Chapter One

7.6K 141 3
                                    

Ch 1


"Ano'ng ginagawa mo rito?" Malamig kong bungad kay Kendrick.

Nigel Kendrick Montreal, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga Montreal. Nasa kanya na ang lahat at karamihan ng mga kadalagahan rito sa probinsya ay may gusto sa kanya.

Makisig at guwapo si Kendrick. Hanggang balikat niya lang ako sa tangkad ko na 5'5. Moreno. May bilugan at magandang mga mata.

"Let me explain, Ana. Let's talk." May himig pagmamakaawa sa boses niya pero hindi nagbago ang ekspresyon ko.

Hindi ko siya pinansin at lumabas ng aming munting kubo. Wala roon sina nanay, tatay at kuya Nikko dahil nasa sakahan sila. Aalis na sana ako para pagdalhan sila ng pagkain nang dumating siya.

"Ana... Please." Pinigilan niya ako sa braso pero kumawala ako.

"Don't make this hard for the both of us, Kendrick." Ngumiti ako nang mapait. Ayokong umiyak. Tama na ang ginawa kong pag-iyak kagabi.

"Damn it, Ana! Hindi ko gusto si Mollie! She's sick. I don't have the heart to just leave her. She's my childhood bestfriend! And beside, my mother begged me not to leave her."

Tumango ako. "Ganoon ba? Okay." Argh! Tama nga naman. Ano ba ako ni Kendrick? Isa lang naman akong dukha samantalang siya, anak mayaman. At si Mollie, siya ang matalik na kaibigan na gusto ng mama nito para rito. Besides, wala kaming relasyon para kuwestyunin siya.

"Fvck!" Hindi ko pinansin ang pagmumura niya at nagpatuloy sa paglalakad nang bigla niya akong pangkuin.

"K-Kendrick! Ibaba mo ako!" Nakatingin na sa amin ang karamihan ng mga tao roon. May nagulat at nagbubulungan. Paniguradong makakarating na naman ito kay Donya Leonore, ang mama nito.

Naglakad siya nang mabilis patungo sa kanyang mamahaling kotse bago niya ako sapilitan ipinasok roon.

"Ano ba, Montreal! Buksan mo 'to." Nagwala ako sa loob ng kotse. Hinarap ko siya bago pinaghahampas.

Hinawakan niya ang pulso ko. "We can't be like this, Ana. You can't get mad at me. Not today nor tommorow. Mamamatay ako kapag kinamuhian mo ako."

Gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya pero masyado iyong mahigpit. "Ano ba, Kendrick! Pakawalan mo na ako! Hindi ako galit sa'yo pero kung patuloy mo 'tong gagawin eh talagang magagalit na ako sa'yo!"

"Liar! Stop hiding your true feelings for me, Ana. Alam ko. Nararamdaman ko dahil pareho lang tayo."

Kaibigan ni Kendrick si Kuya Nikko. At dahil parati siyang nasa bahay namin, hindi naiwasang maging magkaibigan na rin kami. Mahal ko siya? Hindi ko alam. Wala akong alam sa salitang iyan. Siguro. Dahil nasasaktan ako ngayon.

Nag-iwas ako ng tingin pero masuyo niyang hinawakan ang baba ko para harapin ang mga mata niya.

"Listen, baby." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Mahal kita."

Hindi ko inaasahan ang confession niya. "Nababaliw ka na ba? Alam mong di puwede. Bukod sa malayo ang estado natin, ayaw sa akin ng mama mo."

"Let's runaway." Putol niya sa litanya ko.

Those words. Parang nag-eecho sa pandinig ko. Narinig ko na ang mga salitang iyon.

"Ana..I'll marry you." Hindi pa ako nakakarecover sa sinabi niya ay dinagdagan naman niya ng bago.

"Kendrick... hindi ko kayang iwan ang pamilya ko."

"Stop being too selfless, Ana! Think of yourself. Think about me."

Pero hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Gusto ko sanang idagdag.

Umiling ako.

Masuyo niya akong tinitigan sa mga mata habang haplos ang pisngi ko. "I'll wait for you tonight. Sa sakayan ng bus."

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon