Chapter Twenty Three

1.6K 53 3
                                    

Ch 23


"D-D..." Nanginig ang boses ng donya. Bumaling siya sa akin sandali bago kay Deandre.

Hindi ko namalayang wala na si Mommy sa tabi ko at nasa tabi na ito ng mama ni Kendrick. And slapped her.

"Mom!" Kahit hirap akong tumayo, nakatayo ako at hinila si Mommy.

Gulat na gulat ang ginang. "Madame Hera!"

"Hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo sa anak ko! How dare you!" Galit na galit si Mommy. Sa tanan ng buhay ko, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kagalit.

"I'll make sure you pay huge amount for this!" Galit na dagdag ni mommy.

Niyakap niya ako patungo sa kanyang dibdib bago ako inalalayan papasok ng kotseng dala nila. Nakatingin lang sa akin ang mga pinsan ko. Napansin kong wala roon ang magkakapatid na sina Rosetta, Cai at Cassius.

"God! Idedemanda ko ang mga Montreal! All of them!" Naiiyak si Mommy habang tinitignan ang kalmot ko, ang dugo sa may labi ko at sugat ko sa palad.

Sumulyap ako sa labas ng kotse. Kausap pa ni Daddy at Deandre ang donya hanggang sa pamartsang tinalikuran nila ito. Humabol ang umiiyak na ngayong ginang sa kanila ngunit nagmistula silang bingi. What did they said to her?

Bumalik na ang mga pinsan ko sa kani-kanilang mga kotse nang bumalik sina Dad at Deandre. Sa kotseng kinalulunalan ko, tanging ako, Daddy, Mommy, Deandre at ang driver ang sakay.

Dad kissed my forehead. Nasa gitna ako ni Daddy and Mom. Samantalang, nasa front seat katabi ng driver si Deandre.

"Ano'ng sinabi niyo sa kanya?" Pinupunasan ni Mommy ang mukha ko gamit ang kanyang panyo.

"Idedemanda natin ang mga Montreal. Kidnapping and ofcourse sa ginawa nila sa'yo." Halos marinig ko sa boses ni Deandre ang tinitimping galit. "I'm pulling out all the shares and stock of Gokongweis."

Binaba ko ang kamay ni Mommy na nasa pisngi ko. "You can't do that! Kusa akong sumama kay Kendrick!"

"You can't expect from us not do something, Hermaine." Dagdag ni Dad.

Walang nagawa ng pagtutol ko. Galit silang lahat.

"I'm fine! Hindi niyo ako kailangang dalhin sa ospital!" Again, walang nagawa ang pag apila ko dahil pinangko na ako ni Deandre patungo sa ER.

"Okay ba ang ospital na 'to, Ulysses?" Rinig kong saad ni Mommy. Maliit lang kasi ang ospital sa probinsya at doon nila ako dinala since iyon ang pinakamalapit.

"I hate you! Ano bang ginagawa niyo dito?! Dapat hinayaan niyo na ako!" Nagwala ako sa pagkakapangko ni Deandre.

Napatili ako nang mahagip ng pagwawala ko ang mga kalmot at sugat ko.

"Damn it, Hermaine! Ganyan ba ang okay?! Mapapatay ko ang mga Montreal! I swear!" Natigil ako sa pagwawala sa sinabi niya.

Dahan-dahan niya akong nilapag sa hospital bed. Kinausap niya ang doctor at pagkatapos nun ay halos pagkaguluhan ako ng mga nurses at doctors na naroon.

Napangiwi ulit ako nang sinimulan nila akong gamutin. Hindi rin naman nagtagal ang panggagamot nila since minor injury lang ang natamo ko kaya matapos nila akong gamutin, dinala ako sa isang private room.

"Ilalabas ko ang anak ko mamaya! Ayoko sa ospital na ito! Wala man lang aircon!" Reklamo ni Mommy nang makitang tanging electricfan lang meron ang private room.

"Hindi niyo ako kailangan dalhin dito sa ospital! I'm fine." Mariin kong saad.

Maliit lang ang kuwarto kaya tanging sina Dad, Mom at Deandre lang ang kasama ko. Nagpaiwan ang mga pinsan ko sa mga kotse nila dahil nainitan.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon