Chapter Twenty Nine

2.4K 63 26
                                    

Ch 29


"Vicky's your bestfriend, kuya. How mean of you na papuntahin siya sa lugar na hindi safe!" Boses ni Rosetta ang naabutan ko paglabas ko ng kuwarto.

I think nasa bungad siya ng pinto. Marahan akong lumapit roon but not enough para makita niya.

"Ang aga naman niya atang pumunta dito. Alam kaya niyang nandito ako?" I crazily asked myself.

"What the hell are you talking, Rosetta?" May iritasyon ang boses ni Deandre. Wala na ang malambing na himig nito kanina.

"WOW, KUYA! PLEASE STOP ACTING LIKE A SAINT. Alam kong hindi mo gusto si Vicky dahil sa trato at pananakit nito kay Hermaine but still she's your bestfriend." May panunumbat sa tono nito.

"She can't go to school dahil sa trauma. Nasa bahay lang siya and her mom thought that it will be the best na dalhin siya sa psychiatrist. She told me to come here para makausap ka na kausapin siya. She needs you, kuya. Kahit pinahamak mo na siya, ikaw pa rin ang iniisip niya!"

Napahawak na ng noo si Deandre na tila ba kumikirot ang noo nito sa pinagsasabi ng sariling pinsan.

"Listen, Rosetta. Hindi ko alam ang nangyari kay Vicky. And I didn't text her. What did really happen?"

"God, kuya! Please! Pumunta si Rosetta sa boulevard dahil sabi mo doon ka lang makikipagkita sa kanya. She waited until some freakin' lunatic holdapped her. Tinutukan siya ng kutsilyo para di siya sumigaw at ibigay ang bag niya. And thank God walang nangyaring masama sa kanya. She's very traumatized."

Napatutop ako ng bibig. Lumabas ako mula sa pinagkukublian ko. Tama nga ako. Hindi siya nag abalang pumasok. She's wearing tight jeans and black offshoulder cloth, nakatali ang hanggang balikat nitong buhok. Her usual school outfit. Sexy and gorgeous.

"R-rosetta, h'wag mong sisihin si Deandre sa nangyari kay Victoria. It's my fault. Pinakialaman ko ang cellphone niya at nagreply sa mga text ni Victoria. I'm... I'm sorry." Nagbaba ako ng tingin.

Hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari. Sumugod na pala patungo sa akin si Rosetta at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Rosetta!" She let go of me nang lumapit din si Deandre. Tinago niya ako sa kanyang likuran.

"What, Kuya?! Si Hermaine na naman ang papanigan mo! Oww! I know it! Lahat naman kayo ganoon eh! Kahit sa aming dalawa, you like her a lot! Kahit na ako ang tunay niyong pinsan at hindi siya!"

Nangilid na ang mga luha ko.

"That's enough, Rosetta! You're crossing the line! Of all people, you know very well kung bakit ako ganito kay Hermaine!"

Nakasulyap lang ako sa galit na si Rosetta. "D-Deandre..." Hinawakan ko ang braso ng lalaki. Stopping him.

Hinarap niya ako. "Go to your room. I'll take care of this."

Umiling ako. "B-but..."

"Just fvcking go to your room, Hermaine!" Napatalon ako sa sigaw niya dahilan para mapatakbo ako pabalik ng kuwarto ko.

Hindi ko na narinig ang anumang pinag-usapan nila. Nakaupo na lamang ako sa kama ko at hinihintay na pagalitan ni Deandre.

I'm worried of Vicky, too. God! Hindi ko naman naisip na sa ganito mangyayari ang lahat.

After a couple of seconds, bumukas ang  pinto at iniluwa ang galit na si Deandre.

"Why did you do that?" Umpisa niya.

"H-hindi ko sinasadya, D-Deandre. I-I got annoyed sa p-paulit ulit niyang tawag so there... I did it." Pinunasan ko ang luha ko.

Napamura siya. "Still. Hindi mo dapat 'yon ginawa. Paano na lang kung may nangyari kay Vicky? They will blamed you!" Napamura na naman siya ulit bago walang paalam na lumabas.

Sinundan ko siya palabas. Akala ko naroon pa si Rosetta pero sa tingin ko wala na siya. "Y-yes! I know that now! And I'm sorry!"

Pumasok siya sa kuwarto niya bago sa walk-in closet. "W-where are you going? Pupuntahan mo siya? I'm going with you!"

Hindi siya sumagot. Kinatok ko ang pinto ng walk in closet. "Deandre!"

Maya-maya lang lumabas siya nang nakaayos na. "Stay here."

Pinigilan ko siya. "I'm going with you."

"You can't, Hermaine. Please... Just stay here."

"Please, Deandre..." Pero hindi niya ako pinakinggan.

Kumirot ang noo ko. Napapikit ako. Nakikita ko ang paghahalikan ni Deandre at Victoria. Nakatayo ako sa labas ng kuwarto ng lalaki, nakahawak ang kamay ko sa aking bibig, umiiyak at nasasaktan habang enjoy na enjoy ang dalawa sa palitan ng halik. Bumaba ang halik ni Deandre sa leeg ng babae hanggang sa napansin niya ako. I thought he'll come to me. He'll explain na walang ibig sabihin ng nakita ko. Magsosorry siya but he didn't. He just smirked. Tila walang pakialam kung nakita ko man ang eksena nila ni Victoria.

"Hermaine!" Nagbalik ang diwa ko sa kasalukuyan dahil sa boses ni Deandre. Alaala ko ba 'yon or just imagination? It was like real dahil nasasaktan ako.

"Pupuntahan mo siya dahil gusto mo siya. Ayaw mo akong makasama dahil ayaw mong makita ko kayo!" Bintang ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga sinabi ko.

"What the hell, Hermaine! Pupuntahan ko si Vicky to check her! This is not a time to act immature. You've done enough because of that."

Hindi ko na siya napigilan nang lumabas siya ng kuwarto at umalis.

Tumakbo ako palabas pero wala na siya.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko but it's useless kaya hinayaan ko na lang.

Napabaling ako sa pinto kung saan ako nakasilip at tinitignan ang pagtataksil ni Deandre. Kumirot ang noo ko dahilan para mapahawak ako roon.

Bumalik ako sa kuwarto ko, I cleaned up myself bago nagbihis ng maayos na damit. I need to go somewhere. I need to breathe fresh air.

Dinala ako ng mga paa ko sa school. Gusto kong hanapin si Ro. Kailangan ko ng makakausap.

Pumunta ako ng bandroom nila pero walang tao. Laglag ang balikat na lumabas ulit ako ng school.

"Ana!" Nilingon ko ang tumawag gamit ang hindi ko totoong pangalan.

"Kendrick..." Tinalikuran ko siya at humakbang na paalis roon nang maramdaman ang pagkakahawak niya sa braso ko.  

"Let's talk, Ana."

Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Did you cried?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa tanong niya.

"Hindi." Tinalikuran ko ulit siya but he's too eager na pestehin ako ngayon.

"Ano ba, Kendrick! Wala akong oras para makipag-usap sa'yo ngayon!"

Anyong tatalikuran ko na naman siya when he spoke. "I'm sorry. I'm sorry kung hindi ako naniwala agad sa'yo, Ana. But I already know everything. Momma and Mollie lied to me."

Tumawa ako ng payak. "Trust me, Kendrick. I've been there. Betrayed by our own love ones is the most painful thing. Why? Because we trusted them that much at sa dinami dami ng mundo, sila dapat ang hindi tayo pagsisinungalingan!"

I shrugged. "Anyway, hindi nga naman tayo masasaktan kung hindi natin sila mahal. And that is just too pathetic." Tumawa ako ng tila nababaliw.

Kumunot ang kanyang noo. "May nangyari bang masama? May ginawa ba sa'yo ang lalaking iyon?" Alam kong tinutukoy niya ay si Deandre.

Ngumisi ulit ako ng mapait. "Just like you.....  You didn't trust me enough. I thought you're one of the very few people I can trust but.. unluckily.... Y-you left. Naniwala ka sa kasinungaling kaysa sa akin. You betrayed me, too Kendrick." Tumulo ang masaganang luha ko matapos sabihin ang huling pangungusap.



Itutuloy....

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon