TOT Dos

6.5K 242 19
                                    

TURNING OF TABLES
Vicious Love II
Written by: Tale Teller.

DOS

SAFE and sound silang nakarating ng Pilipinas, at dahil sobrang pagod at kulang sa tulog, agad nakatulog si Nadia nang marating nila ang hotel kung saan sila mag-i-stay. Hindi man lang siya gumising para kumain.

“Madam Remz, ano po bang meron sa event na gaganapin dito?” tanong ni Jadaya sa among babae.

“Dito ko nakilala si Ceres, dito ko rin siya ipapakilala. I didn't tell her the truth, but I think this is the right time. May mga iba kasing magazine na halatang gumagaya sa atin.”

“Pero Madam---”

“Nadia can't do anything. What she is and what she has today, she owes it all to me. I've been planning it before, until I decided to do it.” Walang kangiti-ngiti nitong sabi, “hindi ko ‘to pinaalam sa ‘yo ang lahat ng plano ko. I know you and Ceres are very much close to each other.”

“Eh kasi Madam…” nakangiwi nitong sabi, “I know Ceres has been through a lot of things, kaya siguro… alam niyo na po, I find her like a sister, you know what I mean.”

“I know, but you need to understand I'm doing this for ERA. Business is business,” mariin nitong sabi. “Go now, magpahinga ka na rin. We still had our jetlag.”

----

“Ang ganda niya noh?” nakasalumbabang sabi ni Miyang habang na nonood ito ng telebisyon sa loob ng kwarto nila ni Aling Pet. “Kahit hindi niya pinapakita ang mukha niya, maganda pa rin siya.”

“Teka, ano ba ang pinapanood mo?” tu migo si Aling Pet sa pagtutupi ng damit at umupo sa tabi ng dalaga.

“Mga modelo po, Aling Pet,” anito na nakapukol parin ang mga mata sa TV. “Yang babaeng may net sa mukha, siya si Ceres. Ang pinakasikat na modela ng ERA. Ganda niya noh? Hindi lang niya pinapakita buong mukha niya.”

“Ay oo nga noh…” matiim na tinitigan ni Aling Pet ang modelong se Ceres na naglalakad sa catwalk suot ang isang damit na kakaiba ang disenyo. “...parang… parang nakita ko na siya,” komento nito.

“Huh?” lumingon si Miyang sa ginang at ngumisi, “siyempre pamilyar siya sa ‘yo Aling Pet kasi nakita mo na ‘yan siya sa TV, ‘di mo lang siguro pinapansin. Sikat kaya ‘yang si Ceres!”

“Hindi eh… basta pamilyar siya…” mas nilapitan nito ang mukha sa screen ng TV para titigan ng mabuti ang babaeng si Ceres. “Parang… parang kilala ko eh…”

“Naman Aling Pet kasi ng---” hindi natapos ni Miyang ang sasabihin nang marinig nila ang ingay sa sala. “Nagbabasag na naman ng baso si splongkong,” malungkot na saad ng dalaga.

“Hayst… Kawawang Tristan…” Kibit balikat bumalik si Aling Pet Sa kama nito. “Anim na taon nang nadudurusa…”

“At anim na taon na rin tayo bili nang bili ng baso,” singit ni Miyang.

“Hindi ko alam… hindi ko lubos isipin na hahantong sa ganito ang lahat…”

“Hindi natin alam ang totoong nangyari Aling Pet, pero nakakasiguro akong may kinalaman ang higad na hipon  na ‘yun!” umayos ng upo si Miyang at napabuntong hininga. “Hindi aalis si Nadia ng walang dahilan…”

“Kumusta na kaya so Nadia? Saan na kaya siya ngayon?” malungkot na sabi ni Aling Pet.

“Kung saan man siya ngayon… alam kong hindi rin siya masaya… tulad ni Lucing, ramdam kong miserable din siya…”

-----

Pagkatapos kausapin ni Tristan si Lawrence Archival tungkol sa mga materyales na sinu-supply ng hacienda Dela Vega, ay tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa nang sabihin nitong hindi na mag-re-renew ng kontrata ang mga ang kompanya.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon