BEINTE OTCHO

8.7K 333 46
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale teller

-BEINTE OTCHO-

#AngGuloNgMansionDelaVega

Sinasara na sana ni Miyang ang bintana sa bandang sala ng mansion nang makarinig siya ng ugong ng tricycle. "Sino kaya 'yun?" Wala naman kasi silang inaashang bisita, at sa ganitong oras pa talaga.

Ang akala niya ay liliko ito papunta sa parte ng hacienda kung saan naroon ang mga kabahayan ng mga trabahador, ngunit hindi. Papalapit na ito sa malaking bahay. Doon na siya lumabas para salubungin, kung sino man 'yung taong paparating.

Pumara iyon sa harapan at iniluwa si Nadia. "Maraming salamat po, Manong!" Hindi nga si nagkakamali. Si Nadia nga ang umuwi. Teka! Bakit mag-isa lamang ito?

"Nadia!" Masayang tili niya sa kaibigan. "Miyang!" Masayang kumaway ito sa kaniya. Natigilan siya nang makitang may kasama pala ito, hindi ito nag-iisa pero hindi naman si Trsitan ang ito. Isang babae, at mukhang buntis iyon.

"Baka may na buntisan ang splongkong!" Sa isip-isip niya. "Nadia, bakit 'di ka man lang tumawag para sabihin na uuwi ka?" Sita niya sa kaibigan. "Aling Pet, andito si Nadia!" Sigaw niya sa loob.

"Pasensiya na Miyang. Biglaan e." Ngumiti ito pero ang 'yung klaseng ngiti na hindi abot hanggang mata. Para kasing malungkot ang kaniyang kaibigan, o sadyang pagod lamang ito sa biyahe. Lumingon ito sa kasamang babae, "halika Eema. Dito ang bahay ko, ipapakilala kita sa ate ni Salvador."

"Sino siya Nadia?" Hindi mapigilan ni Miyang ang magtanong sa sobrang kuryosidad.

"Ay oo nga pala." Tinapal nito ang sariling noo, "Miyang, si Eema pala. Eema si Miyang. Kaibigan ko, hindi lang kaibigan, kababata namin ni Salvador."

"Aloha Eema! Ako si Miyang!" Hindi na uubusan ng energy itong si Miyang.

"Hello! Magandang gabi," tugon naman ng babae sa mahinang boses.

"Tara, pasok na tayo! Malamig na sa labas at baka ginawin itong si buntis." Sabi ni Nadia sa dalawa. "Miyang pakitawag naman si Aling Pet oh..." Tinitigan siya ni Miyang, may gusto itong iparating. "Ipapaliwanag ko mamaya..." Bulong niya sa dalaga nang magkalapit sila.

"Nadia?!" Mula maid's quarter ay lumabas si Aling Pet. "Nadia!" Kasunod non ay si Salvador. Nagtatakbo itong lumapit kay Nadia para yakapin.

Si Nadia man ay nagulat rin sa biglang pagkayakap sa kaniya ni Salvador. "Oh Salvador..." Anas niya at marahang itinulak ang binata palayo sa kaniya.

Samantalang hindi makagalaw sa tinatayuan ang dalagang si Eema. Nakatingin lamang ito kay Nadia at Salvador. Bumalatay ang sakit sa mukha nito, ito na marahil ang tinutukoy ng binata, ang babaeng totoong iniibig mula nang pagkabata.

"Nadia, saan ka galing bakit mag-isa ka lang?" Tanong ni Salvador sa kaniya hindi man lang napansin na may ibang tao sa paligid bukod sa kanilang dalawa. "Sabi ni Manang nagpakasal ka na raw..." Puno ng hinanakit ang boses nito. "Bakit ka pumayag na magpakasal sa Tristan na 'yun?"

"Ah... Salvador..." Inalis ni Nadia ang mga kamay ng binatang nakahawak sa kaniyang magkabilang balikat. Hindi ito ang tamang panahon para sagutin niya ang mga tanong nito. May mas importante itong dapat atupagin.

Si Eema!

Ang babaeng binuntis nito!

"May kasama pala ako..." Nilingon niya si Eema na nakatayo sa tapat ng pintuan, sinundan naman iyon ng tingin ng binata.

"Eema!" Gulantang bulalas nito sa pangalan ng babae. Hindi nito inaasahan na susundan siya ng dalaga. Nag-usap na sila tungkol sa nangyari, pero andito parin ito at sinundan siya.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon