Chapter Eighteen

1.7K 48 6
                                    

Ch 18

"Hi." Nanlaki ang mga mata ko nang ilapag ni Kendrick ang tray ng pagkain niya sa mismong mesa ko. It's my lunch break at mag-isa lang akong kumakain.

Nilibot ko ang paningin sa paligid, hindi nakalagpas sa akin ang pagbubulungan ng mga roon. Ofcourse, this is the first time na nakita nilang may naglakas loob na kumausap sa aking lalaki. Masyado kasing mahigpit ang mga pinsan ko sa amin ni Rosetta lalo na si Deandre.

"Celebrity ka ba rito?" Maging siya ay napansin ang pagiging center ng atraksyon ko roon. Ofcourse, walang alam si Kendrick na ako si Hermaine. "They're looking at you."

Namutla ako. "H-hindi ah. B-baka sa'yo."

I need to go. Ayokong makita na naman kami ni Deandre at lalong ayoko ng mainvolve si Kendrick sa family issues ko.

Nilapag ko ang kutsara ko bago tumingin sa relo then sa kanya. "Sige, Kendrick. I have to go. May klase pa kasi ako." I stood at hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng canteen.

"Wait, Ana!" I stopped at nilingon si Kendrick na humabol pala. Lumapit siya sa akin pero napaatras naman ako ng konti.

"B-bakit?"

"Iniiwasan mo ba ako?" Magkasalubong ang mga kilay niya.

Tumawa ako ng peke. "Bakit naman kita iiwasan? Kendrick, may klase lang ako kaya kailangan ko ng umalis."

"Kung di mo ako iniiwasan, samahan mo akong bisitahin si Nikko. I want to visit him."

"Pero Kendrick----"

"Please, Ana. Beside, hindi ko alam kung saan siya nailibing. Please."

Napabuntong hininga na lamang ako. "Fine. Mamaya. Pagkatapos ng klase ko."

Naglabas siya ng cellphone. "Number mo nang matawagan kita. At hwag mong idahilan na wala kang cellphone dahil alam kong meron."

Ngumisi na lang ako bago inabot ang cellphone niya at nilagay roon ang number ko. "Bye, Kendrick." I said bago siya tuluyang talikuran.

Maagang natapos ang klase ko dahil na rin sa nalalapit na foundation week kaya ang karamihan sa mga professors ay abala at nagbibigay na lamang ng projects para pagkaabalahan namin.

Namutla ako nang magring ang cellphone ko at mabasa ang pangalan ni Deandre sa LCD.

"What did that bastard told you?" Malamig na salubong niya agad nang sagutin ko ang tawag niya.

Tinignan ko ang paligid. Oh my God! Pinababantayan niya ba ako?!

"How did you know? Pinababantayan mo ba ako?!" Inis kong sagot.

"I'm not. Everyone's talking about it. You are Hermaine Gokongwei, Hermaine. A GOKONGWEI. Lahat ng aksyon mo sa unibersidad ay binabantayan ng mga estudyante!" He's talking na para bang pinopoint out niya na isa akong cheating wife! For God's sake!

"So what, Deandre?!" Naiinis ako. "Hindi ibig sabihin na Gokongwei ako ay hindi na ako makikipag usap. Kendrick is my friend kaya kung may iniisip silang masama sa amin then, be it! I don't care!"

My eyes widened nang may marinig akong binasag or something. "Where are you?" Huminahon ang boses niya pero mahihinuha pa rin na galit siya.

"Eh di itanong mo sa mga estudyante. Tutal naman alam na alam nila ang buhay ko. Tutal naman lagi nila akong pinag uusapan. Might as well ask them where am I!" Inis kong pinatay ang tawag niya.

Saktong pagpatay ko ng tawag ni Deandre ay siya namang tawag ng unknown number. Tinitigan ko ang numero ng caller bago sagutin. "H-hello?"

"Ana. It's me. Kendrick. Where are you? I'm sorry. May klase ka ba? Did I disturb you?"

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon