Chapter Fourteen

1.6K 48 2
                                    

Ch 14




Patuloy lang ang patak ng nga luha ko habang nakatayo at nakatingin sa pangalan ni kuya na nakasulat sa lapida. Matapos itext ni Cassius kung saan ang libing ni Kuya, I was too late dahil tapos na ang libing. I didn't got the chance na makapagpaalam kay Kuya o masulyapan man lang siya. At 'yon ang masakit.

"Ana, anak..." Napabaling ako kay Tatay. I wiped my tears. "Uuwi na kami ng nanay mo sa probinsya." Sumulyap kami kay Nanay na tulala habang hawak ang picture ni kuya.

I wiped my tears again sabay sulyap ulit sa lapida ni Kuya. "Pakisabi na lang sa pinsan mo, Ana. Kay Mr. D Gokongwei na salamat sa mga tulong niya. Dito sa pagpapalibing niya kay Nikko. Hindi namin alam kung saan kukuha ng pera king hindi niya pa kami tinulungan."

I bit my lower lip. Kung alam niyo lang Tay na may kapalit lahat ng tulong ng demonyong Deandre. That damn man! Siya ang dahilan kaya hindi ko man lang nakita sa huling pagkakataon si Kuya. I wanna kill him!

I can't believe myself for loving that man. No. Scratch it. I loved him. Past tense. Masyado akong nakuha sa panlabas niyang anyo. He's a beast.

"I'm sorry, tay." Niyakap ko si Tatay. Napahagulgol na lang ako. Don't get me wrong. Naramdaman ko namang minahal ako nang higit sa inaasahan ko nina Mommy at Daddy pero minahal at inalagaan din ako nina Tatay at Nanay nang mga oras na wala ang mga nakilala kong mga magulang. Nung mga panahon na nawala ako.

"Kuya, I'm sorry... I'm sorry dahil ngayon lang ako." Naiyak na naman ako.

Ako na lamang ang naroon dahil kailangan ng iuwi ni tatay si nanay. Umuwi sila sa isang kamag anak nilang naroon.

"Gusto kong magalit sa'yo, Kuya. Bakit ka bumitiw?" I sobbed. Halos di ko na makita ang puntod ni Kuya dahil sa nag uulap kong mga mata. "Ni hindi ako nakapagpaalam man lang sa'yo. Galit ka pa sa akin."

Napayakap ako sa sarili ko bago tumingala sa ulap. Umaambon.

"Umuwi na tayo, Hermaine." Napalingon ako sa boses na iyon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Galit kong tanong sa taong kinamumuhian ko sa mga oras na iyon. Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko.

"Umaambon na. Magkakasakit ka kapag naabutan ka ng ulan dito. Hindi ka matutulungan ni Nikko kapag nangyari 'yon." Malamig na saad niya.

Tinalikuran ko siya. "Wala kang pakialam! Umalis ka na! Ayaw kitang makita."

"Hermaine... Stop acting like a brat." May inis na kalakip ang boses nito.

Inis ko rin siyang binalingan. Wow! Siya pa ang may ganang mainis! "Ano ba, Deandre?! Can't you just fvcking get out of my life forever?! I'm tired of your shits!"

Mabilis ang lakad niya na lumapit sa akin, he grabbed ny arm. "You should not say that, Hermaine GOKONGWEI." Binigyang diin niya ang apelyido ko. "You're carrying my surname, Hermaine so you can't just say that."

Piniksi ko ang pagkakahawak niya. "Fine! Kung apelyido ko lang naman ang pinagpuputok ng butsi mo, puwede naman akong bumalik bilang Ana Santos. You can have your surname, Deandre! Saksak mo dyan sa baga't lalamunan mo!"

Nilagpasan ko siya pero mabilis niya rin akong sinundan. He grabbed my arm again at kinaladkad ako patungo sa naghihintay niyang kotse. "Ano ba, Deandre? Damn you! Don't treat me like a trash! I hate you!"

Sapilitan niya akong pinasok sa kotse niya at siya na mismo ang nagseatbelt sa akin. "You don't mean that, Hermaine. And I'm not treating you a trash. I said, stop acting like a brat. You're pushing my button too much."

Matapos niyang isinara ang pinto sa gilid ko, mabilis siyang sumakay sa driver seat. "Yes, Deandre. I mean it. You're a beast! Asshole! Jerk! Ang kapal mong magpakita sa akin matapos mong itago ang tungkol sa kuya ko. Sino ka para magdesisyon para sa akin?!" Gigil kong talak sa kanya.

"Sino ako para magdesisyon? You shouldn't be asking that, Hermaine. Wala ka rin sa posisyon para tanungin 'yan. Hindi niya ako sinusulyapan, patuloy lang siya sa pagddrive. Maya maya lang pumatak na ang ulan sa salamin ng kotse.

I smirked bago tumingin sa labas. Nakalabas na kami ng sementeryo. "Ni hindi kita totoong pinsan para pakialaman ako."

Tumigil kami nang magred light. "Yes, Hermaine. I was never a cousin to you."

I froze sa pahayag niya.

※※※


"Hermaine! Hermaine! What's the problem?" Hindi ko sinagot si Mommy. Umakyat lang ako ng kuwarto ko. Nilock ko ang pinto. Thank God, hindi na nangulit si Mommy na pumasok. Marahil si Deandre na ngayon ang pinaulanan nito ng tanong.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakatago sa tokador, naiinis na pinalitan ko ang wallpaper at password. And I am about to erase lahat ng pictures namin ni Deandre when I stop. Parang namanhid ang daliri kong pumindot.

"Loving you is a big fat mistake, Deandre."

Pikit matang dinelete ko lahat ng mga larawan niya, naming magkasama.

Kinabukasan, nagpapasalamat ako na hindi na dumaan si Deandre sa bahay kaya Daddy decided na isabay na niya ako papuntang opisina niya.

"Hermaine...." Nilingon ko si Mommy. She kissed my cheek. "I'm sorry about your Kuya Nikko. D told me that you're mad at him kaya hindi ka niya maihahatid ngayon but baby... Nagawa lang ni D na h'wag sabihin sa'yo ang totoo because your doctor suggest na h'wag kang bigyan ng alalahanin. Makakasama 'yon sa'yo. Sweetheart, gusto ka lang alagaan ng pinsan mo."

Tumango lang ako kahit gusto kong umapila. Para sa akin, Deandre should tell me pa rin. May karapatan ako. Namatay si Kuya for God's sake!

Nang magkaroon ako ng vacant time, pinuntahan ko ang band room kung saan naroon ang banda ni Cassius nagp-practice.

"Hermaine..." Tanging mga bandmates lang ni Cassius ang naroon. Wala doon ang pinsan ko at si Ro.

"Wala si Cassius." Sagot ng isa sa kanila na may hawak ng guitara.

"Si Ro?" Hindi rin nila alam.

Laglag ang balikat na umalis ako roon. Wala si Ro sa libing ni Kuya Nikko. Sabi naman ni Tatay, wala rin ito nung mga nakaraang araw. Huli nila itong nakita nung mawalan ng buhay si Kuya sa ospital.

Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko ang pagtawag ng pamilyar na boses. "Ana..."

Hinanap ko ang nay-ari. "K-Kendrick.... Ano'ng ginagawa mo rito?"


Itutuloy...

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon