TOT Ocho

8.5K 353 35
                                    

TURNING OF TABLES
Vicious Love II
Written by: Tale Teller

OCHO

MASAYANG ibinalita ni Tristan sa lahat na hindi na kukunin ng bangko ang hacienda, may bastante na silang budget para makapagsimula ulit. Hindi na kailangan ng mga trabahador na mag-alala pa kung saan sila titira o magtatrabaho. Lahat ng iyon ay dahil sa tulong ni Nadia. Subalit, dahil na rin sa pakiusap ni Nadia, hindi ibinanggit ni Tristan na ang asawa niya ang investor na tumulong sa hacienda.

"Mukhang ang saya natin ngayon, Señorito!" nakangiting sabi ni Tata Mario sa kaniya. Kanina pa siya nito napapansin na ganadong-ganado sa pagbubuhat ng mga malalaking kahoy ng mahogany. Kahit pa nahihirapan na siya sa pagbubuhat ay naroon pa rin ang mga matatamis na ngiti sa kaniya labi.

"Naku naman Tata Mario, sino ba naman ang hindi gaganado? Eh, sa wakas hindi na mawawala ang hacienda sa atin! Hindi ba?" Singit ni Bobong. Isa rin sa mga trabahador ng hacienda.

"Oo nga naman, Tata Mario!" pagsang-ayon naman ng isa.

"Hindi eh, parang kakaiba talaga. Iba 'yung ngiti niya," anang matanda, "Oo alam kong masaya siya, pero basta. Nagniningning kasi ang mata niya."

Ngiti lang ang isinagot ni Tristan.

"Ngayon ko lang nalaman na makata ka pala Tata Mario!" asar ni Bobong.

"Eh umibig din ako minsan kaya alam ko!" tugon naman nito.

"Ibig bang sabihin niyan eh, umiibig na ulit si Señorito Tristan?" mula sa likod ay lumitaw si Miyang na 'di maipinta ang mukha. May dala itong basket na naglalaman ng pagkain. "Hindi 'yan in love dahil si Nadia lang ang mahal niyan!" nilapag nito ang pagkain na para kay Tristan sa mesang naroon.

"Wala naman masamang ma-in love si Señorito Tristan sa iba Miyang ah!" kontra ni Bobong sa dalaga.

"Ay basta! Sa best friend ko lang si Señorito in love!" Angil nito, "hindi ba Señorito Tristan?" baling nito sa kaniya.

"Kayo talaga!" natatawa siyang napapailing. Kung alam lang talaga ng mga ito ang totoo.

-----

DALAWANG linggo na ang lumipas nang magkita sila ulit ni Tristan. Inaasahan niyang bubulyawan siya nito at sisitahin, pero kabaligtaran ang lahat ng nangyari. Everything went well, he even hugged her. Hinihintay din niyang sabihin ni Tristan ang nangyaring aksidente dito, pero wala. Wala siyang narinig. Mas lalo lamang siyang nakokonsensiya.

All the debts in the bank were already settled, she even transferred a big amount of money to fund the hacienda. Tristan called her once, nagpapasalamat it sa lahat ng tulong ibinigay niya.

He also informed her, na tumawag ang taga AGC, ni-re-review ng mga ito ang proposal ni Tristan. Natutuwa siya sa lahat ng ibinalita nito sa kaniya. Sinabi rin nito na pinapaabot ng lahat ng mga taga-hacienda ang pasasalamat nito sa misteryosang investor. Somehow, her guilt lessened to those people who has always been a part of her life.

Some much for that, sa ngayon, kailangan niyang pumasok sa trabaho. Dalawang buwan na lang at matatapos na rin niya ang kontrata sa ERA. Hindi pa rin sila nag-uusap ni Madam Remz. Siguro nagtatampo pa rin ang babae sa kaniya. Well, who wouldn't be? Pero may mga bagay talagang kailangan niyang isuko, mga bagay na dapat talikuran para ayusin ang gusot ng nakaraan.

Si Jadaya ang una niyang naabutan sa opisina ng kaniyang Boss. Inaayos nito ang ilang mga designs at maayos na inilagay sa isang folder.

"Ang aga mo naman!" anito sa kaniya. "Wala pa si Madam."

"Okay lang, hihintayin ko na lang siya dito sa loob," tugon niya at umupo sa visitor's chair na naroon. "Mamaya pa naman ang photo shoot natin 'di ba?"

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon