Chapter 15
"Sharlene can we talk? Sabay na tayo pumasok" nagulat siya ng nakita si Francis sa labas ng bahay nila. Papasok na sana siya sa school pero nakita naman niya ito. Pumayag siya sa paanyaya nito at sumakay na sa kotse nito. She should talk to him after all
"Sharlene i'm sorry. Mamaya sasamahan na kitang manood" panimula nito.
"Kailangan ba magalit muna ako bago masunod ang gusto ko?"
"I'm sorry" ulit nito.
Sorry na naman. She's tired of hearing his apologies.
"Francis i'm not happy anymore. Akala ko ikaw na yung 'the one' ko. Yun pala hindi. I can't be myself with you dahil ayaw mo sa ma bagay na gusto ko" habang sinasabi niya ito ay si Jairus ang nasa isip niya. Simula yata kagabi ay ito lang ang laman ng utak niya.
"Is the about the movie again? Sasamahan na naman kita hindi ba?"
"No Kiko, hindi ito tungkol sa movie lang, it's about everything we've done together simula nung naging tayo. Ikaw na lang lagi ang nasusunod at pangit man pakinggan... i was born a princess, nakukuha ko lahat ng gusto ko, lahat ng nakapaligid sa akin inaaayunan ang mga kapritso ko pero pagdating sa'yo hindi yun ang nangyayari. Hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko dahil ikaw lagi ang iniisip ko. Ikaw? Kailan mo ba naisip ang mga bagay na nagpapasaya sa akin? Did it ever crossed your mind?" mahabang litanya niya dito at napayuko naman ito. He knows he's wrong.
"I can change. Please stay Sharlene" rinig niyang sabi nito
"I can't. It's too late Kiko. I'm sorry" aniya at bumaba na sa sasakyan nito. Hindi siya nagsisisi sa naging desisyon niya. Her relationship with Francis never really meant to last. Hindi siya masaya sa piling nito, it was never fulfilling... hindi katulad nang nararamdaman niya pag si Jairus ang kasama niya.
Si Jairus na naman. Hay
Bahagya siyang napailing sa naisip, she just broke up with Francis at si Jairus agad ang nasa isip niya. Kasalanan ito ng magaling na bestfriend niya, tama ba namang tawanan siya after niyang sabihin na siya ang nararapat dito? Hindi tuloy niya alam kung mahal ba siya ni Jairus o sadyang assumera lang talaga siya at kung ano ano ng pumapasok sa utak niya. May pakanta kanta pa kasing nalalaman eh, hay nako.
Jairus' POV
"Sasabay ba kayo ni Shar sa amin?" agad siyang lumingon nang marinig ang boses ni Kuya Paul
"Sinadya mo pa ako sa bahay para itanong yan Kuya?" nakangising tanong niya. Normal bang puntahan siya nito sa bahay para lang itanong ang bagay na iyon kung pwede namang itext?
"Loko ka talaga. I'm here to ask if kayo na ba ng kapatid ko" anito. He knew it. Kagabi pa siya tinatapunan ng ngiti ni Kuya Paul
"Hindi pa"
"Hindi pa? So magiging kayo? Kailan?" tanong pa nito
Nagkibitbalikat siya and napangiti nang maalala ang mga nangyari kagabi
"Don't you smile on me Jairus. Ano ba balak mo para mawala na sa eksena si Frank?"
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?