Chapter Twenty Seven

1.4K 44 2
                                    

Ch 27



"Deandre! Hoy, lumabas ka nga dyan! Di bagay sa'yo ang magmukmok!" Halos gibain ko na ang pinto niya sa katok pero hindi niya pa rin binubuksan.

Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Deandre! Buhay ka pa ba? Buksan mo nga 'to!"

Napatalon ako nang bumukas iyon. Bumungad sa akin ang topless at naiiritang Deandre. "What?"

Nang iwan ako ni Deandre kanina, hindi na siya lumabas ng kuwarto niya. Wala pa ring pinagbago ang kumag. Nagkukulong pa rin sa kuwarto niya kapag nagtatampo, naiinis o nagagalit sa akin.

"U-Uh... M-mm.." Nabitin sa ere ang sasabihin ko. Ugh! Damn those abs of him!

Saka naman ang pagdodoorbell ng kung sinuman. Thank God!

Kumunot ang noo niya at akmang hahakbang patungo sa pinto nang pigilan ko. "Hoy! Saan ka pupunta? Haharap ka sa bisita nang ganyan? Seryoso ka?!"

Hindi niya ako sinagot at humakbang pa rin. Suplado! Kainis! Porket may ipagmamalaki siya! Duh!

Sinundan ko siya at nakita kong delivery boy ang napagbuksan niya. Napatakbo na ako palapit roon.

"Wala akong pera, Deandre. Bayaran mo na. Tutal naman, para sa'yo 'to." Kinuha ko ang plastic na inabot ng delivery boy bago patakbong pumunta ng kusina. Inilabas ko sa plastic ang box ng sushi.

Inamoy ko pa ang pagkain bago napangiti. Lumapit ako sa ref at nagtwinkle ang mga mata ko nang makakita ng strawberry. Kinuha ko iyon pati na rin ang pitcher ng tubig bago ilapag sa mesa. Sunod naman akong naghanda ng sawsawan. Ketsup, calamansi at toyo. Nang bumalik na ako sa mesa, halos atakehin ako nang makita na naroon na si Deandre.

"Diyos ko!" Nakatayo siya malapit sa mesa. And he's wearing white v-neck tshirt already.

Sumulyap siya sa akin bago sa strawberry na hawak ko. Humakbang ako patungong mesa at nilapag ang sawsawan.

"Mm.. I'm sorry kung nasaktan kita sa asal ko kanina. I hope effective pa rin ang ganitong peace offering ko. I hope you still love sushi and strawberry."

Sumulyap ako sa mga pagkain pero sumulyap din sa kanya. I smiled. "But if you don't---

Lumipad lahat sa ere ang mga sasabihin ko nang hilahin niya ako patungo sa kanya at niyakap.

He didn't talk. He just hugged me tightly. While me! Tinangay ata lahat ng hangin ang lakas ko para kumawala sa kanya.

Kinabukasan, pinili kong magkulong sa kuwarto. I'm still embarassed dahil hinayaan ko siyang yakapin niya ako kahapon. Worst, I like his hug. Halos hindi rin ako makatulog sa gabi, parang nanadya pa ang isip ko na irewind 'yong hug moment. Ugh! Peste talaga!

"Hermaine, hindi ka ba lalabas dyan?!" Deandre'a knocking outside. Kanina pa siya kumakatok pero hinayaan ko lang.

"You should eat breakfast." Dagdag niya. Inirapan ko siya na tila ba nakikita niya iyon.

"I'm not hungry. Inaantok pa ako. Mamaya na ako kakain." Kapag wala ka na. Gusto ko sana idagdag.

Umayos ako ng pagkakahiga at bumaling ng higa nang mapansin kong parang basa ang puwetan ko. Umihi ba ako?

Bumangon ako at tsenek ang hinigaan ko. Napatili ako nang halos mabasa ang kobre kama ng dugo.

"HERMAINE!" Sigaw ni Deandre sa labas. "WHAT HAPPEN?! OPEN THIS GODDAMN DOOR!" Halos wasakin na niya ang pinto.

Napatutop ako ng bibig. Nanlalata ako. Sinaksak ba ako? Nakunan? Oh my God!

Pinukpok ko ang noo ko. "Calm down, Hermaine. Meron ka lang." I breathe in and out.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon