Chapter 20
(Last Chapter)Kanina pa nakakunot ang noo niya. He's been waiting for Sharlene for almost 4 hours na, ni hindi ito sumasagot at nagrereply sa mga text niya kaya naman kinakabahan siya. Baka may nangyari na dito ay hindi pa niya alam.
"Waiting for someone?" agad siyang napalingon ng may narinig na boses
"Hannah..." medyo naiilang na sabi niya, simula kasi ng nag-'break' sila ay di pa niya ito nakakausap ng maayos
"Akward?" nakangiting anito "Don't be. Ok na sa akin. Tanggap ko na, si Shar ang mahal mo" sabi nito ng nakangiti pa din pero hindi naman umabot sa mga mata nito.
"Salamat Hannah"
"Sino hinihintay mo? Parang kanina ka pa hindi mapakali ah"
"Si Sharlene" mahinang sabi niya at napansin niyang tila nagulat ito
"Why? Nakita mo ba siya?" tanong niya
"Huh? Ah... eh... kasi... after ng practice nagmadali nang umalis eh" sabi nito sabay nagpaalam agad.
Weird. sabi lang niya sa sarili at napakunot ang noo. Bakit naman magmamadali si Sharlene kung may usapan sila na magkikita?
---
Hindi siya mapakali. 2 araw na siyang hindi kinakausap ni Sharlene. Kanina lang ay pinuntahan niya ito sa bahay pero wala daw ito sabi ni Manang.
Where the hell are you Sharlene?
Kinakabahan na naman siya, noon ay may dahilan kung bakit ito bigla na lang umiwas sa kanya kaya kahit masakit ay tanggap niya iyon. Pero ngayon ay wala siyang ideya kung bakit bigla bigla na lang itong hindi nagpaparamdam sa kanya.
Ok naman sila nitong mga nakaraang araw. Actually masaya pa nga sila... minsan nga pag magkasama sila ay feeling niya ay mahal na din siya ni Sharlene. Pero mali siguro siya... wala siyang naaalala na ginawang masama pero heto na naman si Sharlene at hind nagpaparamdam sa kanya.
"Oh bakit ka nandito? Wala dito kapatid ko" sabi ni Kuya Paul. Dito sa bahay ng mga ito siya pumunta dahil nagbabakasakali siyang kasama nila kuya Paul si Sharlene.
"Alam mo ba kung nasaan siya Kuya?" problemadong tanong niya dito. Napabuntong hininga siya... hindi na niya alam ang gagawin.
"Huh? May problema ba?" nagtatakang tanong nito.
"Nung isang araw hindi niya ako sinipot sa usapan namin, tapos kahapon di man lang nagtext or tumawag. Pinuntahan ko siya sa bahay niyo kanina pero wala daw. I asked Tita kung ok lang ba si Sharlene sabi naman oo. Kuya... iniiwasan ako ni Shar at hindi ko alam kung bakit" problemadong sabi niya at nakita niyang umiling ito.
Masaya na siya eh... masaya na. Bakit ba kailangan maging ganito ulit?
"Tatawagan ko siya. Papapuntahin ko dito. You'll talk here" seryosong sabi nito
"Salamat Kuya" sabi niya bago makahinga ng maluwag. At least kung may problema si Shar sa mga pinag gagagawa niya ay aayusin nila itong magkasama.
"What the hell Sharlene! Ano na naman ang pumasok dyan sa kokote mo?!" narinig niyang sigaw ni Kuya Paul. Kinabahan siya agad. Ano ba ang nangyayari?
"Ang tanga mo Sharlene! Ang tanga tanga mo!" sabi pa nito sabay baba ng telepono.
Kita niya ang galit sa mata nito. Napahawak pa ito sa sentido na tila sumakit ang ulo. Hindi pa niya nakikitang ganitong kagalit si Kuya Paul sa kapatid nito.
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?