Chapter Twenty Six

2.2K 63 20
                                    

Ch 26


"How's the taste?" Hinihintay ni Deandre ang komento ko sa niluto niyang Mechado. Hindi ko alam kung nakailang scoop na ako ng rice dahil sa sarap ng ulam pero siyempre di ko 'yon aaminin sa kanya.

"Puwede na." Walang gana kong sagot sa kanya bago uminom ng tubig.

Nalukot ang mukha niya pero guwapo pa rin. "'Yon lang?"

"O ano'ng gusto mo? Sambahin ko ang niluluto mo?" Sarkastiko kong sagot. Tumayo na ako at dinala ang mga pinagkainan ko sa lababo. Gusto ko siyang tanungin kung kumain na siya pero ayoko namang isipin niya na concern ako. No way!

"How about a compliment? Masarap ba, sobrang sarap. Like that." Kinuha niya ang plato kong huhugasan ko sana. "Ako na. Maupo ka na dun."

Hindi na ako umapila, bahala siya. "Puwede na nga." Mataray ko namang sagot bago siya iwan roon sa kusina. Dumeretso ako sa loob ng kuwarto ko. Tinignan ko ang walk in closet ko, may mga damit ako roon. Marami.

Naisipan kong magshower na muna. At matapos kong magshower sa sariling banyo ng kuwarto, lumabas lang ako ng nakatapis ng towel since hindi ko mahanap kung saan ang bathrobe.

Pero napatili ako nang maabutan ko si Deandre sa loob ng kuwarto. "Ang bastos mo talaga! Lumabas ka nga! Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Mahigpit ang pagkakahawak ko sa towel ko. God! Bakit kasi walang bathrobe sa banyo?!

Sumimangot siya at hinagis sa akin ang pink bathrobe. "Doon ka naligo sa banyo ng kuwarto ko and you forgot that the last time you took your bath here." Aniya. "H'wag kang OA, Hermaine. Nakita ko na 'yang lahat mo!" Dagdag niya bago lumabas ng kuwarto.

Namula ako nang magsink sa akin ang sinabi niya bago tumili. Sumubsob ako ng kama ko habang yakap ang sarili. Nagtalukbong pa ako ng comforter at tinignan ang sarili ko sa loob.

"Nakita na niya 'tong lahat?! No way! He's kidding! Oh my God! Don't say may nangyari sa amin?! Nagpakasal kami. Then, pag kasal may honeymoon at pag may honeymoon, ibig sabihin." Natigilan ako sa patutunguhan ng iniisip ko.

"Hermaine! Hermaine! Alalahanin mo! Wala naman diba?! Wala namang nangyari sa inyo diba?!"

Pumikit ako at sinubukan kong alalahanin ang lahat pero wala. Tumayo ako habang nakatapis pa rin ng towel, then I bump my head sa pinto. Ilang ulit ko 'yon ginawa sa pagbabakasakaling may maalala ako when unexpectedly, bumukas ang pinto kaya bumangga ang mukha at ulo ko rito.

Napahiga ako sa carpet na sahig ng kuwarto dulot ng malakas na impact ng bangga ng pinto sa ulo ko at ang huli kong nakita ay ang mukha ni Deandre na nag-aalala.

"Deandre, paano na? Paano kapag nalaman 'to nina Mommy at Daddy?" Nakatayo ako sa harapan ni Deandre habang prenteng nakaupo naman siya sa sofa. He's drinking a coffee. Tila isang ordinaryong araw lang iyon para sa kanya.

Suot ko pa ang puting off shoulder bestida na siyang suot ko kanina nang kinasal kami.

Matapos ng aming kasal, dumeretso na kami rito sa seven star ng pagmamay-ari ng Gokongwei at siya ring pinamamahalaan ni Deandre. Hindi ko alam kung okay lang ba ang magstay kami rito. Di kaya malaman ni Tito Dylan na kasal ako sa anak niya?

He stood while wearing that gorgeous smile. Hinapit niya ang beywang ko and hugged me. Naramdaman ko pa ang marahan niyang paghalik sa aking ulo. "Relax, Mrs. Gokongwei. Ako na ang bahala. This is our first night as a husband and wife."

Kumawala ako sa kanya. "I need to go home, Deandre. Hahanapin ako."

Napatili ako nang pangkuin niya ako bago naglakad at marahan akong hiniga sa kama.

"Pinagpaalam na kita. So, relax sweetie." Anya then kissed me.

"But Deandre..." He started kissing my neck. And I was lost. Napapikit na lamang ako.

"Hermaine!" Napamulat ako at mukha agad ni Deandre ang nabungaran ko.

Napatili ako.

"Hey!" Anyong hahawakan niya ako pero naunahan ko na siya. Sinipa ko siya dahilan para mahulog siya sa kama.

"THE FVCK, HERMAINE!"

Napayakap ako sa aking sarili. Nakadamit na ako ngayon ng pambahay. Wait? Diba nakatowel lang ako kanina so binihisan na naman niya ako?

"Bastos!" Pinagbabato ko siya ng mga unan ko. Ng mga stuff toys ko.

"What the hell, Hermaine! Stop that!"

I'm crying. "You pervert! You raped me!"

His eyes widened. "WHAT THE FVCK DID YOU SAID?! I RAPED YOU?!"

"YES!" Sigaw ko rin. Namumula na ako sa galit. "Pinagsamantalahan mo ang kainosentihan ko! That day. On our wedding night. You kissed me! You raped me!"

"You..... Y-you remembered our wedding night?"

Natigil ako sa pag-iyak.

Ngumiti siya. Tila masayang masaya. Lalapit sana siya sa akin pero sumigaw ako.

"Don't you dare, Deandre! Dyan ka lang! H'wag kang lalapit sa akin!" Umiyak ako ulit. "Walang hiya ka! Kahit di tayo magpinsan. Still, sa isip ko magpinsan pa rin tayo!"

"Walang nangyari sa atin, Hermaine. I didn't do anything. I swear. Hindi mo pa naaalala ang lahat but I'm happy na may naaalala ka na sa atin."

"Liar!" Wala na ako sa tamang katinuan dahil ang sunod ko ng tinapon sa kanya ay picture frame naming magkasama. Sinalag 'yon ni Deandre pero natamaan pa rin dahilan para magkaroon siya ng sugat sa braso.

Nanlaki ang mga mata ko sa sugat. It's bleeding. Tumigil rin ako sa pag-iyak.

"Oh my God...." I bite my lower lip. Tumayo ako at akmang lalapitan siya nang siya naman ang sumigaw sa pagkakataong 'yon.

"Don't move. Don't come. Maraming bubog dito."

Nag uulap ang mga mata ko. "But your wound.."

"This is fine." Yumuko siya at nagsimulang pulutin ang bubog ng nabasag na picture frame.

Tinignan ko lang siya habang nakaupo sa kama. He's not talking. Malamang, galit siya.

"Are you mad?" Wow, Hermaine! Tinanong mo pa talaga.

Hindi siya sumagot. "Masakit ba?" Ang stupid mo, Hermaine! Ikaw na! Ofcourse, it is!

Tumayo siya at tahimik na tinapon sa basura ang pinulot. He's wearing slippers so he's safe. Lumapit siya sa akin at binigay ang hawak niyang litrato namin. Inabot ko 'yon. "I'm not mad because I'm wounded. I'm mad because you threw our picture."

Matapos sabihin iyon, lumabas na siya ng kuwarto at iniwan akong nakatingin sa litrato namin.

Itutuloy...


My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon