Chapter Thirty

933 35 10
                                    

Ch 30

"Ana... Iha!" Mula sa pagkakatulala at pagkain ng ice cream, nakuha ng kung sinuman ang atensyon ko.Kumunot ang noo ko nang matagpuan ng mga mata ko si Donya Leonore. What is she doing sa isang 7/11 store?

Bago sa akin ang tono na gamit nito. Ako ba ang kinakausap niya?

Dahil wala akong mapuntahan, dinala ako ng mga paa ko dito sa 7/11. Ayokong bumalik sa condo ni Deandre at lalo naman sa mga tinuring kong magulang. I don't have enough money for a hotel o kahit na ano'ng matutuluyan. I'm just... Lost.

I stood. Bigla akong natakot. I remembered the horrible things she did to me. "D-Donya Leonore. .."

Napansin kong may mga lalaking nakaitim na suits siyang kasama sa labas ng kinaroroonan namin. Tulad ng mga escorts ni Deandre.

"Ma... What are you doing here?" Nilingon ko si Kendrick na naroon pala. Sinundan niya ba ako?

Humalakhak ang donya. "What, Iho? You told me nandito ka para samahan si Ana. We have house here. We have guest rooms para sa kanya."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Seriously?! What is she up to?!

"Okay lang po ako, Donya Leonore..."

Lumapit siya sa akin at masuyong hinawakan ang kamay ko. "I know hindi maganda ang simula natin, Ana. Marami akong hindi magandang nagawa sa'yo. I'm sorry. Nabulag lang ako ng mga kasinungalingan ni Mollie. Sana naman mapatawad mo ako."

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Naghahanap ako ng sagot sa kanya. Should I forgive her? Ang dami na ng taong may kasalanan sa akin para dumagdag pa siya.

Hindi ko alam ang dahilan ng pagbabago ng pakikitungo niya sa akin at wala na akong balak na idagdag pa 'yun sa mga tanong ko.

"Okay lang po, Donya Leonore." Sana iwan na lang nila ako dito. I want to be alone at isipin kung ano bang plano ko sa buhay. Lahat ng mahal ko sa buhay, nagsinungaling sa akin.

"Oww! Just call me Tita, Ana. Come on. Sumama ka sa amin ni Kendrick."

Kumawala ako sa babae. "Okay na ako dito, Donya. Kung ang dahilan ng pag-iiba ng pakikitungo niyo sa akin ay dahil anak ako ni Hera at Ulysses Gokongwei, nagkakamali kayo."

Nabura ang ngiti niya. "H-hindi ka nila anak?"

Bago pa ako makasagot, naunahan na ako ni Kendrick.

"She is, Mama. And I'm pretty sure na hindi magugustuhan ng mga Gokongwei kapag hindi natin pinatuloy sa atin ang anak nila."

Hinawakan ni Kendrick ang kamay ko bago kami naglakad palabas. Gusto kong umapila pero naisip ko na hindi naman puwedeng sa 7/11 store ako magtagal.

Sumakay kami sa itim na Fortuner nila. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin mula sa aircon plus the good smell. Tumingin ako sa labas ng bintana. Naisip ko si Deandre. Hindi na siguro umalis ang unggoy sa tabi ni Victoria sa sobrang pag-aalala nito.

Napatingin ako kay Kendrick na siyang nasa tabi ko nang hawakan niya ang aking kamay. "Ana.. You don't need to worry. I will take care of you."

Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman sa sinabi ni Kendrick.

Kumawala ako sa pagkakahawak niya bago bumaling ang tingin sa labas.

Karamihan sa mga tindahang nadadaanan namin ay nakasara na o di naman ay magsasara na. Marami pa ring mga taong naglalakad. Marahil para magsaya.

Good for them.

Naisip ko si Deandre. Hindi siya mahilig lumabas. Mas gusto nitong waldasin ang oras sa pagbabasa ng papeles sa sarili nitong office. At the young age, namulat na ito sa kalakalan ng negosyo ng pamilya. Kung di nga lang niya ito niyayayang lumabas ay malamang, nabulok na ito sa sariling opisina. Maliban nga lang kung papasok ito sa school.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon