Chapter Twelve

2.2K 70 12
                                    

Ch 12



Roanne Louella's POV

"Stay." Pinigilan ako ni D na sundan si A. He stood at siya na mismo ang sumunod sa kaibigan ko.

"Just like 10 years ago, he will always be with Hermaine." Napabaling ako sa nagkomentong si Owen, A's cousin, too.

"Hindi naman kasi magwa-walk out ang kaibigan ko kundi sa mga taong hindi ata nag aral ng Ethics." Argh! Kanina pa nangangati ang mga kamay kong sabunutan ang mga babae kanina. Wow ha! Ang kapal ng mga pagmumukha nilang insultuhin ang asawa ko sa harapan ko. Sa harapan ko! Tangena nila!

"Are you referring to us?" Mataray na sagot ng babaeng sinampal kanina ni A. Nakasuot ang babae ng pulang bikini na halos iluwa na ang Cup D niyang dibdib.

Nagtaas ako ng isang kilay. "Wow! Hindi ba obvious? Utak teh ha?! Utak! Tss! Kung ano'ng kinalaki nyang dibdib mo eh siya namang kinaliit ng utak mo!"

Narinig kong tumawa ang boys. Napasimangot naman ang mga babae.

"Excuse me, Miss." Bumaling ako kay Rosetta, ang pinakilala sa akin ni A na nag iisa niyang pinsang babae. "Please, filter your words. Baka nakakalimutan mo, friends ko ang kausap mo. You are just my cousin's guest here."

I keep my mouth shut. Hindi ko sinagot si Rosetta. Ofcourse, she's A cousin. Ayoko rin siyang bastusin.

"Rosetta... She's not just a guest. She's Hermaine's bestfriend." Pagtatanggol sa akin ni Cassius.

"What, Kuya?! Binabastos niya ang kaibigan ko!" Nakikita ko na ang inis sa maganda niyang mukha.

Naku, talaga! Kung hindi ka lang nagkataong nag iisang babaeng pinsan ni A, kinalbo na kita.

"It's okay, Cassius. Bastos talaga ako sa mga taong bastos rin." I said at tinalikuran sila.

"See, Kuya! God! I can't believe Hermaine have that kind of bestfriend."

Temper, Ro. Pigilan mo ang sarili mo.

Kumuha ako ng chicken barbeque. Sa pagkain ko na lang ibubuhos 'yong inis ko. "Sorry sa kapatid ko." Napabaling ako sa nagsalita. Si Cai. Tss! Naalala ko na ang pangalan niya.

"Magkapatid nga kayo." Nilantakan ko 'yong barbecue.

Tumawa ang gunggong. Lumapit sa akin ang mga bandmate ko. "You okay Angel Ro?" Si Jed.

"Hoy, Jed! Sino'ng pitsong pilato ang nagbigay sa'yo ng karapatang tawagin si Ro na angel? Roanne Louella ang buo niyang pangalan, hindi angel Ro!" Napabaling kami lahat kay Cai. Maging ako, napatigil sa pagkain.

Tumawa si Troy. "Bro, huli kana sa balita! Angel Ro talaga ang tawag ng lahat kay Ro. She's not yet singing at the stage but she's dead popular!" Lumapit sa akin si Troy at inakbayan ako. "Dami ng suitor. Kahit ako gustong sumingit. Can I, Ro?" Kumindat pa ang lalaki.

Bibigwasin ko sana ang pagkaka akbay niya nang maunahan na ako ng nakalapit na palang si Cassius. "Hands off, Troy." Seryosong saad ng lalaki.

"Woo! Ano 'to, pinag aawayan niyo si Ro? I'm out, dudes! Mukhang mahaba na ang pila. " I rolled my eyes sa pahayag ni Drake.

"Gaaa! Kilabutan ka sa sinasabi mo, Drake! At saka matagal ng taken ang puso ko." Tinalikuran ko sila.

"Hoy, feeling mo naman Ms. Feeling! Wala akong gusto sa'yo! Asa ka!" Hinarap ko ang gunggong na si Cai.

"Hoy, gunggong! Wala akong sinabi na may feelings ka sa akin. At kung sa'yo lang naman ako magfe-feeling. Magfefeeling na lang ako sa harapan nitong barbecue!" Inirapan ko siya bago kumagat ng barbecue ulit.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon