Chapter Seven

3.2K 82 11
                                    

Ch 7



Roanne Louella Gomez's POV

"So, ano'ng pag uusapan natin?" Taas ang isang kilay while nakacrossed arm na tanong ko sa.. Teka, I don't know his name yet. Anyway, I'm not interested naman.

Payak siyang natawa. "Why don't we sit first? Let's eat."

Napatingin ako sa relo bago sa kanya. "Ikaw ang magbabayad? Matakaw akong kumain. Teka, baboy ka ba? Kanina ka lang kumain ah."

Natawa siya ulit. This time, kumunot na ang noo ko. Baliw ba siya? Kanina pa siya tumatawa. "Yes. My treat. Sigurista!" Napangiwi ako nang itaas niya ang pula niyang tshirt at pinagmalaki ang abs niyang nakakasuka. "May baboy bang may abs?" He said smirking.

Inirapan ko lang siya bago puntahan sa cashier ang boss ko. Nagpuppy eyes ako. "Boss, absent muna ako ah?"

Ngumiti lang si Boss. "Basta ikaw Ro."

Nag 'Okay' sign ako bago humarap sa ga-- I mean pinsan ni A nang mahuli ko siyang nakakunot noo. "Ano'ng problema mo?" Nauna na akong naghanap ng mauupuan at umupo. Hindi ko na siya hinintay na umupo at nagtawag na ako ng waiter na kilala ko rin saka nag order. "Ikaw, anong sa'yo?" Tanong ko na para bang ako ang magbabayad nang sumunod din naman siya sa akin.

"Just a glass of wine." Sagot niya na nakakunot noo pa rin bago umupo kaharap ko.

Umalis na ang waiter pero di na siya nagsalita. Aba't inimbita siguro ako para ilibre lang. Eh di mabuti. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para sana itext sina nanay kung ano'ng ulam ang gusto nila since may sampung libo ako ngayon.

"Alam mo, ang manhid mo! Hindi mo ba napapansing naiinis ako sa'yo?" Halos atakehin ako sa puso sa biglang pagsasalita niya. "Sino'ng katext mo?! Yung Nikko?!"

"Aba't hoy! Wala akong pakialam kung mamatay ka sa inis sa akin. Sino bang nag imbita sa akin na kumain?! Tsk! At saka mind your own business, puwede?! Natural na it-text ko ang asawa ko." Argh! Take a breathe, Ro! At baka maging kamatis ang sampung libo mo. Urgh! Bat kasi ang tagal ng isang oras?!

"Damn!" He cussed at napatayo na.

Napatayo na rin ako. Aba't iiwan ata ako ng hindi siya nagbabayad sa inorder ko at hindi ako binabayaran. "Hoy! Saan ka pupunta?!" Hindi ko na alintana ang mga taong tumitingin sa amin. Mas mahalaga sa akin ngayon ang sampung libo kaysa hiya.

Naabutan ko siyang nasa labas na ng restaurant. "Hoy! Bayaran mo muna ako at ang inorder ko bago ka magwalk out!"

Nilingon niya ako. "You're impossible." Napapailing na kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang wallet nang mula kung saan may dumukot. "What the heck!" Ngayon ko na narealize na wallet ang nadukot sa kanya. Argh! Ang ten thousands ko!

At dahil pera ang nasa utak ko, mabilis kong hinabol ang magnanakaw. "Shit, Ro!" Dinig ko pa ang sigaw ng lalaki pero nagpatuloy ako sa paghabol.

"Hoy, gago ka! Ibalik mo 'yang wallet! I promise talaga, kukulamin kita hanggang sa kaapu-apuan mo kapag di mo yan binalik sa akin!" Sigaw ko sa magnanakaw. "Tulong! Tulong! Yung magnanakaw, ninakaw ang ten thousands ko!" Sumigaw na ako habang naghahabol pa rin sa gagong magnanakaw.

"Ro! Ro! Don't chase him! Stop chasing!" Nagawa ko pang lingunin ang tumatawag sa akin habang tumatakbo. Yung pinsan ni A na nakasunod pa rin sa akin. Binalewala ko ang lalaki at nagpatuloy sa paghabol. Nagsimula na akong mataranta nang nakakalayo na siya. Mabilis akong nag isip at hinubad ang sapatos ko bago ibato yun sa magnanakaw.

Boom! Bull eyes si Manong magnanakaw!

"Bugbugin ang lalaking yan. Nanggahasa siya ng matandang babaeng virgin!" Sigaw ko habang nakaturo sa lalaki. At bago pa siya pagsugurin ng mga tao, mabilis ko ng naagaw ang wallet.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon