Chapter Two

3.9K 115 5
                                    

Ch 2



"Sweetie..." Natigil ako sa akmang pagbubukas ng pinto ng van nang hawakan ni Mrs. Gokongwei ang kaliwang kamay ko.

Kasalukuyan kaming lulan ng van at nandito na nga kami hindi kalayuan sa munting kubo. Nakikita ko na si nanay na nasa labas at nagwawalis.

"Are you really sure about this, Hera?" Matigas pero alam kong malungkot na tanong ni Mr. Gokongwei.

Hindi pinansin ng babae ang tanong at nanatiling nakatitig sa akin. "U-uuwi na po ako." Nagawa kong sabihin kahit na gusto ko na ring maiyak sa mga oras na iyon.

"P-promise me, sweetie. If you need anything." Napahikbi ang babae. "Anything, sweetheart. Just call Mom." May inabot siyang cellphone sa akin.

Umiling ako. Nanlalabo na rin ang mga paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha.

"Everyone will not agree about this." Si Deandre na mismong nasa driver seat at nagdrive para sa amin. Wala ang iba dahil nasa Maynila. Hindi ko alam kung alam ba nila na ibabalik na ako basta ang importante makabalik na ako sa pamilya ko.

"H-hindi ko po 'yan kailangan." Nanginginig maging ang boses ko.

Parang naubos ang lakas ni Mrs. Gokongwei na lumayo sa akin. Nakonsensya naman ako. Argh! "Y-yung number... Y-yung number niyo na lang po ang hihingin ko." Dagdag ko na lang kahit naiisip ko na hinding hindi ko tatawagan ang ginang.

Nagliwanag ang mukha ng babae at naglabas ng pirasong papel na may nakasulat na pangalan at number nito. "This is my calling card, sweetie. Please... Please call me."

Tumango ako bago binuksan ang pinto ng van. Mabilis akong lumabas. "Hermaine." Si Mr. Gokongwei.

"S-salamat po." Tugon ko bago isara ang sliding door ng van.

"Ana!" Sinalubong ako nang mahigpit na yakap ni nanay nang sa wakas makita niya ako. Umiyak lang ako. Pakiramdam ko parang ang tagal naming hindi nagkita.

Hinarap ako ni Nanay. She's also crying. "I miss you, Nay."

Hindi nagsalita si Nanay at umiiyak lang na niyakap niya ako ulit nang mula sa loob ng bahay lumabas si Kuya Nikko. Mukhang kagigising lang nito. Akmang lalapit ako sa kanya nang matigilan.

"Ano'ng ginagawa niya rito, Nay?!" Galit si Kuya. Tila hindi ito masayang nagbalik ako.

"Kuya---"

"Hindi ako kuya mo. Hindi ka anak---" Pinutol ni nanay ang anumang sasabihin ni kuya.

"Nikko!" Galit na sigaw ni Nanay. "Kapatid mo si Ana."

"Ano ba, Nay? Gumising na kayo. Sabihin niyo sa kanya na---"

"Walang dapat sabihin. Anak ko si Ana. Kapatid mo siya. At pamilya tayo." Nalilito na ako sa pagpapalitan ng mga salita nina nanay. Napailing na lamang si kuya saka galit na pumasok sa loob ng bahay.

Tinignan ako ni nanay at hinaplos ang pisngi ko. "H'wag mong pansinin ang kuya mo, anak. Masyado siyang nasaktan sa mga salita ng mga taong kumuha sa'yo."

Tumango ako. Then, she hugged me again. Napatingin ako sa van na kinalulunalan ko kanina, naroon pa ito. Hindi ko maiwasang malungkot. God! I shouldn't. Nandito na ako at kasama ang pamilya ko.

※※※

"Sister in law!" Mabilis kong tinago ang calling card ni Mrs. Gokongwei nang makita kong papasok ng kubo si Ro.

Roanne Louella Gomez, ang bestfriend ko. Maingay pero mabait. At may crush kay kuya Nikko. Hindi ko alam kung bakit malaki ang paghanga niya kay Kuya. Maputi, maganda at aakalain mong anghel siya kapag di siya tinamaan ng kabaliwan.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon