BEINTE SIETE

8.3K 297 31
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale teller

-BEINTE SIETE-

#BakitBaKayoLagingNaBibitin?

"Kumusta na kaya si Nadia, Aling Pet." Tanong ni Miyang sa ginang nang mapagawi ito sa kusina. Kakatapos lamang nitong diligan ang mga halaman sa hardin.

"Huwag kang mag-alala, tiyak nasa mabuting kalagayan 'yun. Mabait naman si Nadia e." Tugon ng ginang habang hinihimay ang malunggay.

"Si Nadia mabait, e kamusta naman kaya ang kasama niya?" Pumamewang ito, "e splongkong 'yung asawa nun e!"

"Splongkong?" Kumunot ang noo ng ginang, "saan mo na naman nakuha ang salitang 'yan?" Natawa ito. "Kahit kailan ayaw mo talaga kay Tristan noh?"

"E sino bang may gusto 'dun? E ang sama ng ugali nun!" Ngumuso ito at tumabi kay Aling Pet. "Basta nag-aalala ako sa kaibigan ko."

"Magbabago din 'yun. Siguro, ganun lang talaga sa una."

"Hindi magbabago 'yun! Splongkong nga e!"

"Tsk! Bata ka oo! Ano ba ang splongkong na 'yan? Naloloka ako sa mga pinagsasabi mo."

"Nakuha ko lang kay Aling Rosita 'yan." Tumawa siya, "istuped daw sabi niya. Hahaha! Bagay kay Trsitan kasi si estupido siya!"

"Ay naku! Kung anu-ano pinagsasabi mo diyan! Pakitignan nga ang nilalaga kong manok sa kaserola kung luto na ba." Utos ng ginang.

"Sandali p---"

"Magandang gabi sa magagandang babae ng hacienda dela Vega!" Isang lalake ang bumungad sa pintuan ng dirty kitchen ng bahay.

Si Salvador!

"Salvador!" Lumapad ang ngiti ni Aling Pet nang makita ang bunsong kapatid. Halos matumba ito para lang mayakap ang kapatid.

"Asus! Ang sweet ng magkapatid!" Singit ni Miyang.

"Manang!" Yumakap ito sa ginang at hinalikan sa noo. Magkapatid sila pero kung titignan parang mag-ina silang dalawa dahil sa layo ng agwat ng kanilang edad. "Aw... Aw!" Mahinang tili nang 'di sinasadyang dumiin ang pagkakayakap ni Aling Pet sa binata.

"Oh anong nangyari sa braso mo?" Kunot noong tanong ni Aling Pet.

"Na tamaan ng bala." Sagot nito.

"Huh?" Magkapanabay na sabi ng dalawa.

"Oo, nagka-ingkwentro kasi ang grupo namin pati ang grupo ng rebelde. Buti na lang at walang namatay sa amin." Paliwanag nito, "akala ko nga mamatay na ako." Tumawa pa ito, "maswerte lang kami at narinig ng ibang ka-grupo namin ang palitan ng bala. Binack-apan kami."

"Ay diyos ko po por santo, la virgen Maria!" Ani Aling Pet. Nag-sign of the cross pa ito.

"Aling Pet naman! Ang O.A." Kontra ng dalaga. "Magpasalamat na lang tayo at naka-uwi na si poging Sarge!"

"Oo nga naman Manang." Inakbayan sila nito. "Isang buwan akong binigyan ng pahinga. Kailangn ko kasi mag-pa-follow up sa doctor. Sabi kasi sa x-ray medyo na daplisan ang buto ko at nagkaroon ng crack."

"Kawawa ka naman bunsoy ko." Mangiyak-ngiyak na wika ni Aling Pet. "Hindi bale, andito ka na. Aalagaan ka ni Manang."

"At ni Miyang!" Singit ng dalaga.

"Oo naman! Kayo pa! The best kayo mag-alaga!" Ngumiti ito. "Teka... Nasaan na si Nadia."

Saglit nagkatinginan ang dalawang babae.

"Si Nadia..."
"Kwan si Nadia..."

Paano ba nila sasabihin? E alam nilang mahal na mahal nito ang dalaga.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon