SINCO

11.4K 267 7
                                    

VICIOUS LOVE

Written by: Tale teller

-SINCO-

DALAWANG ORAS na ang nakalipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin dumarating ang 'espesiyal' na bisitang inaasahan. Hanggang ang dalawang oras ay naging tatlo, apat...lima...

"Papa..." Mahina niyang tawag kay Don Lorenzo. Saglitang lumingon ito sa kaniya at ibinalik ang mga mata sa malaking gate ng hacienda. Bagamat ay binalot na ng dilim ang paligid ay hindi parin umaalis ang matandang Don sa terrace. "Papa, pumasok na po kayo..." Lumapit siya rito at tumayo sa tabi. "Baka hindi na darating ang bisita niyo oh, tignan niyo mag-a-alas dies y media na ng gabi..." Pinakita niya pa talaga ang suot niya relos. "Papa, ikakasama mo ang magtagal sa labas... Malamig na ang hangin oh..."

Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang Don, at pagkaraan ay nagkibit balikat at inakbayan siya. "Salamat anak..." Anito ngunit mababanaag ang lungkot sa boses nito. Sino ba kasi ang bisitang hinihintay nito? Bakit ba kasi hindi man lang ito tumawag o mag-inform kahit sa text man lang na hindi ito darating. Gustong magalit ni Nadia pero mas pinili niyang manahimik na lamang para hindi na niya madagdagan ang sama ng loob nito.

----

"Kilala niyo po ba Aling Pet kung sino 'yung espesyal na bisitang hinihintay ni Papa?" Tanong ni Nadia sa may edad na kasambahay. Tinutulungan niya itong iligpit lahat ng mga handaan. Saglit natigilan si Aling Petrolina sa kaniyang ginagawang pagpunas ng malaking mesa, "h-hindi ko din ki-kilala!" Sagot nito na halatang iniiwasan ang kaniyang mga mata.

"Ay... Aling Pet naman..." Aniya rito, "kilala kita eh...alam ko rin kung paano ka magsinungaling..." Nakalabi niyang sabi rito sa malambing na tono. Kailangan niyang mapaamin ang ginang, buong buhay itong nagsilbi sa hacienda.

"A-ano ka bang bata ka! A-ano bang pinagsasabi mong na-nagsisinungaling ako!" Nauutal nitong sabi, tumalikod ito para iwasan siya. "Matulog ka na ngang bata ka..."

"Aling Pet naman eh... Sabihin mo na. Hindi ka ba naaawa kay Papa Lorenzo?" Sumunod siya sa likuran nito. "Sino ba kasi yun? Bakit ba ang lungkot ni Papa dahil 'di siya dumating."

"Sos! Nadia oi!" Sabad ni Aling Rositang bisaya, isa pang kasambahay sa hacienda na matagal na rin naninilbihan. "Hende mu alam na yong ispisyal na beseta ng Papa mu ay anak neya!"

"Psst! Hoy bisaya manahimik ka nga!" Saway ni Aling Petronila.

"Anak?" Kunot noong inulit niya ang salitang anak. May anak ang Papa Lorenzo niya? Bakit hindi niya alam? Bakit hindi man lang niya nakita ito sa larawan? Wala rin namang binanggit ito.

"Uu anak neya, se Trestan!"

"Oy pssstt! Tsismosa!" Saway ni Aling Petronila.

"Eh baket ba Manang Pit? Malalaman naman yan ne Nadia eh, baket kase gosto pa ne Dun Lurinzu ang mag-sorpays!"

"Kuh! Ikaw talagang mabungang ka! Eh kasi nga gusto ngang i-surpresa ni Don Lorenzo si Nadia!" Tinapon nito ang basahan sa mukha ng kasama.

"Aray!"

"May anak si Papa?" Naguguluhan niyang tanong.

"Oo nga sabe eh," yamot na sagot ni Aling Rosita. "Anak neya sa asawa neyang malande, palibhasa makate pomatol sa esang trabahadur ng hacienda! Omales si Ma'am Gracia tangay ang bata pate na rin ang ebang pera ng Don. Yang se Trestan bata pa 'yan at wala pang kamowang-mowang, ngayun pa lang seya oowe deto por da pers taym."

"Oist! Tama na! Sumusobra na ang the buzz mo! Mahaba na ang paliwanag mo!" Saway ni Aling Petronila. "Ngayon alam mo na Nadia, mas mabuti pang matulog ka na. Wala kami sa lugar para mag kuwento tungkol sa nakaraan ni Don Lorenzo, sadyang tsismosa talaga 'yang si Rosita." Pagtataboy nito sa kaniya. "Ang mabuti pa, hintayin mo na lang ang iyong ama na siya ang magkuwento." Hinawakan nito ang kaniyang kamay, "sige na anak matulog ka na... Kami na ang bahala dito."

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon