Chapter 8
"Kuya galit ba siya?" salubong niya sa kapatid ng nakita niya itong bumaba ng hagdan. Sinadya niyang puntahan ito dahil gusto niya munang malaman ang nangyari kagabi sa gig.
"Sino?"
"Si Jairus" mahinang sambit niya. Tiningnan naman siya nito at bahagyang umiling.
"I think he'll never really get mad at you..." seryosong sagot nito pero imbes na gumaan ang pakiramdam niya ay parang lalong bumigat ito
"But?"
"No buts. Sa tingin ko hindi siya galit sa'yo or let's say na hindi niya kayang magalit sa'yo"
"Kuya seryoso ka ba? Paano siya hindi magagalit? I broke my promise to him" mabigat sa loob na sabi niya at nakita niya ang kapatid na umiling ulit.
"Sharlene gusto kitang kampihan dahil kapatid kita. Gusto kitang intindihin dahil kapatid kita. Pero hindi eh, mismong ikaw alam mong may mali ka. Sharlene he's your bestfriend, you should prioritize him too kahit sa ganitong bagay lang sana. Hindi na ako magtataka kung isang araw magigising ka na lang at wala na si Jairus sa buhay mo" sabi nito at nagsimula nang uminit ang gilid ng mata niya. She's about to cry dahil sa bigat ng nararamdaman niya
"But then... you should ask him not me. Siya ang kausapin mo hindi ako" sabi pa nito at iniwan siyang magisa sa sala
Sinubukan ko naman eh. Gusto sana niyang sabihin pero nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. At naalala ang nangyari kagabi.
"Francis 6 na, baka naman pwede mo na akong ihatid" yaya nito sa boyfriend niya. Ayaw niyang malate sa gig ng Nightwish. Kailangan nasa backstage siya bago mag perform ang mga ito.
"Maaga pa Shar at wala pa si Mommy at Daddy. We should wait for them" sabi nito
"Pero you promised me... hindi ako pwedeng malate sa gig. Please Kiko" nagmamakaawa na siya. Nakainom na kasi si Francis at kahit ayaw niyang mag drive ito mas gugustuhin pa din niyang puntahan si Jairus.
"Wag ka ngang magulo. Sharlene sino ba ang mas importante? Ako o ang bestfriend mo?"
"Ghad Kiko! Stop this!" biglang sabi ni Trishia
"Sharlene if you need to go ipapahatid kita sa driver namin. Hindi naman dadating sila Tito" sabi sa kanya ng pinsan nito
"Huh?"
"Hindi sila pupunta. They are not invited. Kaya nga puro friends ko lang and cousins yung nandito eh. Walang matatanda"
Nagulat siya sa sinabi nito. Niloko ba siya ni Francis? She felt betrayed, alam nito na may importante siyang lakad pero pinilit pa din siya nitong pumunta sa birthday ng pinsan nito at ginamit pa na dahilan ang mga magulang. For what? Hindi na niya maintindihan si Francis. Maya-maya'y lumapit ito sa kanya at may ibinulong.
"Pag umalis ka Sharlene break na tayo. Now choose. Me o yung walang kwentang gig ng kaibigan mo?"
Doon siya natigilan. Aalis ba siya o hindi?
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?