Chapter Twenty Four

1.6K 65 6
                                    

Ch 24

"Ano pang ginagawa mo dito?" Hindi ko inaasahan na naroon pa si Deandre.

Umalis na ang mga nakilala kong mga  magulang at akala ko sumama na siya sa kanila.

"Kumain ka na ba?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Wala kang pakialam!" Pigil ko ang sarili kong tanungin siya kung nandoon din ba ang iba ko- I mean mga pinsan niya.

Nakaupo lang ako sa hospital bed at nakatulala nang dumating siya. Ni hindi ko maramdamang nagugutom ako kahit na kaninang umaga pa ako walang kain.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at sumulyap na lamang sa labas ng bintana. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko pagkatapos nito. Naiwan ko pa ang bag ko sa mansyon, naroon lahat ng pera ko.

"Eat." Walang ganang utos ni Deandre bago umupo sa gilid ko. May hawak itong mangkok na naglalaman ng porridge.

"Wala akong gana." Sumulyap ako ulit sa bintana.

"Hindi mahaba ang pasensya ko tulad nina Tito, Hermaine. H'wag mo akong pilitin. You know me well kapag galit ako."

Hindi ko na kilala ang Deandre na nasa harapan ko. He used to be sweet and patient of me. Hindi na siya ang Deandre ko. "Yes, you're a beast now. A monster. And I hate you so much."

Nagulat ako nang itapon niya ang mangkok sa haligi ng kuwarto. My eyes widened with shock. Natatakot ako sa klase ng galit sa mga mata niya.

"Yes, sweetheart. I AM NO BEAST. I AM MORE THAN THAT!" Sigaw niya. "You can hate me for as much as you want, Hermaine! BUT I DON'T CARE!" Kumuha siya ulit ng mangkok at padabog 'yong nilagyan ulit ng porridge bago ilagay sa mesa na nasa gilid ko. "Eat. Or else..." May pagbabanta sa boses niya.

I bit my lower lip. Wala akong nagawa kundi kunin ang mangkok at tamad na kumain.

"I'm... I'm sorry." Natigil ako sa pagsubo ng ikatlo kong subo. Nag-angat ako ng tingin sa kanya and I found him sa gilid ko. Huminahon ang feature ng kanyang mukha. Hinawakan niya ang aking pisngi bago punasan 'yon. Lumayo ako at hinawakan ang pisngi ko. I'm crying. God!

"Did I scared you? I'm sorry." Sinubukan niya akong lapitan ulit ngunit pinigilan ko siya.

"Please, Deandre. Iwan mo muna ako. I'm fine. Just leave. Kakain ako, don't worry."

Tumango siya then left me.

※※※

"Hello, Miss Gokongwei." Bati sa akin ng pumasok na nurse.

"It's Velasquez, Miss." Pagtatama ko. Ngumiti ng pilit ang babae. "Na'san na ang mga pinsan mo?" Tanong nito matapos kunin ang BP ko.

"Hindi ko sila pinsan." Pagtatama ko na naman.

"Ah. So, asawa mo na lang ang kasama mo dito? Ang guwapo ng asawa mo. Ang swerte mo te!" Daldal ng nurse.

Kumunot ang noo ko. "Sino'ng asawa? Wala akong asawa, Miss."

Napasimangot na ang babae. "Nag-away kayo? Naku, girl. Makipagbati kana. Aagawin ko talaga asawa mo kapag naghiwalay kayo."

Nainis na ako. "Wala nga akong asawa!"

Tuluyan ng napasimangot ang nurse at di na lang ako pinatulan. Lumabas na ito ng kuwarto.

Tumayo naman ako para umihi. Medyo makirot pa ang mga sugat ko pero okay na.

Matapos kong umihi, naisipan kong maglakad lakad sa labas. Hindi ako makahinga sa loob ng kuwarto, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sagutan namin ng mga nakilala kong mga magulang.

My Amnesia Wife ( Just Another Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon