TOT Sinco

6.3K 272 14
                                    

TURNING OF TABLES
Vicious Love II
Written by: Tale Teller

SINCO

“We need to talk.” Pormal na saad ni Nadia nang pumasok siya sa loob ng opisina ng kaniyang boss. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mesa nito habang hawak ang isang folder. Pinag-isipan na niya ito ng mabuti. Ito ang nakakabuti sa lahat, sa kaniya… she needs to make things right before it's all too late.

Bahagyang nag-angat ito ng tingin, hindi man lang ito na surpresa nang pumasok siya sa loob. That stoic look on her face as ever. Ibinaba nito ang hawak na papeles at pinagsiklop ang mga kamay. “Have a seat,” tango nitong sabi na hindi man lang ngumiti.
Umupo si Nadia sa visitor's chair at inabot at hinintay na magsalita ang babae. “I was waiting for you yesterday,” Madam Remz said not breaking it's stare on her.

“Yeah… and I'm sorry about that,”  tugon niya. “Something important came over me and I need to rush it over.”

“Gaano ba iyon ka importante at nagawa mong paghintayin ang mga staffs?”

“Something you'll never understand,” she directly answered. For the past six years she's been working for this woman ay hindi na siya nahiya pang sagutin ito ng diretso. Why? This woman infront of her taught her how it is to be tough. Oo, utang niya ang lahat ng ito sa kaniyang amo, pero hindi iyon rason para bigyan ito ng otorisasyon para diktahan siya.

“Fine. Kung ‘yan ang sinasabi mo.”

“I came here because I'm giving you this,” ipinakita niya ang hawak na folder at nilipag iyon sa harap ng babae. “I want to thank you for all the things you've done for me when I was a nobody,” she shrugged.

“What do you mean?”  bahagyang na ningkit ang mata nito.

“Just open it.” Nadia sighed. “Alam ko na ang plano mo. You don't need to say or explain  anything, I knew what's the real reason why we came back to Philippines.” Sinulyapan siya nito at ibinalik ulit ang mga mata sa folder na ibinigay niya.

“So you're resigning?” tumaas ang isang kilay nito.

“Well… Yes. I am not going to renew another contract with ERA---with you.” Kinakabahan siya pero kailangan niya itong gawin.

“Oh Nadia…” Madam Remz said in a bored tone, na mas lalong nagpapanerbiyos sa kaniya. Looks like hindi ito papayag. Ito ang unang pagkakataon tinawag siya nito sa totoong pangalan. “And you think that's an easy thing to do? Alam mo na pala ang plano ko, so alam mo na ipapakilala na kita sa publico? At paano kaya natin ipagpapatuloy ang lahat ng pinaghirapan natin kung bigla ka na lang aalis?” sunud-sunod nitong tanong sa kaniya. “Look Nadia, you're at the peak of your success. Hahayaan mo bang mawala iyon?”

“Alam kong hindi madali ang biglang umalis, but there are things that you will never understand.” Kailangan ba niyang sabihin ang totoo.

“Business is business Nadia. Sayang!”

“Have you ever loved and got broken?” Natigilan ito sa kaniyang tanong, kahit siya ay na bigla din sa kaniyang tinanong.

Madam Remz stood still while staring at her. As if she said was something really wrong. “You will never understand, kasi wala ka sa posisyon ko. And if you're asking me why I'm doing this? Because I want to do what's right. Something I don't want to regret in my entire lie.” Tumayo siya sa upuan at tinungo pinto at saglit napahinto, “and oh, gaya ng sabi mo, business is business. Handa na akong humarap sa publico.”

-----

After that conversation, ay iginugol na lamang ni Nadia ang sarili sa trabaho, at the same, with Eduard on her side, gumagawa ito ng paraan para magkaroon ng koneksiyon sa bangkong pinagkakautangan ni Tristan.Kinontak na rin nito si Attorney Eyas para malaman ang totoong estado ng hacienda.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon