TREINTA

8.8K 315 21
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale teller

-TREINTA-

#Kaibigan

"Fvck!" Mahinang mura ni Tristan nang makita ang nakatambak na burl world. Gusto niyang iuntog ang ulo sa sementong dingding ng pagawaan. Ang akala niya ay maliliit lang at magagaan lang ang mga kahoy na kakargahin niya.

"May problema ba?" Tanong ni Nadia mula sa kaniyang likuran. Tinapunan lang niya ito ng matalim na tingin. "Naghihiganti talaga ang babaeng 'to!" Sigaw ng isip niya. "Oh ano pa ang hinihintay mo?" Nagsalita ulit ito. "Simulan mo nang i-pile ang mga 'yan, at mamaya ay papasadahan na ang mga 'yang ng planer."

"Opo, Senyorita!" Pasarkastiko niyang tugon kay Nadia. Ngumisi lamang ito sa kaniya, alam niyang nagdidiriwang ang kalooban nitong pahirapan siya sa pamamagitan ng pagtrabaho sa hacienda.

"Oh simula mo na!" Pinanlakihan siya nito ng mata. "Titigan mo na lang ba ang mga kahoy? Hindi ka kakausapin ng mga 'yan!" Pang-aasar pa nito nang hindi pa siya gumagalaw sa kaniyang tintayuan.

"Oo na! Oo na!" Inirap niya ito. "Umalis ka nga diyan! How am I suppose to start working when you're there to watch and boss me around?" Umaandar na naman ang pagkamaldito niya. Ayaw na ayaw niya sa lahat 'yung minamando siya, pero gaya nga ng sabi niya pagbibigyan niya ang kaartehan ng asawa niya.

"I am not bossing you around, okay? Kung 'yan ang iniisip mo. Imagination mo lang lahat ng 'yan Tristan." Ani Nadia at sinabayan pa ng tawa.

"Umalis ka na nga!" Taboy niya kay Nadia. She's just annoying her more. "Magtatrabaho na ako. Kaya huwag kang distorbo."

"As you wish!" Ngiting-ngit parin ito. "Good luck! I told you, sana nag-breakfast ka."

"Tsk! I can manage myself without eating." Pasuplado niyang sabi. "Now shoo! Scram! Bumalik ka nalang dito mamaya! Ipapakita ko sa 'yo na flexible ako sa alin mang trabahong ihahain sa akin."

"Okay! Sabi mo eh!" Umangat ang magkabilang balikat ni Nadia. Kumaway pa ito bago tuluyang umalis.

"Fvck! Fvck! Fvck!" Sunud-sunod niyang mura. But he needs to lower down his voice, baka mahalata ni Nadia na hindi talaga siya sanay sa mabibigat na gawain. Tsk! But he is Trista dela Vega! And he has his pride!

"Senyorito, tulungan ka na namin." Si Aldo, isa sa mga trabahador ng hacienda na ngayon lang niya nakilala. Thank heavens! Someone came to help him. "Thank you, at dumating kayo." Walang halong pagkunwari. Nagpapasalamat talaga siya sa mga taong ito.

"Marami-rami 'yang mga burl wood na itinambak nila kahapon dito." Sabi nito. "Maya-maya darating pa ang dalawang truck. Mga Nara pa naman 'yun." Napanganga siya.

Dalawang truck?! Hell!

Is Nadia trying to kill him?!

Sinimulan niya ang trabahong ibinigay sa kaniya ng asawa. Kung wala lang siyang atraso sa babaeng 'yun ay hinding-hindi niya talaga gagawin ang bagay na ito.

Imagine him, kargador sa mismong hacienda niya?!

Buti sana kung maliliit lang ang mga kahoy! Ang iba ang kasing laki ng 1/4 size na plywood. Nakatatlong karga palang siya, but he could already feel his back like breaking! He's sucking wet with perspiration and d*mn too tired!

Hindi talaga madali ang trabaho ng mga tao dito!

And come to think of it, these people living here don't earn much like they do. Parang gusto niya ma-guilty tuloy. Real talk!

Ang mga tao dito ay kumakayod para lang may makain at pang-edukasiyon ng mga anak, dugo at pawis ang puhunan. Samantala, silang mayayaman ay 'di na kailangan pang magpakahirap. They got people who'll do the hard and heavy job for them!

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon