CHAPTER 2
"Kuya bukas may aakyat ng ligaw kay Sharlene. Francis ang pangalan" sabi niya kay Kuya Paul, kasama niya ito sa bar na pag-aari nito.
"Pangit ang pangalan. I will surely not like him" balewalang sabi nito
"Kaibigan ko si Francis. He's really a nice guy. Mabait, matalino, mayaman at marami pang iba" ginaya niya lahat ng sinabi ni Sharlene sa kanya. Napalingon naman ito sa kanya at agad siyang tinaasan ng kilay
"And Sharlene really likes him. Try to know Francis, magugustuhan mo siya" dagdag pa niya, napansin niyang parang hindi nagugutuhan ni Kuya Paul ang sinasabi niya. He doesn't like it either but he's doing this for Sharlene to be happy.
"Tanga ka ba Jairus?" parang naiinis na anito na ikinagulat niya
"Tanga agad Kuya? Bakit naman?"
"I'm 28 Jairus, may asawa at anak na ako... hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bulag. Kaliwa't kanan ang naging girlfriends mo pero ang kapatid ko ang mahal mo" diretsong sabi nito na mas ikinagulat niya. Hindi naman niya kahit kailan inamin kay Kuya Paul ang nararamdaman niya kay Sharlene. Natigil siyang saglit at nang nakabawi siya ay bahagya siyang tumawa
"Bata pa lang kami yan na ang ipinipilit mo Kuya, i'll repeat it to you, hindi kami talo ni Sharlene... she's my bestfriend at tinutulungan ko lang siya" sabi niya. Napailing naman ito sa tinuran niya
"Mag ee-eight years na kami ni Rachel. Naalala ko lahat ng nangyari nung araw na 'yon. That day was my and Rach first date. I remember how you looked at my sister back then, you were looking at her as if she's the most beautiful girl you've ever seen in your life and she was just 11 back then, still a kid and you were a kid too, but i wasn't. 20 years old ako noon at wag na wag mong masabi-sabi sa akin na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya dahil alam nating dalawa na hindi ganoon yun. You love Sharlene Jairus, don't fool yourself..."
Tinamaan siya sa sinabi ni Kuya Paul, natatandaan din kasi niya ang araw na iyon. Ang araw na unang tumibok ang puso niya para sa bestfriend niya... pero ano pa ang magagawa niya? Hindi pwede, hindi siya pwedeng maging dahilan ng pagiging malungkot ng babaeng mahal niya. And Sharlene will be really sad pag hindi pumasa si Francis kay Kuya Paul. He should do something.
"Kuya tama na..." sabi niya pero hindi naman ito tumigil
"Nakita ko kayong lumaki. I saw you breaking up with your girlfriends because my sister asked you to, i even saw you court girls just because my sister asked you again. Lahat ng ginagawa mo para sa kapatid ko, para maging masaya siya..."
"Kuya tama na, parang awa mo na..." halos pabulong na sabi niya
"20 ka na din ngayon, nung 20 ako ginawa ko din ang lahat para mapasaya si Rachel pero kahit kailan hindi ko naisipang ipamigay siya"
"Sharlene really likes Francis" aniya at nakaramdam na naman siya ng kirot. Why does it needs to hurt this much?
"You'll regret this Jairus" ulit nito. He know he'll regret this pero ano pa ba ang magagawa niya?
"She'll be happy though. It's worth it" sagot naman niya
"She'll be happier with you. Hindi ka ba nagtataka bakit kahit kailan walang pumasa sa akin na manliligaw ni Sharlene? It's because all this time ikaw lang ang naisip kong pwedeng maging boyfriend ng kapatid ko. Ikaw lang Jairus"
Napayuko siya sa sinabi nito. If only Sharlene thinks the same, pero alam niyang malabo iyon. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin sa kanya ni Sharlene. At tanggap na niya iyon.
"Fine, pagbibigyan ko kayo ni Sharlene, i'll let Francis to go to our house, i'll probably let him court my sister too pero bibigyan din kita ng pagkakataon na magbago ang isip. You know what time pupunta sa bahay namin si Francis 'diba? Pag pumunta ka din it means you're fighting for what you feel for my sister, pag pumunta ka hindi ko papayagan ang Francis na iyon na ligawan si Sharlene at ikaw ang papayagan ko..."
Napatingin siya dito. He's tempted. He really is. Pero ano ba ang laban niya sa isang Francis Magundayao? Wala 'di ba?
"Pag-isipan mong mabuti Jairus. Wag na wag mong ipamimigay ang isang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba"
---
He had been restless all day. Hindi siya mapakali. He knows he needs to do something but he's just unsure of what to do. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula at kung paano siya magsisimula. Para na siyang tanga, it's just Sharlene afterall, ang bestfriend niya pero hanggang ngayon hindi pa din niya alam kung ano ang tama at dapat gawin. Ang alam lang niya ay mauubos na ang oras niya at nakakaramdam na siya ng takot dahil wala pa siyang nagagawa.
"Pag-isipan mong mabuti Jairus. Wag na wag mong ipamimigay ang isang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba"
Naalala na naman niya. It's Kuya Paul's fault. Handa na siyang isuko si Sharlene kay Francis, handa na siyang magparaya para lang maging masaya ang babaeng mahal niya pero ginulo ni Kuya Paul ang lahat. He said Sharlene will be happier with him, binigyan pa siya nito ng pagkakataon para makapili. He's been given a chance to choose who's the right guy for Sharlene, kung siya ba o si Francis.
Napabuntong hininga siya at tiningnan ang orasan. 3:30 na ng hapon at 4:00 pm ang punta ni Francis sa bahay ng mga San Pedro. Panic. That's all he feels right now, may 30 mins na lang siya para mag decide kung ibibigay ba niya si Sharlene sa iba, 30 mins na lang at pwedeng magbago ang takbo ng buhay niya. Kaya nga ba niyang isuko ang iningat-ingatan niyang pag-ibig para kay Sharlene? Kaya nga ba niyang makitang may iba nang may hawak sa babaeng mahal niya?
"Tanga! Wag ka nang tumingin sa orasan! Pag traffic patay ka! Mawawala na si Sharlene sa'yo!" biglang sigaw ni Benjamin, nagulat siya at biglang tumakbo palabas ng bahay ni Benjamin, nandito kasi siya ngayon para humingi ng payo sa dapat gawin.
"Mag MRT ka tapos tumakbo ka na lang!" pahabol pa nito
Tanga! Sigaw niya sa sarili. Bakit ba di niya naisip na kailangan pa nga niyang mag commute para makadating sa bahay nila Sharlene?
Nang makasakay sa MRT ay nagpunas siya ng pawis at marahas na hinagod ang kanyang buhok. Nakapagdesisyon na siya. Somehow he needs to tell her the truth. He can't just lose without even trying. For so long he had kept his feelings for her because of fear, dahil natatakot siyang hindi siya nararapat para dito. But if her perfectionist brother thinks he is worthy, baka naman kahit katiting ay may pag-asa siya kay Sharlene.
He has to tell her now or he will never get rid of what ifs and if onlys all throughout his life. Sasabihin na niya kay Sharlene na mahal niya ito. Ipaglalaban na niya ang nararamdaman niya para dito! The hell with 'Matalino, gwapo at mayaman' Isang taon na lang din naman at magiging engineer na din siya. He can be Sharlene's perfect guy too!
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?