Chapter Four

3.5K 95 8
                                    

Ch 4





"This is your room, sweetie." Matapos nila akong ipaghanda ng malapiyestang dinner, hinatid nila ako sa magiging kuwarto ko.

"Ito po ang magiging kuwarto ko?" Umawang ang labi ko sa pagkamangha sa ganda at laki ng kuwarto.

Nakangiting tumango ang ginang bago bumaling sa asawa. "God, Ulysses. I can't believe our daughter is here."

Kanina, nang makita nila ako halos di na niya ako pakawalan sa pagkakayakap.

"Hera, stop crying. We should be happy. Nasa atin na ulit si Hermaine." Dagdag naman ni Mr. Gokongwei. I looked at him and gave him a  shy smile.

"S-Sorry po sa inasal ko sa ospital." Finally, I said it to him.

He smiled bago ako yakapin. "It's alright, sweetheart. I'm sorry too kung muntik na kitang pagbuhatan ng kamay."

"T-tama lang po ang pagsampal sa akin." Naiiyak na naman ako. "I deserve it."

"No, sweetheart." Natatarantang hinarap niya ako ganoon rin ang ginang. "Nabigla ka sa mga nangyari. Your reaction is normal."

"Come on, sweetie. You should rest." Hinawakan ni Mrs. Gokongwei ang mga kamay ko at inakay papasok ng kuwarto.

"Do you want to change the interior design of your room, sweetheart?" Tanong ni Mr. Gokongwei.

Diyos ko lang! Kung nakakanganga ang bahay mula sa labas, doble ang nasa loob. Lahat ng parte ng bahay ay alam mong mayaman na mayaman ang may-ari.

Pinagsamang pink and violet ang wallpaper ng kuwarto. Sumalubong din agad sa amin ang malamig na hanging nagmumula sa nakabukas na aircon. Mabango ang kuwarto. Queen size ang bed na sa gilid lang ay may mga nakahilerang mga teddy bears.

"N-No. This is perfectly fine po."

"Wala kaming ginalaw sa mga kuwarto mo. Ayaw na ayaw mo kasing nagagalaw ang mga gamit mo." Napatingin ako sa picture frame na naroon sa bedside table. It's me and them. Family picture.

"Hermaine..." Napatingin ako sa ginoong. "I'm sorry for being not there when you need us most."

"W-wala po kayong kasalanan."

He held my both hands and kissed my forehead. "I miss you, anak."

I smiled shyly. Nahihiya pa talaga akong tawagin silang 'mommy' at 'daddy'.

"Goodnight, sweetie." Mrs. Gokongwei kissed me too bago nila ako iwan roon.

I sighed heavily then roamed my eyes around 'my' room. Kasing laki na ng kubo namin ang kuwarto ko isali pa ang CR.

"Nay, Tay, Kuya..." Napahiga ako sa kama bago napapikit.

※※※


"Oh my God! Sweetie, you don't have to do that. We have our maids." Natatarantang binaba ni Mrs. Gokongwei ang mga platong hawak ko. "Manang! Manang!"

Natatarantang tumakbo paroon si Manang Lourdes, ang mayordoma.

"Manang, bakit mo hinahayaang si Hermaine ang maglagay ng mga plato sa mesa? Huwag mong sabihin na hinayaan mo rin siyang magluto?"

It's early in the morning. Maaga akong nagising at dahil sanay akong nagluluto ng almusal sa probinsya, hinanap ko agad ang kusina. Naabutan kong luto na ang mga pagkain kaya ako na lang ang nagprisintang maglagay ng mga plato sa mesa. Strange pero pakiramdam ko ang gaan ng tulog ko. 'Yong pakiramdam na hindi na bago sa akin ang kuwarto.

"S-Sorry po, Mada---"

"Ako po ang nagpumilit Mrs. Gokongwei. Huwag niyo pong pagalitan si Manang." Tinago ko si Manang sa likuran ko.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon