Chapter Three

3.7K 101 7
                                    

Ch 3


"Cool, I can't believe na kasama na natin ulit si Hermaine." Payak na ngiti lang ang sinagot ko kay Owen.

"Let's have fun. Kompleto na tayo ulit. We have our princess Hermaine." Si Cai na nasa pinakalikuran ng Hiace Super Grande na kinalulunalan namin.

"Duh! I'm starting to get jealous, Kuya. Si Hermaine lang ba ang prinsesa rito?" Nakacrossed arm naman na dagdag ni Rosetta na nasa tabi ni Cassius na tahimik lang at nakatanaw sa labas ng bintana.

"Aww. Don't get jealous, Rosetta. You  are both a princesses of Gokongwei." Nakangising sabat ni Kade.

Nanatili akong tahimik sa tabi ni Deandre bago bumaling sa windshield para tumingin sa labas.

Naalala ko sina nanay, tatay at kuya. Gusto kong bumisita sa kanila but I can't. They are not my real family. Hindi ako si ANA SANTOS.

"Umuulan nang gabing iyon nang natagpuan ka namin ng tatay mo sa gitna ng daan na tila wala ng buhay. Marahil nasagasaan ka ng kotse at natakot na panagutan pero salamat sa Diyos nang dinala ka namin rito ay buhay ka." Napahikbi si Nanay ngunit nanatili itong nakatingin sa mga mata ko. Umiiyak na rin ako. "Nang magising ka, hindi namin inaasahan na wala kang maalala." Hinawakan ni nanay ang mga kamay ko. She's shaking.

"Naging makasarili kami, Ana. Dahil sa kagustuhan naming magkaroon ng isa pang anak, nilihim namin ang lahat. Lalo pa't tuwang tuwa ang kuya Nikko mo nang dumating ka."

Dahan-dahan akong kumawala sa pagkakahawak ni nanay. Gusto kong magalit sa kanila pero hindi ko yun maramdaman. Kahit papano, niligtas pa rin nila ako. Inalagaan at pinakain.

"Tinago ka namin, Ana. Kaya maiintindihan ko kung magagalit ka sa amin. Sa akin. Pero ako na ang nagmamakaawa, anak. Tulungan mo ang anak ko. Tulungan mo si Nikko."

Umalis ako roon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung pupuntahan ko na ba dapat ang tunay kong pamilya. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ang choice na binigay sa akin Deandre. Hindi ko na alam.

"You're lost." Napaangat ako sa boses na 'yon.

Dinala ako ng mga paa ko rito sa lugar kung saan ako nakita nina nanay. Kung saan nawala lahat ng mga alaala ko. Patuloy lang ako sa pag iyak habang nakatingin sa daan na tila ba sa ganoong paraan babalik ang lahat.

Pinunasan ko ang pisngi ko bago talikuran si Deandre pero pinigilan niya ako sa paghakbang. Mahigpit niyang hinawakan ang siko ko.

"Hermaine..." Gusto kong mapaiyak sa pangalang tinawag niya sa akin. Tama. Ako si Kalea Hermaine Gokongwei.

Hinarap ko siya. Wala na akong pakialam kung umiiyak na naman ako sa harapan niya. "C-Can I... Can I go with you? M-Matatanggap niyo pa rin ba ako kahit.." Napahikbi ako. "K-kahit na hindi ko kayo maalala? Kahit na hindi ako sigurado kung ako ba ang tinutukoy niyo. Kahit na---"

Hindi na ako natapos sa pagsasalita nang yakapin niya ako. He has the warmest hug. "You are my Kalea Hermaine. You will always be."

"Hermaine!" Nagbalik ang diwa ko sa kasalukuyan dahil sa boses ni Zain.

"Shut it, Zain!" Tinapunan ni Deandre ng hawak na empty can ng cola si Zain na nasa tabi ng driver na si Andriel.

"What the fvck, man! I'm driving!" Naiinis na sagot ng nagd-drive na si Andriel.

I can't help myself but chuckled. Nang sabihin ko kay Deandre na sasama ako sa kanya pauwi, hindi ko inaasahan na sasama silang lahat. Halos madurog ako sa mga yakap ng boys. At ngayon nga, they keep talking to me kahit na pulos ngiti lang ang sagot ko.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon