CHAPTER 3
Pawis na pawis siya ng makarating sa bahay ng mga San Pedro, nakita niyang naka park na din ang kotse ni Francis kaya dali-dali siyang pumasok sa gate ng mga ito.
"Pagod na pagod ka ah! Nagmadali ka? Natakot kang maunahan 'no? Kakapasok lang nung manliligaw ni Sharlene" sambit ni Manong Greg ang guard nila Sharlene, nagtaka na naman siya sa sinabi nito. Don't tell me pati si Manong nahalata ang nararamdaman niys kay Sharlene?
"At Iho! Kahit wala kang bulaklak mas gwapo ka naman dun! Kaya mo yan!" dagdag pa nito. Napakamot siya sa noo bakit nga ba niya nakalimutan ang bulaklak?
"Salamat manong!" sabi niya at dali daling pumasok sa bahay nila Sharlene
Pagkapasok na pagkapasok niya ay si Kuya Paul agad ang nakita niya, he saw how Sharlene's brother smiled at him and he smiled back. Nang ibaling niya ang tingin kay Francis at Sharlene ay nagulat siya dahil nakahawak ang kamay ni Shar sa braso ni Francis, nagseselos siya at idagdag pa na they both look tensed, parang may itanatago ang dalawa sa kanya na hindi niya alam. He smiled to them at tinanguhan lang siya ni Francis samantalang si Sharlene ay nginitian siya.
"Excuse me" biglang sabi ni Kuya Paul may tumawag yata dito kaya lumayo lang ito ng saglit.
"Sandali lang" sabi ni Sharlene kay Francis at napansin pa niyang pinisil nito ang kamay ni Francis. Napakunot ang noo niya. Three days and they are this close to each other? Hinila naman siya ni Sharlene sa likod nh divider sa salas ng mga ito
"Jairus are you here to support me? I mean grabe kinakabahan talaga ako. Parang ayaw ni Kuya kay Francis, binida mo naman siya diba?" parang wala sa sarili na sabi nito.
"Sharlene..." parang kinukurot naman ang puso siya sa narinig. Here he is aamin kay Sharlene pero tila di naman siya nito nakikita. Tama ba ang ginawa niyang pagpunta dito?
"Hindi pwedeng humindi si Kuya, hindi ko kaya" sabi pa nito. He looked straight to her eyes. May itinatago ito sa kanya at kinakabahan na siya. May mali...
"Sharlene may tinatago ka ba sa akin?" mahinang bulong niya dito. May pakiramdam na siya but he needs to hear it.
"Kami na Jai..." sabi nito, her eyes are sparkling with joy kahit kanina pa ito kinakabahan. Umiinit na ang gilid ng mga mata niya. He's late.
"Kailan? Paano?" pinilit niyang magpakatatag, he can't cry just because the only girl she loved in her life is with another man.
"Kaninang umaga lang. He's just so sweet, alam niya lagi yung sasabihin niya at matagal na niya akong gusto and i really like him" sabi nito. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.
"Are you inlove with him?" tanong niya dito
"I don't know. But i am falling for him. Please Jairus, talk to Kuya. Tell him something good about Francis again. Parang awa mo na best" anito
Umiling siya at ipinikit ang mga mata. Three days, tatlong araw lang ang ginugol ni Francis para mahalin ito ni Sharlene, samantalang siya 8 years at hanggang ngayon bestfriend pa din ang tingin sa kanya. Bakit ang unfair?
He opened his eyes just to see Sharlene's teary eyes. Nagmamakaawa ito sa kanya, pwede ba naman niyang tanggihan ito? Of course not.
"Ako ang bahala sa inyo" aniya at umalis na sa tabi nito para puntahan ang Kuya nito.
Nasa telepono pa din si Kuya Paul nang nilapitan niya ito. He's restless, pagod na pagod na siya, hindi dahil sa pagtakbo niya papunta kina Sharlene kundi dahil sa nararamdaman niya. Bakit kasi sa lahat ng babae ay kay Sharlene pa siya nahulog? Bakit sa bestfriend pa niya?
"Your best choice so far!" nakangiting sabi sa kanya ni Paul.
"Aalis na ako Kuya"
"What the f*ck? Nagbibiro ka ba? You're here now. Bawal ka nang umatras!"
"Kuya let your sister be happy. She deserves it. Bye" iyon lang at umalis na siya. He even passed on the other door para di na makita si Francis at Sharlene. He shouldn't act like this pero hindi niya maiwasan. Nasasaktan siya. Natalo siya sa isang laban na hindi siya nabigyan ng pagkakataong labanan.
Sharlene's POV
"Fine. Payag na akong ligawan mo ang kapatid ko"
Nakahinga siya ng maluwag sa narinig niya mula sa kapatid, akala niya talaga ay hihindi ito dahil sa dami ng tanong nito kay Francis. He's not even smiling so sa tingin niya ayaw naman talaga ng kuya niya kay Kiko. But she is really happy na pumayag na ito, atleast "legal" na manliligaw na niya si Kiko. Alam niyang masyado pang maaga para maging sila ni Francis pero nararamdaman niyang tama ang desisyon niya... she likes him a lot at napakabait pa nito sa kanya, he's really perfect kaya nagtataka talaga siya sa Kuya niya kung bakit pati si Francis ay sinabon nito ng kung ano-anong tanong. She should also thank Jairus, malamang ito ang nagkumbinsi sa Kuya Paul niya na payagan na siyang ligawan...
"Are you happy?" tanong sa kanya ni Kiko nang makaalis sa harap nila si Kuya Paul
"I am relieved and happy" sincere na sagot niya dito.
"Ako din. Sa wakas..."
"Kailangan nating pasalamatan si Jairus... nasaan na nga ba iyon?" tanong niya at hinanap ito, bigla na lang kasi itong nawala
"He did nothing" ani Francis
"No! Tinulungan niya tayo, kinausap niya si Kuya"
"Pero ako yung nandito, ako yung sumagot sa tanong ng Kuya mo, ako yung nagpapayag sa kanya... hindi si Jairus" anito kaya nilingon niya ito. Hindi niya maintindihan bakit tila may ipinaglalaban ang boyfriend niya. Alam niyang may itinulong si Jairus dito at her boyfriend should know that.
"Look... may tinulong si Jai-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla itong sumingit.
"Sharlene nagseselos ako"
Nanlaki ang mata niya sa narinig, hindi niya akalain na magseselos ito, tapos kay Jairus pa. Hindi niya napigilan ang sariling mapa-ngiti na ikakunot ng noo nito.
"Ang cute mo magselos" sabi niya dito at nagpout naman ito.
"Palagi naman akong cute..."
"Yabang!"
"Pero seryoso Sharlene, nagseselos ako sa samahan na meron kayo ni Jairus. Tapos ngayon siya pasasalamatan mo samantalang ako yung halos mahimatay dito sa kaba" sabi pa nito na tila nagtatampo.
Nilapitan niya ito at hinawakan sa mukha, he's really so handsome...
"Bestfriend ko lang si Jairus, halos kapatid ko na siya... hindi mo siya dapat pagselosan"
"Yeah. Pero gusto kita Sharlene and you're even my girlfriend now. Akin ka na... ayokong may ibang lalaki kang nakikita, nakakausap. Basta! I'm jealous & really possesive. I want you mine, only mine" seryosong sabi nito.
She looked straight into his eyes at sinabing "I'm yours. Only yours"
She smiled at him and gave him a hug. Alam niyang hindi healthy sa isang relasyon ang pagiging possesive & seloso but she really admired him for telling her the truth at gusto niya na ganito ito ka-vocal sa nararamdaman nito sa kanya. At sino ba ang niloloko niya? She've always liked possesive & jealous guys... Francis is really perfect at ang swerte swerte niya!
BINABASA MO ANG
Like We Used To (JaiLene fanfic) [COMPLETED]
FanfictionHanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hawak ng iba? Hanggang kailan mo kayang makita ang mahal mo na hindi na masaya? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang nararamdaman mo? Hanggang kailan?