Chapter Five

3.3K 88 5
                                    

Ch 5


"Tita, it's not Rosetta's fault. It's mine." Boses ni Deandre ang unang narinig ko nang magkamalay ako.

"Huwag mong pagtakpan ang pinsan mo, Deandre! It's her fault kaya nandoon si Victoria. At kung anu-ano pang sinasabi ng babaeng iyon." Ang galit namang boses ni Mr. Gokongwei.

Dahan-dahan akong napamulat  at nabungaran agad ang umiiyak na si Rosetta. "Hermaine!" She said while crying.

Nasa akin na ang atensyon ng mga naroon. Lumapit pa sa akin si Mrs. Gokongwei bago hawakan ang mga kamay ko.

"May masakit ba sa'yo, sweetie? Tell mommy." Malambing niyang tanong.

Umiling ako. "Nasaan ako?" Wala na ang kumikirot kong noo.

"We are in the hospital, baby. Nawalan ka ng malay nang sugurin ka ni Victoria." May bahid ng pag-aalalang sagot ni Mr. Gokongwei sa tanong ko. Nakalapit na rin siya sa akin dahilan para lumayo si Rosetta. "Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba niya sinaktan?"

"Wala po. Hindi niya po ako sinaktan." Sumulyap ako sa seryosong si Deandre ngunit nag-iwas din nang maalala ang sinabi ni Victoria.

"I'm sorry, Hermaine." Si Rosetta.

"Wala kang kasalanan." I smiled.

Kung totoo ngang gusto ko si Deandre. Gusto nang higit sa pagiging pinsan. That's incest.

Bumaling ulit ako sa mag asawa. "Okay lang po ako." Niyakap ako ni Mrs. Gokongwei na para bang takot na takot siyang mawala ako sa kanya.

Hindi ako pumayag na magpaadmit sa ospital at pinilit silang iuwi na ako. Pinagbigyan din naman nila ako kaya pauwi na kami ngayon ng bahay.

"I'll carry her to her room, Tito." Biglaang saad ni Deandre nang makarating kami. Nauna naming hinatid si Rosetta pero ang hayop hindi pa nagpahatid.

"A-Ano?!" Namula ako. Mula ata nang marinig kong may gusto ako sa lalaki pakiramdam ko may sakit siyang nakakahawa. "Hindi. Ayoko. Hindi ako baldado." Mabilis kong binuksan ang pinto ng van bago lumabas pero mabilis na gumalaw si Deandre para pangkuin ako.

"Sweetie, don't be too stubborn. Nagmamalasakit lang si D." Si Mrs. Gokongwei.

Wala na akong nagawa kundi tumahimik nang iakyat niya ako sa mataas na hagdanan patungong kuwarto ko.

"Victoria can't hurt you again." Hindi ko inaasahan ang pagsasalita niya.

Nasa harapan na kami ng kuwarto ko nang ibaba niya ako. Sinalubong ko ang seryoso at itiman niyang mga mata. "Ano'ng relasyon mo kay Victoria?"

Namutla siya nang tanungin ko iyon. Na para bang ang tanong na iyon ang pinaka iniiwasan niya.

"Y-you r-remembered?" Lalong hindi ko inaasahan ang panginginig ng buo niyang boses.

Umiling ako bago nag iwas ng tingin. Napapikit ako. "Umiiyak ako. At wala akong ibang sinabi kundi 'Malandi ka,Vicky! Napakalandi niyo!'

Nagmulat ako.

"Wala kaming relasyon, Hermaine."

Maikling katahimikan ang namagitan sa amin dahil hindi ko alam ang dapat isagot sa kanya.

"M-matutulog na ako." I said at akmang papasok na ng kuwarto nang hawakan niya ang pulso ko at inabot ang cellphone sa akin. "Lincoln" Dagdag niya.

Kumunot ang noo ko bago siya harapin ulit . "Hindi ko 'to kailangan."

"It's yours." Anya bago ako iwan.

Nang makapasok ako ng kuwarto, dali-dali kong tinignan ang cellphone. May password.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon