UNO SPG

20.7K 325 5
                                    

VICIOUS LOVE

Written by: Tale teller

Warning: this story is strictlyP13.

(May saltik na ang utak ng writer kung may saltik! Pero lilinawin ko lang malawak lang talaga ang imahinasyon ko kaya kung saan-saan pumapadpad! Hihihih paalala din sadista ako dito sorry lang hahaha)

-UNO-

"Nadia!" Sigaw ni Gabina sa trese anyos niyang anak na dalagita. Bad trip na naman ang kaniyang araw dahil natalo na naman siya sa majong, mas lalong uminit ang kaniyang ulo nang makitang nakatambak ang mga plato sa lababo at wala din laman ang kaldero ng kanin.

Tumatakbong umuwi ang dalagita, wala itong suot na tsinelas, mukhang naiwan pa iyon sa lugar na pinaglalaruan kasama ang ibang mga bata.

"N-nay?" Humihingal pa ito at tagaktak ng pawis ang mukha. "Ikaw! Bakit hindi ka nagsain?!" Singhal niya sa anak sabay hatak sa mahaba nitong buhok.

"A-aray! Nay! Tama na po!" Umiiyak nitong pakiusap dahil sa sobrang higpit ng pagkakahila niya sa buhok nito. "Aray Nay! Tama na po! Masakit po!" Patuloy itong umiiyak at mas lalo pang umiyak nang pagsasampalin niya ang dalagita, hindi pa nakuntento at pinagpapalo niya pa ito ng walis tambo sa binti.

"Wala ka talagang kuwenta! Bwiset ka talaga sa buhay ko!"

"Nay tama na po...huhuhu..." Walang humpay sa pag-iyak si Nadia habang tinatanggap ang pananakit ng ina. "Nay nasasaktan po ako..."

"Talagang masasaktan ka! Maldita ka at sumasagot ka pa!" Hindi pa nakuntento si Gabina at binigyan pa nito ang anak ng malakas na sampal, tumagilid talaga ang mukha ng dalagita sa sobrang lakas.

Masamang ina, walang kuwentang ina kung siya ay tawagin. Wala siyang pakialam! Sasaktan at sasaktan niya ang kaniyang anak kung kelan niya gugustuhin.

Lahat ng kaniyang sama ng loob ay dito niya ibinubuhos. Ito ang kaniyang sinisisi sa lahat ng kamalasan niya sa buhay.

Una sa lahat, si Nadia ang naging bunga sa kahayupang ginawa ni Reden, ang kapatid ng kaniyang mapapangasawa niyang si Edong. Ilang araw bago ang kanilang kasal. Kaya lang nahuli sila nitong magkatabi sa kama at pinagbintangan siya nitong nagtaksil.

Kahit pa lumuhod siya at nagpaliwanag kay Edong, nagmistulan itong bingi at walang pusong tinutulak palayo. Nandidiri, abot hanggang langit ang pagkakasuklam at siya'y iniwan.

Pinanindigan naman siya ni Reden, ang kaso puros bugbog at sakit lang ang naabutan niya rito. Lulong sa alak at droga si Reden, kahit pa siya ay buntis hindi siya nito sinasanto, dinaig pa niya ang mga pokpok kung siyang sipingan nito. Walang pag-ingat, walang pagmamahal, walang respeto...binababoy! Halos mamanhid ang kaniyang katawan sa sakit, hindi rin siya makatakas dahil sa tuwing binabalak niyang gawin iyon ay agad siya nitong tinatakot na papatayin ang kaniyang mga magulang.

Mga anim na buwan na ang kaniyang tiyan nang may masamang nangyari kay Reden. Involved ito sa isang illegal na transaksiyon at ang pinakamatindi pa ay isang Drug Lord ang nakabangga nito.

Namatay si Reden, dahil sa panloloko nitong tinangay ang pera at mga ipinagbabawal na gamot. Nahuli ito ng mga tauhan ng sinasabing Drug syndicate at brutal na pinaslang. Isa-isa nitong pinutulan ang mga daliri, walang sawang pinagsaksakan ang katawan hanggang sa lumabas na rin ang ilang lamang loob. Halos hindi na rin makilala ang bangkay nito dahil sa bugbog na natamo. Putok ang labi, namamaga rin ang pisngi na nagingitim na rin. Ang isang mata nito ay dinukot habang ang isa nama'y tinusukan ng screw driver. Halos naligo si Reden sa sariling dugo, pero ni isang patak ng luha ay hindi tumulo sa mga mata ni Gabina.

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon