TEASER

29.6K 467 12
                                    

Author's Note:

This story contains mature scenes, sexual acts and is strictly PG13. This may also contain bulgar and explicit languages not suitable for young readers, but if you wish to proceed. Read at your own risk.

Characters, scenes, events are all from my playful mind which never happened or existed and if there are resemblance or similarities, it is definitely coincidental. I hope you enjoy reading.

-kimmy

=============

Ambisyosa ang probinsiyanang si Gabina, madaling masilaw sa pera kaya nagawa niyang ibenta ang sariling anak na si Nadia sa matandang mayaman na dayaw sa kanilang lugar. Para sa kaniya wala namang kwenta ito, dahil ito ang naging bunga ng pagkakagahasa sa kaniya nung nasa kabataan pa siya. Ikakasal na sana siya noon nang gahasain siya ng mismong kapatid ng kaniyang mapapangasawa, kaya siya'y iniwan nito at napagkamalan pang siya'y nagtaksil.

Abot langit ang kaniyang kasiyahan nang sa wakas ay mawawala na sa kaniyang landas ang sinasabi niyang bwiset na anak.

Nasaktan si Nadia sa nagawa ng kaniyang sariling ina, hindi niya lubos maisip kung bakit nagawa ito ng kaniyang sarling ina. Wala siyang nagawa, kundi ang sumama sa matandang mayaman na nakilala niya bilang si Don Hernan.

Mabait naman ito sa kaniya, at kahit minsan hindi siya nito pinagtangkaan ng masama o yung sinasabi nga ng iba ay 'taking advantage'.

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag at nakaramdam na nasa mabuti siyang mga kamay.

Hanggang sa dumating ang araw na inuwi siya ni Don Lorenzo sa hacienda nito. Duon niya ito mas lubusang nakilala at nakaramdam siya ng pagmamahal, pagmamahal ng isang ama. Pinatira siya nito sa bahay na pinagsisilbihan ng mga kasambahay, pinag-aral, binihisan at tinratong parang isang tunay na anak.

Ngunit, lahat ay nag-iba nang umuwi ang nag-iisa nitong anak na si Tristan. Sa unang pagkikita palang niya sa binata ay nakaramdam siya ng kung anong banyagang emosyon sa kaniyang puso.

Subalit, kung gaano kabait ang ama nito ay siya rin kabaligtaran ng anak. Inakusahan siya nitong babae ng Don, isang humuhugot ng pera! Gold digger! Ininsulto, inaway, pinapahiya at kung anu-ano pang kasamaan ang ginawa nito sa kaniya, pero sa kabila ng lahat ay isa lang ang napagtanto ni Nadia.

Mahal niya si Tristan!

Namatay ang Don at iniwan ang lahat ng ari-arian nito sa anak, ngunit di iyon makukuha ng binata dahil may isa pa itong habilin...

---ang pakasalan siya!

Galit na galit si Tristan, datapuwat ay pinakasalan parin naman siya nito pero ramdam niya ang pagkasuklam at galit nito sa kaniya, but she needs to keep her promise, ang pangako niya sa mabutihing Don. Na hindi niya ito iiwan at susukuan, mamahalin niya ito hanggang sa matutunan rin siya nitong mahalin.

Kahit pa lagi lang siya nitong sinasaktan... Kahit ba lagi siya nitong iniiwasan, tinatabihan lang na parang parausan. Kahit harap-harapan siya nitong pinapakitaan ng may ibang babae. Kahit pa lagi siya nitong inaaway, ipinapamukha na hindi siya nito kailanman matutunang mahalin.

Does he really hate her that much?

How will she go farther for love? Until when will she stop getting hurt from Tristan's vicious love...?

Or susuko na lang ba siya...

Abangan...

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon