TOT Quatro

6.5K 314 29
                                    

TURNING OF TABLES
Vicious Love II
Written by: Tale Teller

QUATRO

MULA sa entrada ng hacienda Dela Vega ay malaya ng natatanaw ang mansion at ang malawak nitong lupain. Sa anim na taon siyang lumayo, this is the only time she felt she's home. Ngunit hindi siya bumaba ng sasakyan, mas mabuting doon na lang siya sa loob para walang makakakilala sa kaniya.

Nang malaman niya ang sitwasyon ng hacienda ay agad siyang namalaam kay Jadaya na siya’y aalis ngunit hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Hinabol siya ng kaibigan slash manager niya, ngunit pursigido siyang puntahan ang lugar kung saan siya nanggaling. Ni hindi na niya mahintay kung anuman ang sasabihin ng kaniyang boss na si Madam Remz. ‘Bahala na!’ sigaw

“Miyang…” Mahina niyang usal nang makita ang kaibigan niya na lumabas ng mansion bitbit ang isang walis tingting at dustpan. “Aling Pet…” tuluyan nang bumagsak ang ilang butil ng luha mula sa kaniya mga mata nang makita ang ginang. Ang babaeng tumayong ina niya mula pagkabata, ang babaeng nag-alaga at nag-aruga sa kaniya nang siya’y kupkupin ng butihing Don.

Napangiti siya habang lumuha nang makita niyang hinabol ni Aling Pet si Miyang. Siguro may sinabi na naman itong kalokohan kaya na inis ito at hinabol ng walis tambo ang dalaga.

“Mukhang walang nagbago…” aniya, “ako lang ang nagbago…” na alala niya ang huli niyang sandali. Dito rin iyon nangyari. Iniwan niya ang dalawang babae at alam niyang sinaktan niya ang damdamin ng mga ito.

Napatigil lang siya sa pamumuni nang mahagilap ng kaniyang mata ang isang pamilyar na bulto ng lalake. Magulo ang buhok nito at mukhang kakagising lang nito.

Her world suddenly stops spinning when she saw he smiled at the two women. Kahit hindi man niya naririnig ang mga boses nito ay alam niyang nagbiro si Tristan sa dalawa kaya nagsitawanan ang dalawang babae. Tristan would never joke around with those two women, ‘yan ang lama niya.

Siguro marami nga ang nagbago at ang dami rin niyang hindi alam.

She suddenly snapped out from her deep thinking when she heard someone tapping on her window. Napasinghap siya nang makilala ang tao sa labas. It was Tata Mario.

Mabuti na lang at nakasalamin siya. Mukhang hindi siya nito nakilala. Bahagya niyang ibinaba ang salamin.

“Magandang araw po Ma'am,” the old man greeted her. Still as friendly as before. Walang nagbago sa matanda. “May kailangan po ba kayo? Pwede niyo pong ipasok ang sasakyan niyo at naroon po ang may-ari ng hacienda sa loob.”

“Ahm…” tumikhim muna siya bago nagsalita. Ang hirap kasi magsinungaling sa mga taong naging malaking bahagi ng buhay niya. “Napadaan lang po ako…” Mahina niyang sabi na hindi tumitingin sa matanda. “Mukhang nawala po ako, hacienda Dela Vega na po pala narating ko. Sa Dalisay po ang punta ko…”

“Ah ganun po ba? Akala ko kasi isa kayo sa mga taga bangko…” hindi niya matiis na sulyapan ang matandang lalake at nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito.  “Sige Ineng, umikot la lang tapos sa may crossing lumiko ka papuntang kanan. Doon ang daan papuntang Dalisay.”

“Si-sige po…” minuwestra niya ang manibela. Kailangan na niyang umalis. But for the last time, sinulyapan niya ulit ang mansion. Wala na doon sina Miyang at Aling Pet, pero naroon pa rin so Tristan. Nakatayo ito at nakatingin sa kaniyang direksiyon. Kailangan na niyang magmadali. “Salamat po. Aalis na po ako.”

“Parang pamilyar ka sa akin Ineng.”

“Ah... ganun po ba? Marami na rin po ang nagsabi na pamilyar ako sa kanila… baka marami lang akong kamukha.” Ngumiti siya sa matanda. “Sige po aalis na ako. Maraming salamat ulit.” Aniya at umalis.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon