DISIOCHO

7.5K 251 11
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale teller

-DISIOTCHO-

"K-kailan pala natin aasikasuhin ang papels na sinasabi mo?" Ninenerbiyos na tanong ni Nadia sa asawa nang magising ito.

Umalis na pala si Gwynette, hindi man lang nito hinintay magising si Tristan, o mas madaling sabihin hindi niya alam kung anong pinag-usapanng mga ito kagabi. Maayos naman ito nagpaalam sa kaniya, pero sh*t lang nagawa pa talaga nitong magpaalam sa kaniya.

"I'll tell you later, may lakad pa ako this day." Malagana nitong tugon. Sinundan niya lamang ito ng tingin papunta sa ref at kumuha ng pitsel ng tubig.

"H-hindi ba ako sa-sasama?" Muli niyang tanong.

Tumigil ito sa pagsalin ng tubig. "Alangan namang sumama ka? I told you, may lakad ako. Ibig sabihin, lakad ko lang." He snorted. "Tanga, hindi nakakaintindi."

Napayuko na lamang siya, napahiya siya sa sarili nang sabihan siya nitong 'tanga'. Hindi na pala pwedeng magtanong ngayon? Bawal na pala?

"Pasensiya na..." Sabi na lamang niya.

"Well, don't you just stand there." Anito sa kaniya, "it's morning already, dapat nagluluto ka na! Do your wife duty."

"Ah oo! Magluluto na sana ako."

"Eh 'di magluto ka na!" Nilapag nito ang baso, "jeez! Do I need to tell you things that you need to do? Oh god! Women!" He said in annoyance and passed through her.

Sinundan na lamng niya ng tingin ang asawa. Bakit ba ganun kabigat ang dugo nito sa kaniya? Pinahid niya ang isang butil ng luha na kumawala sa kaniyang mata at nagbuga ng hangin.

Sinimulan niyang halungkatin ang fridge ng binata at cabinet nito. Mabuti na lang at may instant noodles pa itong naka-stock, tatlong piraso ng itlog at isang pack ng sweet ham.

Na isipan niyang maghanap mamaya ng malapit na grocery store, para bumili ng pagkain. Hindi na lamang niya sasabihin kay Tristan, o manghingi ng pera. Baka kung ano na naman ang isipin nito at insultuhin na naman siya ng mga nakakasakit na salita.

Pagkatapos niyang magluto ay nagsalin siya ng kape sa dalawang mug mula sa coffee maker. Sinilip niya ang pintuan ng silid ni Tristan. Nakasarado ito. Bagamat ay natatakot man ay pinuntuhan parin niya ito para tawagin.

Saktong pag-angat niya ng kamay para kumatok ay siya ring pagbukas ng ng pinto. Natigilan naman ito sa paglabas.

"Nakahanda na ang mesa..." Mahina niyang usal na hindi man lang umangat ng tingin sa asawa.

"Kumain ka na," narinig niyang sabi nito, "I need to go!" At saka pa niya ito tinignan. Nakapaligo na ito, at nakabihis. Hindi niya maiwasan ang mapatitig dito. Bakit ba ganito? Kahit na sinasaktan na nito ang kalooban niya ay hindi niya ma-explica kung anong klaseng nararamdaman niya pagkaharap ito. Dagdag pang nanunuot ang gamit nitong pabango na lalakeng-lalake ang dating.

"H-hindi ka man lang ba kakain?" Nilabanan niya ang nerbiyos pero nagawa parin niyang magtanong kahit na uutal pa siya, at kahit pa alam niyang wala naman siyang makukuhang matinong sagot mula dito.

Sumilip ito sa bandang dining area, "sige, I'll just have that mug of coffee." Mabuti naman at hindi nito tinanggihan kahit kape man lang.

Nagtungo ito sa mesa habang siya nama'y nakasunod sa likuran nito. Kinuha nito ang mug ng kape at inamuy-amoy pa iyon bago dinala sa mga labi at dahan-dahang sinimsim ang laman.

"Don't wait for me to come home tonight," sabi nitong nakatalikod sa kaniya. She bit her lips in dismayed. Dinala lang ba siya dito ni Tristan para sa wala? Bakit hindi ito uuwi? At saan ito pupunta. "I'm staying at Gwynette's place tonight." Pumihit ito paharap sa kaniya at may kinapa mula sa bulsa, "here, take this. Buy yourself something to eat." Pera iyon.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon