Chapter Twenty Five

2K 69 12
                                    

Ch 25



"You're kidding me, right? You're kidding me." Tumawa ako. Tumawa ako na parang nababaliw.

Seryoso siya. Ni hindi na siya ngumisi. "I'm not."

Tumigil ako sa pagtawa. "Magpinsan tayo kaya imposible ang sinasabi mo!"

"Ikaw na mismo ang maysabi na hindi tayo magpinsan."

Umawang ang labi ko. "So, all this time, alam mong hindi ko dala ang Gokongwei. Alam mong kahit kailan hindi ako naging Gokongwei!" Sumigaw na ako.

Sa mga oras na 'to ay wala akong maramdaman kay Deandre kundi galit. He betrayed me. Minahal ko siya noon. My love for him is pure and innocent pero samantalang siya... Hindi ko alam kung talagang minahal niya ako o naawa lang siya!

"Damn you, Deandre! Pinaglaruan mo ako!" Lumabas ako mula sa loob ng kotse niya.

Tumakbo agad ako nang walang direksyon. Basang basa agad ako ng ulan. Hindi lang ulo ko at mga sugat ko ang kumikirot kundi maging ang puso ko. Bakit? Bakit lagi na lang akong pinaglalaruan ng mga taong akala ko mahal ako?

"Hermaine! Stop running!" Rinig kong tawag niya pero hindi ako nakinig.

Nasilaw na lamang ako dahil sa liwanag na nangagaling sa parating na truck and then the next thing I know may humila na sa akin.

Sumubsob ako sa dibdib ni Deandre. Samantalang, narinig ko ang maingay na pagdaan ng truck.

Nagmumura siya habang mahigpit akong yakap. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin and it feels good. Pakiramdam ko, ang safe ko. Pakiramdam ko, nawala lahat ng nararamdaman kong sakit.

Hinarap niya ako at ikinulong niya ang mga pisngi ko sa kanyang maiinit na palad. "You, okay baby?"

Hindi na ako nakasagot, tuluyan na lamang bumagsak ang katawan ko.

"Marry me, Hermaine."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Deandre. Kanina pa kasi ako natataranta sa di ko maalalang dahilan.

"You know we can't, Deandre." Inuupo niya ako sa malambot kong kama dito sa kanyang condo. Then, lumuhod siya sa aking harapan para magpantay kami.

"Bakit naman hindi? You're 18. We can get married kahit wala ng parent's consent."

Tuluyan ng kumunot ang noo ko. "Magpinsan tayo. Parehong Gokongwei ang dala natin. How's that possible?"

Nag iba ang ekspresyon niya. Tila may gusto siyang sabihin pero di niya masabi.

"Ako ng bahala sa lahat. Presence at signature mo lang ang kailangan para makasal tayo."

Hindi ko alam ang dapat isagot. Natatakot ako sa mga oras na iyon.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Baby, please be my wife.  I love you. I'll protect you. Take care of you. Gagawin ko lahat para sa'yo."

"Pero Deandre.... Natatakot ako. Magpinsan tayo. At mali ang nararamdaman natin." Nung mga oras lang na 'yon naisip ko ang lahat. Nabulag ako sa maling pag-ibig ko kay Deandre.

Tumayo si Deandre mula sa pagkakaluhod sa harapan ko. "Do you mean that everything we have is wrong, Hermaine? Na nagkamali kang mahalin ako?"

Umiling ako. God! Alam kong mali. Alam ko na pero hindi ko 'yon maramdaman. I'm crying.

"No, Deandre!" I hugged him. Ayokong nagagalit siya sa akin. Ngunit, lumayo siya sa akin at lumabas ng kuwarto. Sinundan ko naman siya na nagtungo sa kanyang mini bar. Uminom siya ng alak.

"Deandre.... Please.. Nag-iisip ako. Hindi sagot ang pagpapakasal. Natatakot akong malaman 'to nina Daddy at Mommy."

"At hindi ka natatakot na mawala ako." Ngayon ko lang siya nakitang magalit.

"Ofcourse, I'm scared of losing you. Sa lahat ng puwedeng mangyari, iyon ang pinakakinatatakutan ko."

"Then, marry me. Magkita tayo bukas. I'll text you kung saan. Ako na ang bahala sa gown at singsing. I'll wait for you." He said bago pumasok sa kanyang kuwarto. Sinubukan ko siyang sundan pero nakalock ang kanyang pinto.

Umuwi ako ng bahay at halos di ako makatulog. Wala ako sa sarili but then I found myself sa huwes. Kaharap si Deandre at ang judge. And I heard myself.

"I do."




Nagising ako na tila binibiyak ang ulo ko sa kirot. Una kong namulatan ang puting kisame. Pamilyar ang kuwartong kinalalagyan ko, ito ang kuwarto ko sa condo ni Deandre.

I checked myself, nakasuot na ako ngayon ng damit kong pantulog. It's a white and pink one. Magkasabay pa kami ni Deandre na binili 'to nang malate siya sa dinner date namin kaya bumawi siya sa akin through accompanying me sa pamimili ng mga damit ko and ofcourse siya rin ang tagabayad.

Bumangon ako. Panaginip lang ba ang lahat?

No, you idiot! Nasa realidad ka!

Sagot ng isipan ko.

Nakahawak ako sa noo ko nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Deandre nang nakapambahay na. God! Bakit kailangan niyang mag ala model look?! Kahit pa ata basahan ang suotin niya ay ganun pa rin. Hindi mababawasan ang kakisigan niya. Ugh!

"Sino'ng nagpalit ng damit ko?"

Humakbang siya at inilapag niya sa naroong mesa ang dala niyang tray ng food.

"Kumain ka muna. Kagabi pa walang laman ang tyan mo." Mahinahon ang boses niya. Hindi mo mababakasan ang halimaw na Deandre.

"H'wag mong ibahin ang usapan. Sino----

"Ako. Wala namang ibang tao ang puwedeng magpalit sa'yo."

My eyes widened. Nag iinit ang mukha ko kaya bago pa matantya ang aksyon ko. Kinuha ko ang unan ko bago tinapon sa kanya. "Manyak ka! Ano'ng ginawa mo sa katawan ko?! Bastos!"

Ngumisi siya and chuckled. Wow! May panahon pa siyang tumawa ha!

Itinapon ko ulit sa kanya ang isa ko pang unan pero di umubra sa kanya ang pagtapon ko. Nagbounce lang. Ugh! Damn those muscles!

Pinulot niya ang mga unan bago lumapit sa akin.

"H'wag kang lalapit sa akin! Tatadyakan kita!" Pagbabanta ko. Nag-iinit ang pisngi ko.

Tumawa lang siya matapos ilapag ang mga unan. "Asawa mo ako, Hermaine kaya wala kang dapat ikahiya kung makita ko ang lahat sa'yo."

"Shut up!" Mas lalo akong namula. Hindi nga panaginip ang lahat.

Umupo siya sa gilid ko bago hawakan ang kamay ko. Hinihila ko 'yon pero ayaw niya akong pakawalan.

"Ano ba, Deandre!"

Naramdaman kong may malamig siyang sinuot sa daliri ko then I saw the ring.

"Please. H'wag na tayong mag-away." Mula sa mga kamay ko, nag angat siya ng tingin sa akin. "Babawi ako sa'yo. Babawi ako sa mga araw at taon na ninakaw sa akin. Sa atin."


Itutuloy...

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon