TOT Quinse

5K 227 34
                                    

TURNING OF TABLES
Vicious Love II
Written by: Tale Teller

TOT Quinse

(PART 1 ENDING)

Tuluyan na ngang iniwan ni Nadia ang mundo ng pagmomodelo at piniling manirhan muli ng simpleng buhay, na gaya noon.

Mas pinili niya ang maging simpleng asawa ni Tristan Dela Vega. Patuloy nilang itinaguyod ang mga kabuhayan na meron sila sa loob ng hacienda. At sino ba naman mag-aakalang, dalawang taon na pala ang nakalipas?

“Magpahinga muna kayo!”. Tawag ni Nadia sa asawa at sa mga kasamahan into. “Nagdala ako ng & pananghalian! Masarap ‘to.” Masayang isa-isa niyang binuksan ang mga dalang container na naglalaman ng pagkain.

“Wow! Mukhang masarap ‘yang niluto mong pagkain, asawa ko!” Kay lapad ng ngiti ni Tristan nang lapitan siya.

“Aba! Siyempre naman!” pagmamayabang niya.”Pinagluto kita ng paborito mong piniritong talong at galunggong.” Sinalubong niya ito ng may dalang bimpo para punasan ang pawis na pawis na asawa.

“Kaya mahal na mahal kita eh,” anito at ninakawan siya ng halik sa pisngi.

“Ikaw talaga!” isang mahinang suntok ang ibinigay niya sa braso ni Tristan. “Hindi ko alam na may tinatago ka din palang pagkabolero.”

“Ayiiieee! Nilalamgam na kayo Señorito at ni Nadia!” tukso ng isang trabahador sa kanila, sa sobrang ka-sweetan.

“Asus! Matagal na kayong nagbobolahan, Nadia! Naninibago ka pa?” sabat naman ni Miyang. Kakadating lang nito habang hila-hila ang isang bakang may dalang paragos, na naglalaman ng maraming pagkain para sa lahat. “Gusto niya kasi siya talaga ang magdadala ng pagkain ni Señorito,” ngumuso ito Kay Nadia.

----

Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkaing dala nina Nadia at Miyang, kasama rin ang mga trabahador at ilan sa mga asawa nito.

“Naku, parang magkasintahan lang kayo,” kinikilig na sabi ng asawa ng isa sa mga trabahador. “Parang lagi silang first time.”

“Eh siyempre, mahal ko kaya ito,” niyakap ni Tristan sabay halik sa pisngi.

“Naku nakakainggit!” ani naman ni Miyang. “Ako kailan ko kaya mahanap ang love of my life ko?”

“Huwag mong hanapin, darating din ‘yon!” payo ni Nadia sa kaibigan.

“Paano pag na traffic? O kaya naman eh lalake din hanap nun?” parang na dedesperada na si Miyang. Paano kasi mag-te-trenta na siya sa susunod na buwan.

“Papaano ka naman makakahanap, Miyang? Eh kinakarate mo ang mga lalakeng lumalapit sa ‘yo.” Natatawang komento ni Tata Mario. Nakitawanan na din ang lahat.

“Oo nga!”Pagsang-ayon ni Tristan.

“Naku! Ano ba naman kayo! Ibang usapan na ‘yun ngayon! Tumatanda na ako, mag-te-trenta na!” Makikita sa mukha ng dalaga ang pag-alala. “Hindi pa ako nakakaranas magka-boyfriend. Hindi ko pa natitikman ang lasa ng first kiss.”

“Eh inaaway mo mga lalake!” sabat ni Nadia sa kaibigan.

“Promise! Hindi na ako magtataray! Maganda naman ako, na uubusan na ako ng jeep, baka kasi hindi ko na maabutan ang last trip. Ayoko naman matulad kay Aling Rosita. Sayang ang bahaybata ko.”

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon