BEINTE QUATRO

7.5K 279 23
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale teller

-BEINTE QUATRO-

"Mag-isa ka na naman? Bakit ba palagi kang hinahayaan ng asawa mo maglakad ng mag-isa?" Tanong ni Eduard sa kaniya. Sabay silang pumasok sa loob. Inanyaya siya nitong magmeryenda sa isang donut house.

"Ah hindi naman, susundui niya ako ngayon. May pinuntahan lamang siya, kaya mag-isa lang ako." Tugon niya na totoo naman. Susunduin naman talaga siya ni Tristan. Pero ang totoo hindi naman talaga siya nito sinasamahan, or sasamahan kahit kailan.

"Kung ako ang asawa mo, hindi kita hahayaan na maglakad ng mag-isa." Ngumiti ito at inabot sa kaniya ang baso ng iced chocolate drink.

"Bakit naman? Matanda naman ako at kaya ko ang sarili ko." Inosente niyang tugon sa binata sabay kuha sa inumin. "Hindi naman kailangan laging nakabuntot ang asawa ko sa akin."

"Wala lang, baka kasi maagaw ka pa ng iba." Tinitigan siya nito sa mga mata, parang may gusto itong iparating sa kaniya.

"Ah..." Napanganga siya at agad din nakabawi ng pekeng tawa, "ahahaha hindi ko alam nakakatawa ka pala... I mean...ahm joker ka pala! Kung anu-ano pinagsasabi mo!"

Tumawa lamang ito at sumimsim sa inumin nito. Na tameme tuloy siya at hindi alam kung ano ang sasabihin. Nakakailang kasi ang mga pinagsasabi nito, e alam naman nitong may asawa siya.

"So, anong ginagawa mo dito?" Napa-angat siya ng tingin dito. Nakatitig na naman ito sa kaniya.

"A-ano... May ibibili sana akong mga pasalubong. Uuwi na kasi kami ng asawa ko sa lugar namin." Aniya.

"I see..." Kumuha ito ng donut at kumagat, "ano ba bibilhin mo? Sasamahan kita."

"Ay 'wag na! Nakakahiya naman sa 'yo. Baka may gagawin ka pa at maabala pa kita." Tanggi niya.

"No! Okay lang. May bibilhin din naman ako. Mas mabuti 'yung sabay tayo, baka kasi mawala ka na naman." Pilit parin nito.

"Naku nakakahiya naman sa 'yo Eduard... Huwag na lang kasi..."

"No! I insist." Mukhang hindi ito papaawat. "And besides, what are friends for? Magkaibigan naman tayo Nadia, hindi ba?"

Ngitian niya ito. Paano niya ba ito matatanggihan? Kakakilala palang niya dito pero sobrang gaan na ng kaniyang loob sa binata. "Sige!" Sa wakas ay pumayag rin siya sa alok nito.

----

"Good morning honey! Ang aga mo namang napadpad sa lugar ko?" Nakapamewang na sabi ni Gwynette kay Tristan. Naka-robe lang ito at halatang bagong gising.

Pinaikutan niya lang ng mata ang babae at dire-diretsong pumasok sa loob ng unit nito. Sinundan naman siya ng dalaga pagkatapos nitong isarado ang pintuan.

"So, pinag-isipan mo na bang mabuti?" She crossed her arms and raised a brow at him.

"Pinag-isipan ang ano?" Patay malisya niyang tanong pagkatapos ay pasalampak na umupo sa couch.

"Tsk! 'Yung plano natin!" Asik nito, "makipagmabutihan ka sa babaeng 'yun!"

"Oh you mean Nadia?" He asked. Marahan itong tumango. "Kaya nga ako nandito para sabihin sa 'yo na uuwi na kami ng hacienda ng asawa ko."

"Oh... So asawa mo na pala siya ngayon huh?" Umupo ito sa tabi niya.

"Eh sa asawa ko naman talaga siya. She's legally married to me." He wryly said. "Anyways, maiba ako, hindi ako nagpunta dito para makipagkwentuhan lang. Babalik na kami ulit ng hacienda. I also got the Archivals and Yu, ang dela Vega na ngayon ang mag-su-supply ng mga materyales para sa kanilang mga furnitures."

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon