Chapter Twenty Two

1.5K 52 8
                                    

Ch 22


"They're not here. God! I super miss this!" Natigil ako sa pagpasok ng sala nang marinig ko ang boses ni Mollie. Kararating ko lang sa mansyon. Sumilip ako at nakita ko siyang prenteng nakaupo sa sofa kaharap ang bisita nito habang may mga alak na nakahain sa kanila.

Pangatlong araw ko na sa mansyon. At sa loob ng mga araw na 'yon ay halos bumagsak ang katawan ko sa dami ng pinagagawa ng Donya lalo na ni Mollie. Kulang na lamang ay gawin akong yaya ng huli. Okay na rin siguro na ganito para maiwasan ko ang pag alala ng tinakbuhan ko.

"Eh, ang muchacha mo?" Tumawa ang kausap nito.

"Pinapunta ko sa palengke. Pinabili ko ng mga walang kuwentang bagay. Mamaya, pagdating niya pahihirapan ko ulit siya." Tumawa ang babae bago uminom ng hawak na kopita ng alak.  

Masama rito ang alak. She's sick pero ang lakas ng loob uminom.

Ngumisi ang kausap nito. "Buti hindi nagagalit si Nigel."

Nagtaas ng kilay si Mollie. "Mas mahal ako ni Nigel at sa akin siya naniniwala. Walang lugar ang muchachang 'yon sa buhay ni Nigel."

"You sure? Hanggang kailan, girl? Will he stay kapag nalaman niyang wala kang sakit?"

My eyes widened sa sinabi ng kausap nito. Napaawang maging ang labi ko.

Napatayo si Mollie at tinapon ang laman ng alak sa mukha ng babae. "You, shut up! Kahit malaman pa ni Nigel na wala akong sakit, mamahalin niya ako. He will stay with me! Ako ang pipiliin niya!" Nakompirma ni Mollie ang sinabi ng babae.

Hindi ko naman sinasadyang mahulog ang mga dala kong plastics kaya nakuha ko ang atensyon nila.

Maging sila ay nagulat. "Ana!" Namutla si Mollie bago sumugod palapit sa akin. "Ano'ng narinig mo?" Naamoy ko ang alcohol rito.

Hinaklit niya ang braso ko kaya napangiwi ako. "Ano sabi ang narinig mo?!" Napatili na ako ng sunod niyang hilain ang buhok ko. She's sick. Yes. Sakit sa pag iisip.

Tinulak ko siya kaya napahiga siya sa marble na sahig. Akala ko susugurin niya ako ulit but she did not. Hindi ko inaasahan na iiyak siya.

"N-Nigel... N-Nigel... Inaaway ako ni Ana." Napalingon ako sa aking likuran at naroon si Kendrick. Mukhang kararating lang nito. Sumunod na dumating ang donya.

"Oh my God!" Agad na nilapitan ng donya si Mollie, tumulong na rin rito ang kaibigan nitong babae na basa ng alak.

"K-Kendrick, nagkakamali ka ng iniisip." Maging ako ay namutla.

"Bakit may alak rito? Uminom ka ba, Mollie?" Nilingon nito ang babaeng kasama ni Mollie. "Gina, ikaw ba ang nagdala? Bakit basa ka ng alak?"

Namutla si Mollie. "Nigel.... N-Nigel... I'm scared of Ana. Galit siya sa akin, Nigel. Sasaktan niya daw ako dahil ako lagi ang pinipili mo." She cried.

"What?!" Sinulyapan ko si Kendrick. "Hindi totoo ang sinasabi niya, Kendrick! Wala akong ginagawa sa kanya!" Tumaas na rin ang tono ko.

"Hampas lupa ka!" Ang donya naman ang akmang susugod sa akin nang pigilan ito ni Kendrick. "Bitawan mo ako, Nigel! Napakawalanghiya! Pagkatapos ko siyang pakainin at patulugin sa mansyon ko, sasaktan niya si Mollie!"

"Ma! Enough!" Sigaw na rin ng anak nito. Tumigil naman ang ginang sa pagwawala.

"Wala akong ginawa kay Mollie. Sinugod niya ako at hinila ang buhok ko." Diin ko rin.

"Ana, ang sama mo! Pagkatapos kitang tanggapin dito dahil kaibigan ka ni Nigel, sinisiraan mo ako!" Umiiyak pa ring saad naman ni Mollie.

Niyakap ni Nigel ang babae. Nasaktan naman ako. I'm not hurt dahil nagseselos ako, I'm hurt dahil naniniwala siya kay Mollie.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon