TOT Dose

6.5K 289 24
                                    

TURNING OF TABLES
Vicious Love II
Written by: Tale Teller

DOSE

IT WAS almost morning, pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Tristan. Nanatiling nakayakap siya kay Nadia habang himbing na himbing ito sa pagtulog.

Ang daming gumugulo sa kaniyang isipan, pero isa lang ang sigurado siya, hindi niya hahayaan na mawala ulit si Nadia.

Siguro ngang hindi patas kung maglaro ang tadhana pero lalabanan niya iyon, at kung harapin ang babaeng sumira sa relasyon ng kaniyang mga magulang ang tanging paraan upang makalaya sa nakaraan, then he'd be d@mn too excited para matapos na ang lahat ng ito. All he wants is to be happy, to live in peace with the woman he loves and build a family of their own. Bakit ba masyado silang pinapahirapan pa?

Does it cost too much to be happy?!

------

Nagising si Nadia na wala si Tristan sa kaniyang tabi. It made her feel sad and empty.

Nagalit ba ito? Siguro, hindi talaga nito matanggap na may kaugnayan siya sa babaeng sumira sa pamilya nito noon. Hindi rin naman niya masisisi ang asawa.

But still, there's still a little faith in her na hindi siya iiwan ni Tristan. He said it to her himself last night. It wasn't just that because Tristan just said it, it was more of an assurance that no matter what he loves her more than anything or anyone.

‘Yun ang kaniyang pinanghahawakan.

-----

“Sir, pasensiya na po pero bawal po talagang pumasok pag walang appointment para bumisita kay Madam Remz,” pagsusumao ng security guard sa gate ng malaking bahay na pagmamay-ari ng tiyahin ni Nadia.

“Sabihin mong si Tristan Dela Vega ang naghahanap sa kaniya,” pagpupumilit niya. Hindi na niya hinintay na magising si Nadia. Siya na mismo ang nag desisiyong puntahan ang ginang. Kung ano man ang sinabi nito sa asawa para layuan siya, pwes hindi pwede!

“Hindi nga po tumatanggap ng bisita SI Madam sa ganitong kaaga, Sir. Wala din po kayong appointment.”

“Sabihin mo na importante! Tell her my name because that woman knows me!” Na uubos na rin ang kaniyang pasensiya.

“Pero Sir---”

“Manong guard, ano bang kaguluhang ‘yan? Very first thing in the morning ah,” isang boses ng bakla ang pumutol sa argumento nina Tristan at ng security guard.

It was Jadaya. Routine na nito ang puntahan ang among ginang sa tuwing umaga.

“Teka… Oh my god! Mr Dela Vega?” hindi makaniwalang bulaslas nito nang lumingon si Tristan sa gawi nito.

------

If it wasn't because of Jadaya, malamang hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Tristan at nakikipagtalo sa security guard ni Remedios.

“Here, Mr. Dela Vega,” todo ngiti at atendido si Jadaya sa kaniya. “Thank you,” he politely answered as he took the cup from the woman's assistant.

“Madam Remz will see you in a minute, pababa na siya.”

“Thank you,” he answered in a casual tone, pero ang totoo hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin sa ginang.

“I never thought you look this handsome in the flesh,” malandi nitong sabi. Obviously trying to start a conversation. “No wonder that b*tch Nadia is still very in love with you.”

“Come again?” napantig ang kaniyang tainga sa sinabi nito kay Nadia.

“Oh oh, sorry it's not that I want to offend you,” agad agad nito nang mapansin ang pagkairita sa kaniyang boses. “Ganun talaga ang tawagan namin ni Nadia sa isa’t  isa. Sorry.” Halata din sa mukha ni Jadaya na natakot ito sa kaniya.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon