BEINTE

8K 294 27
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale teller

-BEINTE-

"So you live here?" Tanong ng binata sa kaniya habang nakasilip sa malaking gusali. "Nice place huh!"

"Yes. My husband owns a condo unit here." Sagot niya. "Ngayon lang din ako nakapunta dito." Amin niya.

"I see." Lumipat ang mga mata nito sa mukha niya. "Teka, kanina pa tayo nag-uusap, at ngayon andito na tayo sa harap ng lugar niyo. You already know my name, pero hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Nadia..." Mahina niyang usal sa kaniyang pangalan. "Ako nga pala si Nadia. Pasensiya ka na, hindi ko kasi ugali ang makipagkwento sa taong hindi kakilala."

"I understand." Ngumiti ang binatang si Eduard, "kahit sino naman sigurong babae hindi ba? Well, for some." Tumawa ito ng mahina. "Hmmm... Nadia. Kay ganda naman ng pangalan."

"Pasensiya na talaga, pero masaya ako at may taong mabait pa palang tulad mo." She said sincerely.

Kung kanina ay alanganin siya sa estranghero, ngayon nama'y panatag ang kaniyang loob dito. Mukhang mabait naman ang lalakeng nagpakilalang si Eduard Legaspi. Sa katunayan nga ay pinakita pa talaga nito ang isang identification card, na totoo ito at hindi nag-iimbento.

Hindi rin niya alam, pero agad din na panatag ang kaniyang sa lalake. Sinabi niya ang totoo na nawawala nga siya at hindi niya alam ang daan pauwi sa condo ng asawa. Eduard offered her help, and drove her safely home.

"Mabait rin naman somehow." Ngumiti ito bago bumaba at pinagbukas siya ng pintuan sa passenger's seat. "I bet your husband's already dead worrying about you. Pag ganito hindi mo alam ang lugar, dapat nagpapasama ka sa asawa mo."

"Ah... Wala kasi siya... Ano kasi..." Paano ba niya sasabihin? Ayaw rin naman niya ipahamak ang asawa. Kasalanan din naman talaga niya, kung sana hindi siya nagpunta ng malayo. "H-hindi niya alam na lumabas ako... Hindi kasi ako nagpaalam."

"You what? A wife like you, dapat hindi ka pinapabayaan ng mag-isa. He should spend time to go with you, baka may humila pa sa 'yo at hindi ka na pauuwiin sa asawa mo. Maganda ka pa naman."

"Ay...hindi naman..." Na-flattered siya sa sinabi nito. Napakamot na lamang siya sa batok ng dis oras at feeling niya namumula ang kaniyang mukha. "Ah...sige! Maraming salamat ulit..." She said with a grateful smile. "I think I have to go. Thank you, Eduard."

"Pleasures all mine."

Nginitian niya ito for the last time. "Thank you ulit..." Sabi niya ulit bago ito tinalikuran. Nakatayo ito sa side ng sasakyan nito habang ang mga kamay ay nasa bulsa.

Nakailang hakbang pa lamang siya nang marinig niya muli itong nagsalita.

"Nadia!" He called her name that made her look back to where he is standing, "I hope this isn't the first and the last time. I hope to see you again..."

Tinanguan niya lamang ito at kinaway. Wala siyang matagpuan na sagot na pwedeng ibigay sa binata. Iba kasi ang nararamdaman niya sa huling sinabi nito.

May laman.

Ayaw naman niyan mag-assume pero... Basta! Ramdam naman niya na isang mabuting tao si Eduard, pero hindi pwede. Hindi siya pwedeng makipaglapit o makipagkaibigan sa mga lalake. Lalo pa ngayon at may asawa na siya. Ipagpalagay na lamang natin na hindi nga maganda ang estado ng marital relationship nila ni Tristan, pero iba parin. Kung may nakilala man siya at naging kaibigan hanggang doon lang 'yun.

Napailing-iling na lamang siya ng ulo habang papasok sa malaking building. This day is exhausting but then it's still worth it... May nakilala siyang bagong kaibigan. Bukod sa pangalan lang nito ang alam niya at plate number ng sasakyan, ay wala ng iba. Hindi niya natanong kung saan ito nakatira o ano ba...

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon