Chapter Seventeen

1.8K 59 6
                                    

Ch 17




"Oh my God. How are you, baby?" Nag-aalalang nilapitan ako ni Mommy. Cheneck niya ang mukha at katawan ko.

Nagtatanong na tingin ang pinukol ko sa kanya. "D called me na masama daw ang pakiramdam mo kaya di ka na nakapasok. Thank God, D's always with you." Sumulyap siya sa sinungaling na halimaw.

Pinukol ko ng masamang tingin si Deandre pero hindi ata makuha sa tingin. Ngumiti pa ang hudyo.

"No worries, Tita."

Gabi na ng makarating kami ng bahay. Matapos kasi akong ipagluto ni Deandre ng Mechado na pinakamasarap na pagkain na atang natikman ko sa buong buhay ko ay pinilit niya pa akong pumunta kami sa ospital. Tinanong lang naman ako ng doctor ng mga kung anu-ano at pinayuhan na h'wag kong kakaligtaan ang pag inom ng gamot.

"Oh my! Hera, is she your daughter?" Nakuha ang atensyon namin ng sopistikadang babae na marahil kasing edad lang ni Mommy. Mataas ang takong nito at napakaelegante ang hapit na damit.

Saka ko lang napansin na may mga bisita si Mommy. May nagkalat na mga magazines sa center table at tila busy sila kanina.

"Oh, hi D! You look very handsome." Komento niya kay Deandre bago lumapit sa akin.

Ngumiti si Mommy. "Hermaine, she's your Tita Cynthia. She's a very close friend of mine." Then, the woman kissed my cheek.

"Hi po, Tita Cynthia." Nahihiyang bati ko. Hindi talaga ako sanay makihalubilo sa mga tao.

"Kararating niya lang from France. She'll design your gowns for your upcoming party." Nakangiting anas ni Mommy.

"P-party?"

Mommy softly combed my hair through her hand. "Baby, please. Pagbigyan mo na ang mommy. Gusto ko lang malaman ng tao na nagbalik kana dahil marami pa rin ang nag iisip that you're dead. And this is a privilege na ipakilala kana rin lalo na sa mga business partners and investors ng Gokongweis. Ang alam nila, si Rosetta lang ang nag iisang babaeng Gokongwei."

"But Mom, talaga namang si Rosetta---

"Hermaine, please.... You're a Gokongwei. You deserve a party. An acknowledgement." Patuloy na giit ni Mommy.

"Sige na, Iha. And beside, I want you to be my first project here in Philippines. God, Hera! She's your younger version. Very lovely."

Namula ako sa komento ni Tita Cynthia. Sandaling sinulyapan ko si Deandre na nakasulyap din sa akin. "S-sige po." Napipilitang sagot ko.

Excited na hinila ako ni Mommy at Tita Cynthia patungo sa tatlong kataong nakaupo sa malambot naming sofa.

"Mom, a-ayoko. Masyadong mahal." Napangiwi ako nang malaman ang halaga ng gustong venue ni Mommy.

Simula ata nang kupkupin ako nina nanay, pinahalagahan ko na ang bawat piso. Naranasan ko kasi kung paano maghirap para kumita.

Napasimangot si Mommy. "Hermaine, we have tons of money. Hindi problema sa atin ang pera."

Marami pa silang pinakita sa akin na designs sa gowns, jewelries, shoes, cakes. Matapos akong sukatan ni Tita Cynthia nagpaalam akong magpapahinga na muna.

"O, bakit di ka pa umuuwi? Alis na. Magrerest pa ako." Inirapan ko ang halimaw na nakasunod.

"Talaga bang wala kang naaalala, Hermaine?"

Namutla ako. "W-wala. Umalis ka na nga." Tinalikuran ko na siya at pinagsarhan ng pinto.

Napasandal ako sa dahon ng pinto. "God, Hermaine! Tapos na ang kabaliwan mo sa kanya. Hindi mo dapat maramdaman 'yan. Mali. Hindi dapat kahit di pa kayo tunay na magpinsan." Napapikit ako.



"Hermaine naman. Ano bang pinag awayan niyo ni D? Maawa ka naman sa pinsan mo. Umuulan na sa labas." Humahangos na bumalik na naman si Manang sa kuwarto ko.

Wala sa bahay sina Mommy at Daddy dahil nasa isang business trip sila kaya walang magawa ang mga katulong at guard sa bahay kundi sumunod sa akin na h'wag papasukin ang walangyang Deandre... "Ano?! Nasa baba pa siya?!" Inis akong bumangon at hinagis sa kama ang headset ko.

Binigyan ako ni Manang ng payong bago ako lumabas ng bahay. Nasa labas ang karamihan sa mga katulong at nakatingin lang kay Deandre na nasa labas ng gate at nagpapabasa sa lumalakas na ulan.

"Sir D, umuwi na lang po kayo. Ayaw talaga kayong makausap ni Ma'am Hermaine." Naglakas loob na lumapit ang nakapayong na security guard namin.

"Just fvcking leave the hell out of me!" Sigaw niya kahit para na siyang basang sisiw. "Hindi ako aalis rito hangga't di niya ako kinakausap."

"Pumasok na kayong lahat. Ako na ang bahala rito." Napatingin sa akin ang lahat, maging ang guard at si Deandre. Sinunod naman nila ako. Lumapit ako sa lalaki pero hindi ako nag abalang payungan siya.

"H-Hermaine..." Nanginginig ang boses niya. Anyong lalapitan niya ako pero umatras ako.

"Stay there, Deandre. Galit pa rin ako sa'yo."

"Hermaine, nasa condo ko si Victoria dahil may tinatapos kaming project. Infact, may kasama pa kami. Paalis na rin siya nang maabutan mo kami."

Maagang natapos ang klase kaya naisipan ko munang tumambay at i-surprise si Deandre pero hindi ko alam na ako pala ang masu-surprise. Ngumisi pa ang bruha nang pinagbuksan ako. Aalis na sana ako nang makita ako ni Deandre at hinabol but I didn't talk to him. Sinipa ko lang ang kanya para makawala. Nag absent rin ako para hindi siya makita.

"Pero bakit sa condo mo?! Bakit di mo sinabi?!" Naiiyak na naman ako. Argh! Parati na lang basta pagdating sa unggoy na nasa harapan ko.

"I didn't know they were coming. Nabungaran ko na lang sila sa harapan ng pinto ng condo ko." Marami pa siyang mura bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "Papasok na sana ako ng school pero nasa harapan na sila ng pinto ko telling me we're not going to school dahil may pinapagawa na lang ang professor sa amin."

"And I didn't told you because it's not that important, Hermaine. Victoria is just a friend to me. Hindi mo kailangang pagselosan siya." Dagdag niya.

Napakagat labi ko. I'm trying my very best na hwag umiyak pero umiyak pa rin ako.

Sinubukan niya ako ulit hawakan at nang marealize niya sigurong hindi na ako aatras, masuyo niyang hinawakan ang aking pisngi. "Promise me..." I'm sobbing. "Promise me na hindi mo na paaapakin ng condo mo si Victoria."

"Hermaine, Victoria is-----

"I don't care! Just promise me!" Sigaw ko while crying.

"Fine. Promise. Am I forgiven?"

Pinipigilan kong ngumiti. Gusto ko pa kasi siyang pahirapan.

Niyakap niya ang kanyang sarili. Marahil sa lamig. Napa 'hapching' pa siya. He's cold. At ayoko namang mamatay siya roon sa lamig so before I can filter my action. Nabitawan ko na ang dala kong payong bago yumakap sa leeg niya. Nagtiptoe ako para abutin ang labi niya. I closed my eyes and kissed him.

Napamulat ako sa alaalang 'yon. Malakas ang tambol ng puso ko. Oh my God! We kissed!

Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi.

 

Itutuloy...

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon