mata nito, kahit hindi man nito sabihin. She knows that Don Lorenzo is apologizing for his son's misjudgements.

"Okay lang pa... Kaya ko 'to!" She smiled. "Kakayanin ko para sa 'yo..."

----

A/N: Minsan kahit mahirap, umo-oo tayo sa isang pabor dahil sa ating utang na loob, lalo pa't iyong klaseng utang na loob na ikinabago ng lahat sa iyong buhay. Haysss... Sorry Nadia sa mga susunod na chaps... Hihihi

Itutuloy

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon