Pictures of Death-
Yanna's P.O.V
"Malapit na...ang pag danak muli ng dugo." Pabulong niyang sabi na tama lang upang marinig ko. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Pag danak muli ng dugo? Ano ba yung nalalaman niya sa mga nangyayari? Sino ba siya?
Nanahimik na yung klase no'ng dumating ang Prof. naming wala nang nag susuntukan wala ng magulo tila ba mga anghel na nahimik sa pag dating ng kinakatakutan nila. Palaisipan parin saakin kung ano ba yung ibig sabihin ni Lyka kung ano ba yun? Muli? At dapat malaman ko na rin kung sino sila. Sino ba yung may pakanan ng mga to Kung sino ba si Lyka, Christine at Ivan sino ba sila? At kung ano ang kinalaman ni Miss. Principal at kung bakit gusto niya nalamang ako'ng manahimik sa mga nalalaman ko. I should stop this before it's too late. At ano yung ibig sabihin ng sulat na natanggap ko? Para saaming lahat ba yun?
RIIIIIIINNNNNGGGG!
Hudyat na uwian na kami hudyat na tapos a ang klase. "Salamat naman at makakaalis na ako sa Impyernong to." Dinig kong wika ng guro namin sa unahan umalis na siya at ang iba naman ay umalis na. ako at sina Renz nalang yug naiwan.
"Yanna ano tara na?" tnong saakin ni Hanna tumango nalamang ako pero yung tingin ko nakasunod kay Alex.. sino ba yung kapatid ni Alex na nasawi sa nangyari?
"Hey.." tawag saakin ni Renz "Hmm.Tara na uwi na tayo." Pag aaya ko nalamang, Isang sasakyan na lamang yung ginagamit namin isang driver para mabantayan yungisa't isa. Nasa parking lot na kami nakita ko si Alex na nasa isang sasakyan na papaalis na ata.
"KUYA!" may sumigaw na batang babae na nakaagaw ng atensyon niya at atensyon ko.
"Ow? Alexis bakit ka nandito?" tanong ni Alex sa bata at binuhat niya ito ngumiti lang si Alexis at yinakap si Alex.
"Kuya.. na miss lang kita kelan ba pwedeng umuwi sa bahay natin? Na mi-miss ko na kayo nina Ate Alexie eh." Napawi ang ngiti ni Alex sa nabanggit na pangalan. Alexie? Nakapamilyar na pangalan. "Ah.si Ate Alexie mo, uhmm busy kasi siya ngayon eh tyaka makalat yung bahay siguro next time nalang kapag maayos na ang lahat." Paliwanag naman ni Alex sa kanyang kapatid.
"Talaga kuya? Promise mo yan ah. Pag naayos na yung bahaya at hindi na busy si Ate pwede ng umuwi?" tanong ng batang si Alexis.
"Oo, pwedeng pwede na." sabay tap ni Alex sa ulo ng bata. May dumating na babae mas matangkad kay Alex maganda mahaba yung buhok pang modelo yung tindig napakaganda niya. Siya ba yung Mommy nina Alex?
"Tita Athena.." wika ni Alex at ngumiti naman yung babae Tita niya pala ito nasaan kaya yung mga magulang nila? "Tita Athena!'' masayang tawag ni Alexis sa Tita nila. "Alexis, sweetie. Punta ka muna kay Tito Tan mo ah, Mauna kana sa kotse natin kakausapin ko pa yung Kuya Alex mo. After namin mag usap bibili na tayo ng mga books mo." Wika ng Tita nila sa batang si alexis na masayang sumunod at pumunta sa isa pang sasakyan.
"Alex.. kumusta na? kailan ka ba uuwi sa bahay?" tanong ng Tita niya.
"Tita.. Malabo pa po e. Thank you po sa pag aalaga kay Alexis." Sabay ngiti ni Alex.
"Kayo pa ba. Eh parang mga anak ko narin kaya kayo kaya welome na welome kayo sa bahay. Basta alagaan mo yang sarili mo ha. Wag na wag mong ipapahamak yung sarili mo ha? Tandaan mo andiyan pa si Alexis hinihintay ka." makahulugang wika ng kanyang Tita, tumango nalamang siya at yinakap siya ng kanyang Tita. "Tita, bantayan niyo po si Alexis ha. Wag na wag mo pong papabayaan si Alexis. Salamat pos a lahat'lahat. Kayo na po bahala sakanya kung sakaling---" hindi niya na natapos yung sasabihin niya ng putulin ion g Tita niya.. "Ano ka ba Alex! Wag ka ngang magsalita ng ganyan para kang nag papaalam eh. Wag kang mag alala babantayan namin siya at ikaw rin mag iingat ka ha?" ngumiti lang siya "Opo! Ingat Tita!" paalis na ang kanyang Tita at nag paalam na rin si alex.
BINABASA MO ANG
Demons High
Mystery / Thrillerlahat ng tao may tinatagong lihim sa loob at labas. Dito sa school nato makikita ang mga taong may mga lihim na tinatago Ano nga ba nag lihim na iyon? sino nga ba sila? ano ang mabubuo sa paaralan na ito? Mabago kaya nila ang NOON? na dapat ay hindi...