LWUT CHAPTER 19

484 24 5
                                    

Chapter 19

It's been weeks simula nang umamin sa kanya si Jairus and she can't hide how happy she is.

Masaya siya. Masayang masaya. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay lagi siyang nakangiti dahil kay Jairus. Matagal na niyang alam na special siya dito dahil trinatrato siya nito na tila isang prinsesa, pero iba na ngayon. She feels like a queen... katulad ng sinabi nito sa kanya.

Tuwing umaga ay nagigising siya ng may tatlong text sa cellphone niya.

Kinuha niya ang cellphone at isa isa itong binasa. Kinikilig talaga siya, she's so lucky to have someone like him

11:45 pm

Ayan. Di ka na naman nagreply. Sabi naman kasi sa'yo pag inaantok ka na matulog ka na. Ayokong napupuyat ka. Anyway goodnight my queen :) Kahit bukas mo na ito mababasa sweetdreams pa din, sana magkita tayong dalawa sa panaginip para pati sa panaginip mo papatunayan ko na mahal na mahal kita.

Anyway sana pala tinawagan kita, alam kong medyo cheesy na ako at kanina lang tayo nagkita pero miss na kita, i miss your voice. Ewan ko ba, kinulam mo siguro ako kasi di ka ba maalis sa isip at puso ko.

I love you Sharlene. Goodnight & sweet dreams :* <3

Ganito lagi ang unang nababasa niya, palibhasa kasi lagi niya itong tinutulugan kaya sa umaga na niya nababasa ang goodnight message nito. Hindi niya alam pero lagi itong may bagong nasasabi sa kanya. Sobrang overwhelmed sa pakiramdam ang mga nababasa niya galing dito. Mahal na mahal siya nito at hindi niya napigilan ang mahalin din ito.

Yes she love him. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman niya pero sigurado na siya. Mahal na niya si Jairus.

1:43 am

MAHAL KITA.

Yan naman ang pangalawang nababasa niya. Simula nung umamin ito sa kanya ay araw-araw itong nagsesend ng 'MAHAL KITA' tuwing 1:43 am. Nung tinanong niya kung bakit ay sabi nito na ang 143 daw ay ibig sabihin ay 'I LOVE YOU'. That's what effort means for her. She checked his phone days ago at nakita niyang may alarm ito ng 1:35 am. Kahit pagod ito galing sa gig or may inaayos na thesis ay lagi pa din itong nagigising para sakto siyang bigyan ng 'MAHAL KITA' na message sa ganoong oras. How can she not love him?

6:00 am

Goodmorning queen :) Sana masarap ang naging tulog mo. Susunduin nga pala kita kasi miss na kita. Love you nga pala :*

Ganyan naman ang pangatlo. He always sends her a goodmorning text. At bukas sa goodmorning text nito ay sasagutin na niya si Jairus

She wants it to be official. Gusto niyang maging girlfriend nito. She wants to own him and be owned by him.

"Nagseselos ako sa kasiyahang nakikita ko sa mga mata mo"

Nagulat siya at biglang tinago ang cellphone niya sa bag niya bago hinarap si Hannah

"Hannah..." medyo nagaalinlangan na sabi niya. Nasa gym nga pala siya at nagprapractice ang volleyball team she shouldn't be using her cellphone

"Ano bang meron ka na wala ako?" dagdag nito at kita niya ang sakit sa mga mata nito. Alam niyang may nararamdaman ito kay Jairus pero wala naman siyang magagawa hindi ba? Sa pag-ibig laging may nasasaktan.

"Hannah..."

"Hindi ko kasi talaga magets Sharlene..." anito at nakita niyang may munti nang butil ang namumuo sa gilid ng mga mata nito. "I'm prettier than you, mas matalino din ako, mas magaling din mag volleyball... mas mayaman ka lang pero hindi naman mukhang pera si Jairus" nagsimula nang tumulo ang luha nito at naawa na siya dito. Mabait si Hannah, pero mahal na niya si Jairus, hindi niya kayang ipamigay ito.

"You're a brat. Hindi mo alam kung anong ibig sabihin na maghirap para makuha ang mga bagay-bagay. Lahat ng gusto mo inihahain lang sa'yo. It's unfair kasi Sharlene eh. Ano ba ang nakita niya sa iyo?" dagdag pa nito sabay punas sa mga luha nito. Bumibigat na din ang kalooban niya.

"We grew up together Hannah. He saw the best & worst in me"

"Alam ko. Pero hindi nun mababago ang katotohanang he doesn't deserve someone like you. Jairus deserves someone better. Ano ba ang kaya mong gawin para sa kanya?"

"Hannah naman eh" sagot niya at tumulo na din ang nga luha niya. Totoo kasi ang mga sinasabi nito.

Umiyak sila ng umiyak. She can see how hurt Hannah is, pero nasasaktan din siya. Truth f*ck*ng hurts!

Maya-maya ay hinawakan nito ang mga kamay niya at tiningnan siya ng diretso sa mga mata niya.

"P-pero... mahal ka niya. Mahal na mahal ka niya and i want him to be happy. Kaya Sharlene sana mahalin mo siya katulad ng pagmamahal na ibinibigay niya sa'yo. Be the girl he deserves. Be happy together" sabi nito sabay alis. Naiwan siyang mag-isa habang umiiyak.

---

Wala sa sariling dumating siya sa bahay, ni hindi siya nakipagkita kay Jairus dahil bigla siyang naguluhan. She loves Jairus pero sapat na ba iyon? Hanggang kailan nga ba sapat ang pagmamahal lamang?

Natatakot siya. Fear is eating her alive. Tama naman kasi si Hannah. Jairus deserves someone better than her, isang babaeng matalino, mabait, magalang, hindi kapritsosa, hindi brat, hindi isang babaeng tulad niya. Ano nga ba ang nagawa niya para kay Jairus? May nagawa na ba siya katulad ng ginawa nito para sa kanya? Meron na ba? Wala.

Sumikip ang dibdib niya. Is she that selfish? Kaya ba niyang ikulong si Jairus sa isang relasyon na hindi nararapat dito?

Tumulo na naman ang mga luha niya. Bakit kasi ganito siya? Bakit hindi siya nararapat dito? Jairus deserves someone like Hannah.

Kinuha niya ang unang picture nila ni Jairus na nakadisplay sa kwarto niya. Tiningnan niya ito at mas humagulgol siya. Nakapgdecide na kasi siya. She'll not be selfish anymore.

Ibibigay kita sa taong nararapat sa'yo. Mahal na kita Jairus.

---

AN:

Last Chapter na ang susunod! Ang cute ng mga pictures ng MYX. Anyway alam naman nating lahat na kasama sila sa #TheNewMyx diba? Pero nakakaiyak pa din na VJ JAIRUS & VJ SHARLENE na sila. Grabe! Nakakaproud. Sana tuloy tuloy na ang mga blessings sa kanila. After Wansa and WIOS sana yung susunod isang #JaiLeneSerye naman. Let's pray for them! Let 2016 be their year.

PS: Wag nang pansinin ang mga hindi marunong rumespeto. Karma is a bitch naman, kung ganyan sila asa naman silang magbabalik pa ang gusto nila. Palibhasa di nila alam na yung mga ginagawa at sinasabi nila nakakasakit na.

Sabi nila gawin din natin ang ginagawa nila. Buti na lang mas educated tayo at di tayo kasing babaw nila. Keep up what you're doing minions. Be respectful. Kaya binibiyayaan ang #JaiLene eh, kasi mabait tayo #chos at mabait sila :) God Bless Minions

Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon