ÙLTIMO CAPÌTULO

6.7K 230 34
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale Teller

ÙLTIMO CAPÌTULO

"Hindi tayo maghihiwalay! Walang annulment ang mangyayari!" Kalmado pero nandun ang otorisasyon sa boses nito. Mahigpit itong nakahawak sa braso ni Nadia pero hindi naman iyon nakakasakit sa kaniya.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Ganti ni Nadia na hindi papalupig sa asawa.

"Kung kinakailangan na kaladkarin ko dito si Gwynette para maniwala ka lang, gagawin ko. Just to prove all your assumptions against me is all wrong."

"Hindi nga ba?"

"D@mn it Nadia! Why are you so fvcking stubborn?!" Konti na lang at mawala na talaga ang pasensiya nito sa kaniya. “Bakit ba ayaw mong maniwala?”

"I'm not being stubborn. Nagising lang  ako Tristan. Nagising lang ako!" Asik niya rito. Gusto na niya talaga ang umalis at makawala sa hawak nito. She couldn't stand the sight of him. “Sabihin mo nga sa ‘kin, dapat ba kita ng paniwalaan?”

“You know what? Walang mangyayari kung away tayo.” Desperadong pinakawalan ni Tristan ang kaniyang braso.

“See… sinungaling ka talaga! Magsama kayo ng Gwynette na ‘yun! Dahil sa inyo nawala ang anak ko!”

“Stop it! Hindi ko din kagustuhan ang mawalan ng anak. Hindi ko sinabi sa ‘yo dahil ayoko munang dagdagan ang galit mo. I don't want you to stress out!”

“Talaga?” napantastikuhan siya sa dahilan nito. “At ngayon sa tingin mo ano ang nararamdaman ko?”

“Look Nadia. I'm sorry. Ilang beses ba ako dapat mag-sorry? I will do anything to make it up to you babawi ako.”

“Maghiwalay na tayo.” tinalikuran niya ito.

“Fvck it Nadia!”

“I'm done talking.” Nagpupuyos sa galit iniwan niya si Tristan. She's done. Wala ng iba ng solusiyon sa away nila. They'll keep on fighting and hurt each other kung magsama lang sila. Bakit na ngayon lang siya nagising sa lahat ng kagagahan niya? After all what had happened to them in the past, bakit ba ngayon lang niyang napagtantong napakaimposible talaga siyang mahalin ni Tristan. Dahil alam naman niya mula’t sapul ay ayaw nito sa kaniya. He only married her because of Don Lorenzo’s conditions.

------

Mabilis na lumabas si Tristan ng bahay. He hurriedly ran to his car and got inside of it. That d@mn Gwynette is going to pay. Kasalanan lahat ng babaeng ‘yun kung bakit nag-aaway sila ngayon ni Nadia.

Their marriage should now be much sweeter after celebrating their first wedding anniversary in the cruise and in Thailand. Mas lalo pa sana naging maganda ang lahat kung hindi nalaglag ang kanilang anak.

Nang sinabi ng doktor na buntis si Nadia ay sobrang saya na sana niya, subalit hindi na pala maisasalba ang kanilang anak. It's the worst moment in his life. ‘Yun talaga ang hinihintay niya ang mabuntis si Nadia. Ayaw niya itong madaliin baka ma-stress ang asawa.

It was supposed to be a dream come true. A happy family he wanted ever since he was a kid. A complete family that he never had, pero bakit parang nararamdaman niya ang Takot baka mawala ang lahat ng ito.

Blangko ang kaniyang tingin habang tinatahak ang daan papuntang Manila. He will drag Gwynette to their hacienda and make that woman tell Nadia all the fvcking truth.

-----

Siguro nga wala na siya sa sariling pag-iisip. Nang makita niyang umalis si Tristan ay agad siyang na nanakbong tinungo ang kanilang silid at binuksan ang kanilang aparador ng damit.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon