Chapter Fifteen

1.6K 53 2
                                    

Ch 15


"Ana... Kumusta?" Malawak ang ngiti niya habang palapit sa akin. "Dito ka pala nag-aaral. We're schoolmates, then."

Tipid akong ngumiti. "Okay lang. Mmm. Oo, dito ako nag-aaral."

Akmang hahawakan niya ako sa pisngi pero napalayo ako. "S-sorry." Aniya na tila napahiya. "Kat-transfer ko lang. Dito kasi napiling magtransfer ni Mollie." Lumungkot ang boses niya. "Napaaway siya sa dati naming school."

Hinanap ng mga mata ko ang matalik niyang kaibigan. "Sa tingin ko, hindi magandang mag-usap pa tayo, Kendrick. Ayoko ng gulo."

Nalungkot naman ang ekspresyon niya. Hindi na ako nakalayo nang sinubukan niyang abutin ang braso ko. "Ako na ang humihingi ng sorry para kay Mollie, Hermaine. Masyadong depress lang siya dahil sa sakit niya but don't worry..." Bumaba ang kamay niya sa aking kamay. "Nasa probinsya siya ngayon. Puwede mo ba akong samahan kumain? You know, same old days."

Gusto ko sanang tumanggi but...

"Please, Ana. I miss you so much." He said pleading.

Hindi na ako nakaapila nang hilain na niya ako palabas ng university. "Teka lang, K-Kendrick. Di ako puwedeng lumabas saka may klase pa ako."

Huminto kami sa gate. Tinignan niya ako. "Ano'ng oras ang klase mo?"

Tumingin ako sa relo. "May 30 minutes pa ako." Nag angat ang tingin ko sa kanya. Then, tinuro niya sa akin ang lalaking nagtitinda ng fishballs.

Napangiti ako. Nung nakaraang araw, parati nga akong kumakain nang mag isa ng fishballs since mahirap hagilapin si Ro at di naman kumakain ng street foods ang mga pinsan ko.

"Come. Libre kita." Excited niya akong hinila papunta roon bago niya kinuha ang wallet at nag abot ng isang libo kay Manong.

"Siguro naman, mabubusog ka na ng isang libo para sa fishballs." Natatawa siyang tumusok ng fishball at walang arte na kinain 'yon.

Napaawang ang labi ko kaya siya na mismo ang nagsubo sa akin. "K-kendrick!" Nag init ang pisngi ko.

"Kumusta si Nikko?" Natigil ako sa pagkain ng fishballs kaya natigil rin siya nang mapansin ang reaksyon ko.

So, he didn't know. "Wala na si Kuya, Kendrick."

"A-ano? A-ano'ng wala, Ana? Umalis siya? Where did he go?"

Malungkot akong umiling. Sumulyap ako sa mga estudyanteng papasok na ng universidad. "May sakit si Kuya kaya nakarating kami dito sa syudad. Hindi kaya ng mga doctor lunasan ang sakit niya sa probinsya."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. "Bakit di mo sinabi sa akin?" May inis sa boses nito.

Mapait akong ngumiti bago bumaling sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan dahil wala siya sa mga oras na kailangan siya ni kuya. Nung mga panahon na humingi ako ng tulong sa kanya pero wala akong karapatan. Wala siyang responsibilidad kay kuya. "Wala ka sa probinsya ng mga panahong 'yon, Kendrick. Pumunta ako sa inyo para humingi ng tulong pero pinagtabuyan ako ng mama mo."

Bumitaw siya sa akin at natulala. "I-I'm sorry, A-Ana. God! I'm so sorry."

Tumingin ako sa ulap nang magbadya ang mga luha ko. Pinunasan ko ang mga mata ko bago balingan ang fishballs. "There's no point na balikan pa ang mga 'yon. Nangyari na."

Tumusok ulit ako ng fishball at kinain 'yon.

"Sa probinsya ba siya nilibing? Saan ka humingi ng tulong? Doon ba sa lalaking sumundo sa'yo nung huli tayong magkita?"

Tumango ako. Naalala ko ang huling nangyari sa pagitan nila ni Deandre. It was a very bad thing. "Dito lang." Iniisip ko kung sasabihin ko pa ang tungkol sa ugnayan namin ni Deandre but I decided na hindi na kailangan. "Yes. He helped me." Simpleng dagdag ko.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon