TRESE

7.7K 237 9
                                    

VICIOUS LOVE
Written by: Tale teller

-TRESE-

"Maraming Salamat," anang abogado nang i-serve ni Miyang ang ang kape dito.

Sinenyasan ni Tristan ang dalagang katulong na sila'y iwan. Tumango naman ito bago umalis, pero nakipagpalitan muna ng sulyap kay Nadia.

Her hands were on her lap, while she was playing with her fingers, para naman kahit papaano ay mabawasan ang nerbiyos niya. Baka kasi anytime ay tuluyan na siyang himatayin sa sobrang sama ng tingin ni Tristan sa kaniya.

Bakit ba kasi nasali-sali pa siya sa usapanng ganito? Yes, she was adopted, but legally, not. She's still using the name her mother gave to her.

Attorney cleared his throat, he took a folder out of his attache case and used his glasses. "Shall we start?" He asked to both of them.

Umangat lang ang balikat ng binata, nakadekwatro ito at ang isang kamay humihimas sa baba nito. He's getting a little bit impatient, and too curious to know what is written on his father's last will and testament.

Nadia just stared at Atty. Eyas, she took a glance at the silent Tristan. Kung anuman ang tumatakbo sa isip nito ay hindi niya alam, but one thing for sure is, he's terribly pissed off.

"Okay, babasahin ko na ang huling habilin ni Don Lorenzo," anito. He stood up and he'll the papers leveled to his sight. "Ako si Lorenzo Manuel dela Vega, nag-ma-may-ari ng hacienda dela Vega. Ang lupang iniwan ko sa mga trabahador ay mananatili sa trabahador, ang ani at kita ng hacienda, ay mananatili parin 60-40 ang hati. Ang pamamahala  nito ay pinagkakatiwala ko sa aking ampon na si Nadia Alejaga." Kitang-kita ni Nadia ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Tristan nang baggitin ang kaniyang pangalan.

"...Hinahabilin ko ang lahat ng aking yaman sa aking nag-iisang anak na si Marco Tristan dela Vega. Kasali na rito ang hacienda, bahay at ang hecta-hectaryang lupain. Pati na rin ang lahat ng negosyong pag-aari ko." Tristan's lips curve up into a victorious smile, subalit napalis ito nang hindi pa pala tapos basahin ng abugado ang testamento.

"...Subalit, makukuha lamang ng aking anak ang lahat ng ito, pag pinakasalan niya si Nadia Alejaga. Sa pamamagita nito, saan man ako naroroon ay mapapanatag ang loob ko dahil alam kong magkasama sila ng anak ko. Kung, hindi maisasakatuparan iyon ni Tristan, mapupunta lahat ng ito kay Nadia. Kung may mangyayaring mang annulment, mawawa rin ang bisa ng testamonyang ito. Sa huli ay kay Nadia parin mapupunta lahat."

"What?!" Napatayo si Tristan, "what the fvck?! Is this some kind of a stupid and childish prank?!"

"I'm afraid not..." Seryosong sabi ng abugado.

Samantalang nakatitig lang si Nadia sa dalawang lalake sa kaniyang harapan. Tama ba ang narinig niya? Totoo ng ba iyon? O baka naman isa lamang 'yun kasinungalingan.

"If you have doubts about your father's last will, I can show you the papers are legally made and signed by your father." Tinanggal nito ang suot na salamin at may kinuha pang folder sa loob ng attache case.

"This is not fvcking happening!" Tristan cursed under his breath.

"Oh yes it is," Atty. Eyas smirked.

"Ba-baka naman po... Nagkakamali lang si Papa..." Hindi mapigilan ni Nadia ang sumabad sa usapan, after all kasali parin naman siya.

"You!" Galit na baling ng binata sa kaniya, "this is all you fvcking fault!" Tristan frustratedly raked his fingers over his hair.

"No, it's not Nadia's fault," depensa ng abugado sa dalaga, "it's your father's written demand. I cannot do anything, this is what my client wants. So don't blame her!"

VICIOUS LOVE 1 & 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon