Chapter Twenty Eight

1.5K 38 3
                                    

"Okay na ako, Deandre. H'wag kang OA."

After I cleaned up myself for the second time, halos ituring na ako ni Deandre na baldado nang makalabas ako ng CR. Nariyan na ang pangkuin niya ako, subuan at walang katapusan na tanong kung okay ba ako? Kung may masakit ba sa akin? O kung dalhin niya lang daw ako sa ospital.

"I'm just worried, Hermaine. Hindi birong dami ng dugo ang lumalabas sa'yo."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Frankly, i'm too weak pero ayoko sabihin iyon sa kanya dahil wala pa nga akong sinasabi, nagiging OA na siya sa pag-aalaga. I hate how he's too caring of me.

"Promise, I'm fine Deandre. Beside, nakainom na rin naman ako ng gamot." Hindi ko na siya napigilan nang nagtawag na siya ng doctor. The doctor checked on me and prescribed medicines na agad namang binili ng kausap ko ngayon.

"Wala ka bang gagawin? Don't you have work? Your studies?"

Naalala ko ang pag-aaral ko. Makakapasok pa kaya ako? Ang dami ko ng absent.

Inayos niya ang pagkakahiga ako bago ako kumutan. I'm lying habang nakaupo siya sa gilid ng kama ko.

"Wala." Maikli niyang sagot. "Can I stay here? I'm worried. Baka may kailangan ka o baka may masakit sa'yo. I heard kapag nagkaroon ang babae, sumasakit ang puson niyo." Puno ng pag-aalala ang boses niya.

"Saan mo naman nakuha 'yan? Sinabi ni Victoria?" Gah! Nababaliw na ata ako. Tonong nagseselos ata ako. Stupid!

Mukhang natigilan siya bago sumilay ang ngiti sa labi niya. "You're jealous." Wow! Statement ha! Sure na sure ang lolo.

"Hoy! H'wag kang ambisyoso, Deandre! Asa ka!" I'm avoiding his sight. Gusto ko na lang magtago sa comforter. "Lumabas ka na nga! Sisigaw na lang ako kapag may kailangan ako. Hindi naman ako baldado!"

Imbes na tumayo at iwan ko, he gently held my hand. Hinaplos niya ang daliri ko. "Where's my ring?"

Nawalan ako ng sagot sa tanong niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Bakit mo hindi suot?" Malamig na ang boses niya.

Hinubad ko ang singsing kahapon. I can't still accept the fact or hindi pa maabsorb ng utak ko na kasal ako sa kinilala kong pinsan. I'm not yet ready. Masyadong mabilis ang lahat. Una, nalaman ko na hindi ako totoong anak nina nanay tapos nina mommy naman. At sumunod pa na kasal ako kay Deandre. Everything in my life is a mess!

"Sinabi ko na sa'yo na babawi ako sa lahat ng panahon na ninakaw sa atin. Sa akin, Hermaine. We're going to start  new life together as husband and wife."

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Can you hear yourself, Deandre? Husband and wife? WOW! LAST TIME I CHECK KASI MAGPINSAN TAYO."

"We're not cousins. Kahit kailan hindi tayo naging magpinsan!"

"And all along alam mo ang lahat! You betrayed me! My love for you is pure and innocent pero ang pagmamahal mo sa akin ay puno ng kasinungalingan. Tell me, Deandre. Honestly. Minahal mo ba talaga ako o naaawa ka lang sa akin? At gusto mo lang ibigay ang pangalan mo sa isang tulad ko na kasinungalingan ang pagkatao."

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Sakit, galit at lungkot. God! Paano'ng sa simpleng singsing ay napunta kami sa ganitong usapan.

"What the hell, Hermaine! Ofcourse, I love you!"

Wala akong maramdaman sa sinabi niya. I don't know why. Baka siguro napagod na akong magtiwala sa mga taong minahal ko pero sa huli, pagsisinungalingan din ako.

"Liar! You know what! Just leave! I'm fine! Alone!"

Nanatili siya sa kanyang posisyon. Nagsukatan ang mga tingin namin but in the end he gave up.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon